CHAPTER 7

56 6 6
                                    

Courtney POV

Pagkasabi na pagkasabi ni Jaze ay tinignan ko si Austin at nahuli ng mata 'ko ang pag ngisi niya na para bang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Jaze. Napailing naman ako.

Hanggang kailan kaya marerealize ni Austin na walang kasalanan si Jaze? Sa pag kaka alam ko ay si Austin ang nakipag break kay Jaze ng panahong iyon kaya walang ginawa si Jaze kundi umiyak ng umiyak.

"That explains everything." Makahulugang sambit ni Vincy at nag kibitbalikat lang ito.

Ang totoo ay pati ako hindi ko rin maintindihan ang nangyayari, I mean hindi ko akalain na gagawin ni Austin ang dare sa kanya kanina. Alam kong galit si Austin kay Jaze dahil sa nagawa daw nito na hindi naman namin alam kung ano, kaya hindi ma process sa utak ko na magka hawak kamay sila ngayon. Akala ko ay iinom siya ng three shots kanina pero lahat kami ay nagulat ng lumapit siya kay Jaze sabay hawak kamay dito na para bang walang nangyari.

Si Jaze naman ay pinaikot na sa kabilang kamay ang bote. Natapat naman ito kay Tuck na siyang ikinangisi ni Jaze.

Kung makalokohan ako, ibahin niyo si Jaze. Mas makalokohan 'yan sa'kin kaya kabahan ka na Tuck.

"Since kanina ko pa napapansin na pinag titripan ako ni Tuck, well? Truth or Dare." Ngingisi-ngising sabi ni Jaze na ikinalunok ni Tuck.

"Wag ka naman ganiyan Jaze, yung madali lang. Hehe. D-dare?" Nag aalinlangang sabi ni Tuck at kinamot pa ang ulo.

"I love your answer Tuck." Nakangiting sabi ni Jaze at tumingin sa'kin.

Agad naman akong kinabahan, oh please. 'Wag ako sissy. Sinasabi ko sa'yo gagantihan talaga kita.

"Sissy, pwede ko ba tanggalin 'tong kamay namin ni Austin saglit? May kukunin lang ako sa bag 'ko." Agad napakunot ang noo 'ko at tumingin kay Vincy na nagtataka.

Akala ko ay isasama niya ako sa naisip niya kaya kinabahan ako kanina ng tumingin siya sa'kin, yun pala ay magpapa alam.

"No, hindi pwede. Kung saan ka man pupunta ay dapat magka holding hands pa rin kayo ni brother. Nasa rule na hanggang matapos ang laro ay magka holding hands pa rin kayo." Vincy said. I smiled. Pati na rin si Jaze ay ngumiti at bumaling kay Austin.

"Ah, pwede mo ba akong samahan?" Tanong ni Jaze kay Austin at ako ay natahimik lamang.

Tumingin pa ako kay Austin na hindi manlang nilingon si Jaze bago siya tumayo.

"Tsk, faster." Maikling sabi ni Austin at nakita ko pa ang pagliwanag ng mukha ni Jaze.

Pati ako ay nadadala sa nararamdaman ni Jaze. Alam kong kinikilig si Jaze. Akala ko hindi na mangyayari 'to dahil break na sila. Pero ang saya at ang sarap sa feeling tignan nung dalawa na akala mo wala silang problema na dinadala sa mga kilos nila. Sana ganiyan nalang lagi para laging masaya si Jaze.

"Wait, yung Dare 'ko paano?" Nagtatakang sabi ni Tuck ng makaalis ang dalawa habang magka hawak kamay pa rin.

Ako naman ay nagkibit balikat lang sa tanong ni Tuck. "Kinikilig ako sa kanilang dalawa." Sambit ko habang nakangiti.

"True, sis. Sana lagi na lang ganto no? The best 'tong naisip ni Sucker na mag truth or dare tayo." Sabi naman ni Vincy.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon