CHAPTER 4

62 7 2
                                    

"What are you doing here?" Sabi ko ng lumapit siya sa'kin at parang asar na asar siya ng makita ako.

"Ay sorry, hindi ba ako welcome sa coffee shop ko?" Nangigigil na sabi ni Stacey. I raised my eyebrows.

Coffee shop niya?

"Excuse me? But this is not your fucking coffee shop." Mariing sabat ni Vincy habang kumakain ng pizza.

"Hindi ikaw ang kausap kong bakla ka kaya kung pwede ba?!" Sigaw ni Stacey at nagtinginan naman sa kanya ang ibang customers at pinagbulungan siya pati na rin si Mia na abala sa cashier ay napatingin sa kanya.

"They say, before you start a war, you better know what you're fighting for." Ani Vincy.

"Easy girl. Hindi mo ikinaganda iyang pinag lalaban mo." Nakangiting sabi ni Courtney.

Nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Stacey kaya natawa ako ng palihim.

"Guys, ako na ang bahala dito. Maiwan ko muna kayo, may pag uusapan lang kami." Sabi ko sa dalawa kong kaibigan kaya agad naman silang tumango sakin. Vincy mouthed 'you can do it' bago ko sila iwan doon kaya natawa ako. "Tara." Yaya ko kay Stacey.

Pumasok ako sa office at sinundan naman ako ni Stacey.

"So ano nga ulit ang sinasabi mo? Coffee shop mo?" Natatawang sabi ko.

"Oo. Ibibigay sa akin ni Dad 'to!" Nakakalokong sabi ni Stacey habang naka pamewang.

"Oh really? 'Yuri's Café' nakalagay tapos ibibigay sa'yo? Nagpapatawa ka ba?" Natatawang sabi ko at nakita ko naman ang pagka inis sa mukha niya.

"Ilang months na ako tumutulong dito, pero ikaw, kakarating mo pa lang tapos inaangkin mo na itong coffee shop na 'to!" Gigil na sabi niya kaya napailing ako.

"Why don't you call Dad? Itanong mo sa kanya kung kanino mapupunta itong coffee shop na 'to." Bored kong sabi. "Ang OA mo, pwede ka naman magpatayo ng sarili mong coffee shop yung mismong nakapangalan sa'yo hindi yung nang aangkin ka ng pag mamayari ng iba. Well, mahilig ka nga pala mang angkin na pagmamay ari na ng iba." Nakangiting sabi ko.

"Ang kapal ng mukha mo! Nag Japan ka lang tapos mayabang ka na! Ano matapang ka na ngayon?! Well, atleast nakuha ko na ang gusto ko!" Sabi niya. Agad naman nag iba ang ekspresyon ng mukha ko.

"Ah, yeah. Nakuha mo na nga ang gusto mo. Masaya bang kunin ang dapat ay akin?" Napangising sabi ko at ngumisi rin siya sa'kin.

"Sobra. Dahil nagtagumpay ako at sa akin ang huling halakhak." Sabi niya. Mabuti nalang ay walang nakakarinig sa amin dahil kami lang dalawa ang tao sa office dito sa loob ng coffee shop.

"Hindi pa nagtatapos ang lahat step sister. Magsisimula pa lang ako." Sabi ko at matamis ko siyang nginitian.

"Kung kaya mo! Austin and I are in a relationship. Monthsary nga namin nong isang araw. Ang saya diba?" Mapakla akong tumawa sa sinabi niya. Halatang nang iinggit. As if naman na maiinggit ako kahit pa ang mahal ko ang pinagmamalaki niya.

"Oo masaya, pero mas masaya yung tatlong anniversary namin ni Austin. Sayang at monthsary na nga lang ang meron ka, mawawala pa." Sabi ko at nakita ko ang pagka inis ng mukha niya pero hindi pa rin siya nagpatalo.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon