"DANIELLE!"
"Ay bigote ng kalabaw!"
Napalingon siya sa taong tumawag sa kanya at nakita niya ang kanyang Ninang Agnes na nakatayo sa may entrance ng gymnasium kung saan nila isasagawa ang kanilang auction. Ilang oras na lang ay mag-uumpisa na sila.
"Ninang Agnes!" Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap ........ "Miss ko na po kayo."
"I know, hija. Ikaw naman kasi hindi ka na pumupunta sa bahay," anito habang ginagantihan siya ng mahigpit na yakap. Napayuko na lamang siya.
"You know why, Ninang," sagot niya rito sa mahinang tinig.
"Ito naman kasing si Justin eh mukhang hirap mag-move on. Susme! Eh, mga bata pa kayo no'n. He shouldn't hold it against you. Don't worry, I'll talk to him," alo nito sa kanya.
"No, Ninang," pigil niya rito. Actually we're okay now," aniya rito. Halata sa mukha nitong nagdududa ito sa katotohanan ng sinabi niya.
"Really? Paano nangyari 'yon?"
"Well, Ninang, actually, kasama ko siya sa event na 'to. Tutulong siya sa grupo namin para makalikom kami ng malaking halaga para sa Little Angels Orphanage," paliwanag niya rito.
"Is that so? Hindi niya naikwento sa akin."
"Alam mo naman 'yung anak mo na 'yon, Ninang. Masyadong masikreto," natatawa niyang sabi rito. "By the way, Ninang, ano ho ang ginagawa niyo rito?" Ngayon lamang niya napansin na nakasuot ito ng tee shirt na may tatak na 78th Grand Reunion then a realization hit her.
"Kung nandito pa sana ang mama mo siguradong mag-e-enjoy 'yon," malungkot na sabi nito.
"Sigurado 'yon, Ninang," sang-ayon niya rito.
"Dan! Dan!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Gwen mula sa bleachers. Kasalukuyan itong nagkakabit ng streamer para sa event.
"I'll go ahead, Dan. Dalawin mo na lang ako sa bahay sa Sabado," nang makita nitong tila tatanggi siya, muli itong nagsalita, "I won't take no for an answer. Wala naman si Justin sa bahay kapag Sabado. So I will be expecting you, ha, hija?" Hindi na nito hinintay pa ang sagot niya at lumabas na itong muli ng gym. Nagpasya siyang lapitan na lamang si Gwen.
"All is set. Oras na lang ang hinihintay natin," anito habang sinasalubong siya palapit.
"Nandito na ba sina Justin?"
"They're at the backstage. Ang sabi ni Jeff hinahanap ka daw nila."
"Okay." Tinalikuran niya ito at tinungo ang backstage area kung saan matatagpuan ang iba pang organizers ng event at ang Adonis Gang. Patakbong sinalubong siya ni Jeff nang makitang papalapit na siya.
"Sigurado ka bang papatok 'to?" tanong nito. Halatang may duda pa rin ito sa plano nila.
"Jeff, nakalimutan mo na yata kung sino ang magiging bida rito."
"Okay, sabi mo, eh." Tuluyan na nilang nilapitan ang grupo.
"Hi, guys!"
"What? Akala ko 'abs' na naman ang sasabihin mo," panunukso sa kanya ni Dean. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong midnight blue botton up shirt na pinaresan nito ng black soft jeans and black leather shoes. Actually, ganito ang porma ng anim na mga lalaki. Ito ang napag-usapan nila. Isa-isa ring bumati sa kanya ang iba pa maliban lang kay Justin na kung makatingin, eh akala mo manlalamon ng tao. Actually, sa kanya lang naman ito nakatingin. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya, matatakot, o matatawa. Talo pa kasi nito ang babaeng nagme-menopause.
"Argh! Move on na tayo, pwede? Ayaw ko nang maalala 'yun no," natatawa niyang sabi rito.
Pinalibot niya ang kanyang mga mata sa anim at nakita niyang handang-handa na ang mga ito. Maririnig mula sa kanilang kinaroroonan na unti-unti nang napupuno ang gym. Walang ideya ang mga taong pupunta sa kanilang event kung anong klaseng auction ang gagawin nila. But the students are required to attend every major event that's why hindi siya nag-aalalang mabobokya sila.
"Ladies and Gents, any minute now, we will start our program. We are requesting everyone to find their seats. Thank you," anunsyo ng kanilang emcee na si Ian. Maganda ang baritonong boses nito at bagay na bagay sa hosting ng ganoong mga program.
Maya-maya pa ay nagsimula na nga ang program at di naglaon ay dumako na sa kanilang main event. Ang auction. Sa totoo lang, hindi siya gaanong sanay magsalita sa harap ng maraming tao lalo na kung nasa ibabaw ng stage kaya ipinaubaya na niya kay Jeff ang pagpapatakbo ng programa. Nanatili na lamang siya sa backstage kasama ang Adonis Gang. Mas gusto niyang magtrabaho sa likod ng tabing. Doon siya komportable.
"Sorry, Gents but it looks like this is the lucky night for all the ladies here. This event is no ordinary charity auction. The items are priceless but the owners are very much willing to spend their time with you for the sake of our beneficiaries..." narinig niya ang umuugong na bulungan ng mga tao. Nagtataka na ang mga ito. Curious sa kung anong klaseng items ang kanilang i-o-auction.
"I can here you, guys. Now, para hindi na kayo mabitin, here is our first item," drum roll...

BINABASA MO ANG
Mischievous Bride Unwilling Groom
Romance15 years ago... "Hoy, Justin!" "Ano bang problema mo? Kanina ka pa sunod nang sunod sa'kin, ah. Isusumbong na kita kay mommy!" "Kuuuh... Napakasumbongero mo naman. May sasabihin lang naman ako sa'yo ah," aniya rito sabay dukot sa bulsa niya ng ba...