CHAPTER 16

20 3 0
                                    

HINDI ako pwedeng magpaapekto sa sinabi ni Austin kaya hinabol ko siya hanggang living room.

"Saan ka pupunta? We're not yet done talki—" habol ko sa kanya at sinubukang hawakan siya sa braso para iharap sa akin pero tinabig niya ang kamay ko.

"Wala na tayong dapat pang pag usapan, so stop following me," Said, Austin. Nakakuha ako ng tyempo para maiharap siya sa akin at tignan siya sa mata.

"You can't just leave me there—" Again, he cut me off.

"You left remember? Kaya may karapatan akong iwan ka, and please. I don't want to see you anymore, bakit ka na narito? Hindi ikaw ang ipinunta ko rito," Nanlilisik na mata niyang sabi.

I breathed deeply. Masyado akong natamaan sa sinabi niya.

"Ano bang ginawa ko at bumalik ka sa dati? Huwag mo naman akong gawing tanga Austin, nagbago ka na eh, ano bang nagawa ko?" Pilit kong tinatapangan ang sarili ko sa pagtitig sa kanya. Ito lang ang chance na pwede ko siyang makausap dahil wala ang kapatid ko.

"Ang kulit mo ano? Para matahimik ka, ang kapatid ko ang nagsabi na kahit isang araw lang maging mabait ako sayo, nasabi ko na, pwede ka ng umalis sa harap ko,"

Sinabi ni Vincy iyon?
Pero bakit niya ako hinalikan? Huwag mong sabihing pati iyon ay sinabi rin ni Vincy? You've got to be kidding me.

I shook my head in disbelief. "Then why did you kiss me?! Huwag mo sabihing option lang ako kasi nakakagago na eh! Nagbibigay ka ng pruweba by your action and then pagsasalitaan mo ko ng kabaliktaran ng mga ginagawa mo!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses kaya huminga ako ng malalim.

I can't read what's in his eyes. Blanko ito at malayong malayo ito sa Austin na nakilala ko noon.

"Just please, tell me Austin, may... May pag asa pa ba ako s-sayo?" Pahabol ko.

Please say yes...

Please...

Austin is just staring at me. Ilang segundo ako naghintay pero napalingon ako sa kaliwa ng bumukas ang front door ng bahay namin at iniluwa noon si Stacey at si Irene, my step mother.

"What are you doing?" Agad na pumagitna si Stacey sa amin at humarap sa akin. "Stop flirting my boyfriend, you btch." Ani Stacey at tinulak ako.

Agad na sinuway ni Austin si Stacey at si Irene naman ay nakatingin lang sa akin na para bang hindi niya gusto na makita ako. So am I. Kung hindi lang kay Dad hindi na ako pupunta dito sa mala impyernong bahay na ito.

Hindi na ako nagsalita inirapan nalang at step sis ko at aakyat na sana sa 2nd floor para puntahan si Dad ngunit biglag hinatak ng malditang kapatid ko ang buhok ko.

Di ko inaasahan na gagawin niya ang kamalditahan niya kahit nandito si Austin.

Napapikit ako ng maramdaman ko nanaman ang naramdaman ko noon.

Hindi na nila ako pwedeng maapi this time.

I grab Stacey's hand and in just a blink of an eye, I slapped her with full of strength.

"Fck, anong ginawa mo?!" Galit na usal ni Austin sa akin at agad nilapitan si Stacey at hinaplos ang pisngi nito. Umiwas ako ng tingin.

Si Irene naman ay nanggagalaiti na nilapitan ako at sasampalin sana ako ngunit napigilan ko siya ng kaliwang kamay ko.

"You can't hurt me anymore," Titig na titig na sabi ko sa step mom ko at hindi na ako naghintay pa ng ilang minuto at umakyat na sa kwarto ng Dad ko.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon