Chapter 13

50 2 2
                                    

"TRUCE!"

"Now you're calling truce," hindi makapaniwalang sambit ni Justin habang hawak nito ang laptop niya.

"Yes!" agap niyang sagot dito nang akmang ibabato na nito sa kalsada ang laptop niya ancient history na sa katandaan. "Don't do this, please," pagmamakaawa niya rito.

"Oh, now you're saying please," napataas pa ang kilay nito.

"Yes. So, PLEASE, give me back my laptop," aniya rito habang dahan-dahang lumalapit dito. Napaatras naman ang lalaki nang makita ang ginagawa niya.

Hindi pwedeng masira ang laptop niya ngayon dahil lahat ng projects niya sa MMP ay naroon. Marami rin siyang mga nobela na hindi pa natatapos. Sad to say wala siyang back up files. Hindi niya naman kasi akalaing mauuwi sa ganito ang ilang linggong gulo nilang dalawa. At this moment, she is very much willing to do anything para lang masagip ng trabaho niya.

"Ineng, ayos lang ba kayo riyan?" tanong ng kapitbahay nilang hindi magkandatuto kung paano pang mas pahahabain ang leeg para lang masilip sa kabilang bakod ang pag-aaway nilang dalawa. Doon lamang sila tila natauhan. Napalabas na pala ng kani-kanilang mga bahay ang kanilang mga kapitbahay at tila ba mga miron sa isang shooting na pinapanood ang away nilang dalawa ni Justin.

This is so embarassing! Tili ng kaniyang isip.

"Ah, eh, okay lang ho kami," tipid na ngiti rito ni Justin. "Medyo konting away-mag-asawa lang ho.

"Sige na ho, balik na ho kayo sa mga bahay niyo," hiyang saad niya sa mga ito at bahagyang tinapunan ng nanlilisik na tingin si Justin. Nang makitang hindi naman pala mauuwi sa madugong labanan ang bangayan nila, nagsiuwian na rin ang mga ito.

Ang mga tsismosa nga naman. Tsk!

"Justin, please, just give me back my laptop," pagsusumamo niya ulit dito.

Napatayo nang tuwid ang kanyang asawa sa nahimigang pagmamakaawa sa kanyang boses.

"What are you willing to do to get this back?" tanong nito sabay muwestra sa laptop na hawak nito. Habang hinihintay ang kaniyang sagot ay umupo muna ito sa garden set na nasa harapan ng apartment nila.

"Anything!"

"Anything?" pag-uulit nito sa sinabi niya.

"Oo nga! Kulit! Bingi ka ba?!" asik niya rito. Ipinadyak-padyak pa niya ang kaniyang mga paa na tila ba batang nagmamarakulyo dahil hindi nakuha ang gusto. She heard Justin laugh.

"Anong nakakatawa, manok?!"

"You," tipid nitong sagot. He looked really amused.

"Ah, mukha na ba akong clown para pagtawanan mo? Nakakatawa siguro para sa'yo na makita akong nagmamakaawa no?!"

"Yeah."

"Aba't anak ng!," nanggagalaiti na siya sa inis. "Hoy, Justin," aniya sabay duro dito, "'pag ako nainis sa'yo--"

"So, you are not willing to save your preciouse laptop here?" pang-aasar pa nito habang aktong ibabato na naman sa daan ang kawawang laptop niya.

"Don't! Stop!"

"What? Don't stop?" pang-aasar na naman nito.

"No! I mean--" napapikit na lang siya. Huminga nang malalim at nang medyo kumalma na ay tiningnan niya muli ito.

"Okay, what do you want?"

"Be my slave for one week," anito sa tonong akala mo ay nag-aalok lang sa isang bisita ng kape.

"Slave?! Are you kidding me?!" panggigilalas niya.

"One week slavery or your precious laptop?"

Natigilan siya at nag-isip. Ano pa ba ang pwede niyang gawin para mabawi niya ang laptop niya nang hindi niya kailangang magpaalipin sa lalaking ito? Hindi niya mapigilang kabahan. Kahit kababata niya si Justin, hindi naman naging maganda ang samahan nila. Hindi niya sigurado kung tototohanin ba nito ang bantang pagsira sa laptop niya.

"Tic-toc-tic-toc-tic-toc"

"Teka nga nag-iisip pa ako."

"The fact na nag-iisip ka, it means hindi importante ito sa'yo. So, bye-bye laptop," anito sabay aktong ibabato na ang laptop sa kalsada.

"OKAY! OKAY! Just give me back my laptop!"

"I'll give your laptop back to you after the one week slavery. And your one week starts NOW. Ikuha mo nga ako ng juice," anito habang papasok ng bahay at pasipol-sipol pa.

"Are you kidding me?!"

Humarap ito sa kaniya na seryoso ang mukha. "Mukha ba akong nagbibiro?"

Now, this is what you call hell.

TWO days!

It has been two days since that chicken head got her laptop. And now here they are at the beach spending their first days of summer vacation. Kasama nila ang buong Adonis Gang. At ano ang ginagawa niya rito?

Guess what?

Syempre narito siya to be that insufferable man's slave for five more days!

Katatapos niya lang ayusin sa loob ng kwarto ni Justin ang mga damit na dala nito. And who would have known na para palang babae ang isang 'yon. Mas marami pa itong dalang damit kaysa sa kanya. Five days lang sila dito pero parang pang one month ang dalang damit. Ang laki-laki ng maleta nito. Ni hindi man lang siya tinulungan ng ungas para bitbitin ito paakyat sa kwarto nito. Avan approached her earlier para sana tulungan siya pero isang tingin lang mula kay Justin ay nagbago ang isip nito.

Hmp! Bahag ang buntot!

Mukha yatang sinadya ng asawa niya na damihan ang dala para lang pahirapan siya.

Habang naglalakad sa dalampasigan ay biglang nag-ring ang cell phone niya. Nakita niyang si Mama Agnes pala ang tumatawag.

"Hello, Mama Agnes," panimulang bati niya rito.

"Hi, dear! Are you enjoying your stay there?"

"Enjoy ho sana, Ma, kung wala lang 'yung asungot na si Justin," sagot niya rito. Pilit niya mang itago ang inis lumalabas pa rin iyon sa kaniya.

"Nag-aaway pa rin ba kayo?"

"Ang dami-dami naman ho kasing iniuutos, eh," pagsusumbong niya rito.

"Iniuutos? What do you mean?" bakas sa tinig nito ang pagtataka.

"Well, Ma, ganito kasi 'yon..." and she told her Mama Agnes about what really happened.

"DANIELLE!" narinig niyang tawag sa kaniya ni Justin.

Eto na naman siya. Isang buntong hininga na lang ang nagawa niya. Nagpaalam na siya sa kaniyang Mama Agnes.

"Don't worry about Justin, hija. Ako ang bahala sa kanya," panapos na salita nito bago tuluyan nang nagpaalam.

Naglakad na siya palapit kay Justin na sambakol ang kanyang mukha.

Lumipas ang maghapon na puro na lang...

"Itimpla mo nga ako ng juice!"

"Nakalimutan ko 'yung towel sa kwarto. Kunin mo nga."

"Nagugutom na kami. Ipaghanda mo kami ng meryenda."

"Lagyan mo nga ng lotion ang likod ko."

😨😰😩

*****

Oh, my goodness!

Level up 'yung huling utos ni Justin.

Mukhang... 😏😏😏

Keep on reading, commenting, and voting!

Thank you very much!

Mischievous Bride Unwilling GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon