CHAPTER 19

20 1 0
                                    

Gulat na gulat ako sa nangyari pero hindi nagpapahuli ang puso ko. Para akong aatakihin sa oras na ito dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Austin's kissing me and I can't help but to cry! Hindi dapat ako nagpapadala na sakanya. Sawa na ako. Ayoko na. Pagod na ako sa kakapilit ng sarili ko sakanya.

Pinaglalaruan niya lang ako...

Naghanap ako ng lakas ng loob para pigilan at itulak siya habang tumutulo ang luha ko.

"P-please tama na, hindi ko na k-kaya..." I stuttered. Tulo ng tulo ang luha ko habang nakatingin lang sa baba. Ayokong tignan siya dahil anytime babagsak ako.

"Yuri... I'm sorry." Lalo pang bumuhos ang luha ko sa narinig ko.

Ayokong tumingin dahil alam kong bibigay ako. Ito ang pinaka hinihintay kong araw. Ito lamang ang pinaka hinihintay kong sabihin niya...

Sobrang saya ng puso ko pero hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ito sa sakit. Masaya ako pero ang sakit ng puso ko kasi alam kong pinaglalaruan niya lang ako.

Niyakap niya ulit ako at naramdaman kong umiiyak din siya.

Bakit siya umiiyak?!

Ginugulo niya ang isip at puso ko. Nakapag desisyon na ako kagabi. Ayoko na. Ayaw na ng isip ko pero yung puso ko kahit nasasaktan go parin. Tanginang puso to.

Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil wala na akong lakas pang itulak siya.

Ito ang pinaka hinihintay ko, ang bumalik siya sa akin...

Pero nangangamba ako sa tuwing maalala ko lahat ng sinabi ni mia kagabi.

Pinaglalaruan ka lang niya...

"Kasalanan ko ang lahat, I'm sorry Yuri. M-mahal parin kita..."

Hindi ko na napigilan at napaupo na ako habang umiiyak. Sobrang saya ko ngunit kabaliktaran nito ang nararamdaman ng puso ko. Napaka sakit.

Iyak lang ako ng iyak dahil hindi ko alam gagawin ko. Sobrang saya ko at narinig ko muli sa kanya ang tatlong letra na magpapagunaw ng mundo ko.

Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit kumikirot puso ko, dahil ba ngayon lang siya? Dahil ba huli na siya?

"Fuck!" Nakarinig ako ng suntukan at laking gulat ko nang nakita kong sinusuntok na ni Harris si Austin sa labas ng unit ko.

Lalo pa akong kinabahan ng makita kong galit na galit ang mukha ni Harris kay Austin.

"Fuck you! What did you do to her?!?" Harris shouted. Natataranta akong nilapitan si Harris dahil galit na galit ang mukha niya ngayon at ganon din ang tingin ni Austin sa kanya.

"I didn't do anything wrong! Fucking moron!" Sagot ni Austin. Nakita ko ang dugo mula sa labi niya. Gusto kong punasan at sabihin kay Harris walang ginagawang masama si Austin at naparito lang siya para humingi ng tawad kaso hindi ko kaya. Tinignan niya ako ngunit inilipat ko ang tingin ko kay Harris. Naalala ko ang nangyari kanina sa tuwing titingin siya sa akin.

"Harris please, gumagawa ka ng eksena." Bulong ko rito habang hawak ko siya sa kamay at pinipigilan ko siya.

Agad kumalma si Harris pagkatapos ay tinignan mabuti si Austin.

"You. Get lost! Wala kang karapatang pumunta rito!" Sigaw ni Harris.

Hinigpitan ko ang hawak ko kay Harris dahil alam kong anytime susugudin ulit ni Harris si Austin.

"Please..." Nakayukong sabi ko. Hindi ko alam gagawin ko kapag hindi ko napigilan si Harris. Ayoko na ulit makita ang Harris na nakita ko noon. Natatakot na ako. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko sa nangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon