CHAPTER 8

45 6 0
                                    

Jaze Yuri POV

Para akong tanga na mag isa dito sa upper deck habang hawak ang gitara ko. Nandito ako sa gilid tabi ng dagat.

Naalala ko pa, noon ayaw ni Austin na mag swimming ako sa dagat dahil baka daw malunod ako. Ayaw na ayaw niya na lumalapit ako sa dagat kasi hindi daw ako marunong lumangoy. Sana ganun rin siya ngayon at paalisin niya ako rito sa gilid malapit sa dagat. Sana nag aalala pa rin siya sa'kin hanggang ngayon. Natawa na lang ako.

Dati, iniisip ko. Paano kaya pag hindi na ako mahal ni Austin? Paano kaya kung ako na lang ang nag mamahal sa aming dalawa? Sa loob ng dalawang taon, palagi kong iniisip ang mga positive. Na alam ko mahal pa rin niya ako kung sakaling bumalik ako ng Pilipinas. Alam kong hindi niya ako ipagpapalit ng ganon kadali.

Ang hirap isipin ng mga bagay na yun na walang kasiguraduhan. Ang hirap isipin na isang araw, hindi na niya ako mahal.

Bakit dumating sa puntong ganito? Ang sakit. Gustuhin ko man umiyak ay walang lumalabas sa mata ko dahil hanggang ngayon processing pa rin sa utak ko ang sinabi niya.

"Hindi na."

Walang buhay akong tumawa ng marinig ko na naman ang salitang pinakawalan niya kanina. Ganun lang ba kadali sa kanya ang lahat? Hindi ko matanggap.

Tumingin ako sa itaas at nag star gazing habang nag strum ng gitara.

Bakit?

Anong kasalanan ko para parusahan ako ng ganto? Simula ng mamatay ang Mom ko noon, puro sakit na lang ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit nangyayari to pero karma ko ba 'to dahil ako ang dahilan kung bakit nawala ang Mom ko noon?

Sobrang sakit naman ata ng karmang ibinigay sa'kin. Mahal na mahal ko si Austin. Ang sakit marinig ang pitong letrang binitawan niya.

Bakit ganun? Bakit si Austin ang dali para sa kanya mag move on? Bakit ako, kahit anong isipin o gawin ko, nananatili siya sa puso ko?

Ang daming 'bakit' sa isip ko at ni isa ay hindi ko alam ang sagot.

Kanina ay natapos na ang laro dahil naramdaman siguro nina Courtney na hindi na ako komportable. Kaya nagpasya sila na ubusin na lang ang natitirang Whiskey at nag kanya-kanya na kami.

Medyo nawala na rin ang tama ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Naalala ko pa noon, tuwing iiyak ako ay si Austin ang nandyan lagi sa tabi ko. Si Austin ang sumalo sa lahat ng problema ko. Kakamatay lang ng Mom ko noon at sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nawala ang Mom ko. Pero si Austin, hindi pa rin siya umalis sa tabi ko dati kahit pinapaalis ko siya. Lagi lang siya may dalang panyo at niyayakap niya ako nung highschool kami. Doon nagsimula ang lahat.

Kaya sobrang saya ko ng dumating si Austin sa buhay ko. Nung makilala ko siya, nagbago ang pananaw ko sa buhay. Akala ko, ang pagka matay lang ng mom ko ang pinaka masakit sa lahat. Hindi pala.

I just sigh. Malalagpasan ko rin 'to. Ginusto ko 'to eh. Dapat panindigan ko. Gagawin ko ang lahat, bumalik lang siya sa'kin. Ganto ako ka martyr.

Natawa nalang ako sa naisip ko at tumugtog ng paboritong kanta ko. Close as Strangers.

✿✿✿
Vincent POV

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon