CHAPTER 2

60 7 1
                                    

✿✿✿

Jaze Yuri POV

Huminga ako ng malalim bago pihitin ang door knob sa private room ng Dad ko dito sa ospital.

Pagkapasok ko ay si Dad lamang ang tao at mahimbing na natutulog. Kaya naman lumapit ako sakanya at maingat na naupo sa tabi niya.

Bago pa ako makaupo ay nagising na si Dad at agad na lumingon sa gawi ko.

"Daughter..." Sabi ng Dad ko kaya ngumiti ako ng malungkot.

"Dad.. Kamusta ka na? Anong sabi ng doctor sa lagay niyo?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nginitian niya lamang ako na ipinag taka ko.

"Is there something wrong, Dad?" Tanong ko sakanya pero kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

"I just miss my daughter. It's been a years." Sabi ni Dad at ngumiti sa'kin.

"Yeah, I miss you too Dad. Why didn't you tell me about this? Bakit ngayon ko lang nalaman na inaatake ka pala? Sana sinabi mo sa'kin noon pa habang wala ka pa dito sa hospital. Look at you Dad. Namamayat ka na. Are you eating healthy foods? I told you to eat—"

"Daughter, you don't need to remind me about that. Mahina na talaga ang resistensya ko at kulang lang talaga ako sa pahinga dahil sa sobrang stress sa companya natin." Sabi ni Dad.

"Pero hindi mo naman kailangan magtrabaho araw araw. Mayaman na tayo, sapat na yun Dad."

"I know pero kailangan ko parin magtrabaho para sa inyo na pamilya ko. Ako ang haligi ng tahanan kaya tama lang na magtrabaho ako para sainyo." Dad said. I sigh.

"You need to rest Dad. Alam kong hirap kang makatulog dito sa ospital pero wala ka nang magagawa. Wag kang mag alala Dad, babantayan kita. Dito ako matutulog." Sabi ko kaya naman ngumiti si Dad sa'kin.

"Mabuti ka pa anak gusto ako samahan dito sa ospital. Si Stacey? Napaka spoiled brat nong bata na iyon. Ni hindi manlang bisitahin ang ama niya dito sa ospital."

"I'm jealous Dad. She's not your daughter. Ako lang." Sabi ko na ikinatawa ng Dad ko.

"Jaze anak, simula nung pakasalan ko si Irene, parte na sila ng buhay mo sa ayaw at sa gusto mo."

"I know. Basta kung saan kayo masaya, masaya narin ako don Dad."

"That's my daughter." Nginitian ko naman siya. "Pero hindi mo na kailangan matulog dito anak, alam kong kakauwi mo palang galing Japan. Pagod ka. Ayoko naman mahirapan ka kaya ang mommy mo nalang ang matutulog dito kasama ako. Is it okay?" Sabi ng Dad ko.

"No problem Dad. But she's not my mother." Napailing at napabuntong hininga naman si Dad sa sinabi ko.

"Fine. Basta tandaan mo 'to anak. Kahit anong mangyari mahal kita okay? Higit pa sa companya natin." Napangiti naman ako.

"I love you too, Dad." Sabi ko at hinalikan siya sa noo.

"As a gift, dahil kakauwi mo lang dito sa pilipinas, I'm giving you a shop. Malaking lote ang nabili ko para sayo. Alam kong gusto mo magpatayo ng coffee shop kaya naman inayos ko na iyon last year pa at simula bukas, ikaw na ang mamamahala. Are we clear?" Napanganga ako sa narinig ko.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon