Chapter 11

43 2 0
                                    

JUSTIN'S POV

"SAKAY!", hindi niya mapigilang bulyaw kay Dan nang makita niyang nakaalis na si Gwen. I know it was a shitty thing to do but I just couldn't help it. Mula nang ikinasal silang dalawa ay nagulo na ang lahat ng plano niya sa buhay.

Yeah, right. As if you really do have a plan. Tudyo ng isang bahagi ng kanyang isip.

"Sakay? Sinusundo mo ako?" takang tanong ni Dan sa kaniya.

"May ibang tao pa ba rito?"

"Ahmmm... Wala." pagdaka'y sagot nito.

"Eh, 'yun naman pala eh. Sakay! Ayaw ko ng pa-ulit-ulit."

"May sakit ka ba?" anito habang dahan-dahang naglalakad patungo sa kinatatayuan niya. Madilim na ang paligid at tanging ilaw na lamang mula sa mangilan-ngilang poste ang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng parking lot.

"'Wag ka na ngang maraming tanong. 'Di ba ikaw ang may sakit?" iritableng sagot niya habang binubuksan ang pinto sa may driver's seat.

Mukha yatang may bigla itong naalala base sa pagliliwanag ng mukha nito.

"So, sinabi pala sa'yo ni Tyler," anito habang dahan-dahang binubuksan ang pinto ng passenger's seat. "Hindi mo naman ako kailangang hintayin. Kaya ko naman. Nariyan naman si Gwen," dugtong nito nang tuluyan nang maka-upo.

"Seatbelt!" paasik niya pa ring sabi rito. Sa totoo lang hindi niya alam kung bakit naiinis siya. Magkakasama silang limang magbabarkada kanina nang biglang dumating si Tyler. Hindi niya alam kung bakit pero halata sa mukha nito na may bumabagabag sa isip nito nang tumabi ito sa kaniya ng upo.

"Have you seen Danielle?" panimulang tanong nito na agad namang ikinatahimik ng grupo nila.

"Ano namang pakialam ko sa kaniya?" pambabalewala niya sa tanong nito. Alam ng barkada niya ang sitwasyon nila dahil wala naman siyang inililihim sa mga barkada niya. Mula elementary magkakasama na sila kaya naman open na sila sa isa't isa. Pero hindi sila nagpapakialaman sa mga mas personal na bagay lalong-lalo na kung ang problema ay katulad ng sa sitwasyon niya.

"Oh, yeah. I forgot," singit ni Jacob. "We saw her earlier. Masama yata pakiramdam."

"Hindi pa ba kayo nagkakaayos?" tanong ni Dean habang walang tigil sa pagsubo ng eggpie. Hindi niya alam kung bakit masyadong addict sa pie 'tong taong 'to. May plano yatang maging diabetic.

"Dude, kung maayos kami, hindi ganito hitsura ko. And NEVER kaming magkakaayos. Kayo ba..." isa-isa niyang tiningnan ang mga barkada niya, "kung kayo ang nasa sitwasyon ko, magiging masaya ba kayo?" nagsisimula na siyang mairita.

"Kung sa bagay," sang-ayon ni Avan.

"I brought her at the clinic," ani Tyler habang scroll nang scroll sa cell phone nito na para bang walang lang dito ang sinasabi.

"Her? Who's her?" tanong ni Sam.

"May iba pa ba tayong pinag-uusapan dito maliban kay Danielle?" ani Tyler na napahinto na sa ginagawa at para bang may pinipigilang inis. "She fainted kanina. Mabuti na lang nasalo ko siya at nadala kaagad sa clinic."

"Anong oras nangyari?" tanong niya rito. Medyo kinabahan siya. Kahit na galit siya kay Danielle, kinakapatid niya pa rin naman ito at may pinagsamahan din naman sila kahit na hindi nga lang maganda.

"Ahmmm, about one hour ago," pabalewalang sagot nito na siyang ikinagulat at ipinagtaka niya.

"At ngayon mo lang sinabi sakin?!" aniya rito habang nagmamadaling tumayo. Kibit-balikat lang ang isinagot nito sa kaniya.

"Kahit kailan ka talaga, Tyler," ani Sam na binato pa siya ng maning kanina pa nito kinakain.

"Sa'n ka pupunta?" tanong sa kaniya ni Tyler.

"Obvious ba? Edi sa clinic," aniya rito sa naiinis na tinig.

"Akala ko ba wala kang pakialam? 'Wag mo sabihing concerned ka na sa kaniya ngayon?"

Natigilan siya sa tanong nito. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga kaibigan niya. They were all staring at him as if waiting for him to confirm what Tyler have said.

"Gwen is already with her. Kung napipilitan ka lang dahil sa responsibilidad dahil 'asawa' ka niya, hindi mo kailangang magpanggap sa harapan namin," ani Tyler. Hindi niya sigurado pero parang may halong pang-uuyam ang binitiwan nitong mga salita.

"What's wrong with you, dude?" Avan voiced out the question na kanina pa niya gustong itanong. "Para kasing mas affected ka pa kaysa kay Justin, eh."

Isang kibit-balikat lang ulit ang isinagot nito sa tanong ni Avan. Wala ka talagang makukuhang matinong sagot kay Tyler.

"We're here," aniya kay Danielle. Sa buong kalahating oras na biyahe mula university hanggang sa apartment ay walang usapan na namutawi sa kanilang dalawa. Maybe he was giving her consideration dahil nga masama ang pakiramdam nito kaya hinayaan niya na lang na manahimik ito. Napansin niya na lang na nakatulog na pala ito sa biyahe. This was the first time na magkasama sila ng kalahating oras na hindi sila nagbabangayan.

"Thank you," anito na medyo hilo pa yata dahil hindi man lang nito na-realize na nagpasalamat ito sa kaniya. NEVER itong nagpasalamat sa kaniya.

Tuloy-tuloy lang itong pumasok sa kabahayan at hindi na muli pang lumingon sa kaniya.

Welcome. A small smile played on his lips. Ang sarap palang makarinig ng pasalamat mula rito.

*****

Heyah! This one was short.

Ano nga kaya ang nangyayari kay Tyler? Bakit kaya ganoon na lang siya kung maka-react? Secret crush niya kaya si Danielle? Oh baka naman may mas malalim pang dahilan?

Keep on reading, commenting, and voting guys!

Thank you very much!

Mischievous Bride Unwilling GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon