CHAPTER 9

41 5 8
                                    

Courtney POV

"Guys nandito na tayo. Ito yung rest house namin dito sa island." Turo ko sa bahay na nasa harapan namin at pumasok sa loob. "Actually, ginagawang resort 'tong island na 'to. As you can see dun sa may part na dulo, sa kanina nating nadaanan, ginagawa pa siya. Baka next month matapos yun." Paliwanag ko at tumango naman sila at nilapag na ang mga gamit.

Tinuro ko na rin sa kanila na may sari-sariling kwarto kami rito sa rest house namin. Shempre hinding hindi magpapatalo rest house namin dito sa island.

Kanina ay pag alis namin sa yacht, ewan ko kung ako lang ang nakapansin pero parang bad mood si Austin? Oo alam ko naman na laging bad mood yan ngayon, pero iba kasi yung mukha niya kanina pag alis namin ng yacht.

Kung tinatanong niyo kung bakit sa yacht pa kami sumakay eh pwede naman sa boat na lang, well sa pamilyang Fitzgerald ang yacht na iyon. Actually madami silang yacht. Yayamanin rin yun sina Vincy and Austin eh.

"Man, you okay?" Rinig kong sabi ni Tuck. Si Austin naman ay hindi siya pinansin at pumasok na sa kwarto nito. Tumingin naman sa'kin si Tuck na nagtataka. Nagkibit balikat lamang ako.

As if alam ko kung anong nangyari kanina like hello? Si Vincy lang magdamag na kasama ko sa yacht na 'yon.

"What?" Curious na tanong ko kay Tuck kasi nakangiti siya sa'kin.

Minsan talaga hindi ko alam kung normal ba 'tong kaibigan namin o may sayad na eh.

"Nagtatanong ka pa sis, halata naman sa mukha ni Sucker na ang ganda mo daw! Yun yon. Ang lalandi niyo. Maghahanap na lang ako ng fafa sa labas. Maiwan ko muna kayo dito." Singit ni Vincy at dali daling lumabas ng rest house.

Si Jaze naman ay lumabas muna kanina dahil kausap niya pa rin hanggang ngayon si Harris. Ewan ko ba sa dalawang iyon, parang mag jowa kung umasta. Pero hindi mo mapapansin kasi hindi naman nila mahal isa't isa eh. Kilala ko kaya mahal ni Harris. Ako pa? Stalker ako ng taon.

"Damn Tucker, wag ka nga ngumiti ng ganiyan. Natatakot na ako sa'yo." Sabi ko naman at tumawa siya saka inakbayan ako. Inalis ko naman agad ang pagkaka akbay niya sa'kin. Napaka talaga nito.

"Look, court. Hindi iyon. Hindi mo ba talaga napapansin?"

"Ang alin?" Tanong ko naman. Magkalapit kami ni Tuck kaya hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Alam niyo na. Pa shy type. Joke, eh kasi nakakakaba kung tumingin 'to si Tuck eh. Ewan ko ba kung bakit bumibilis tibok ng puso ko pag naka ngiti siya sa'kin. Di hamak na mas gwapo naman sa kaniya yung idol na napapanood ko sa kdrama.

"Si Austin. Bad mood, nakita ko kasi kanina parang may sinisilip si Austin tapos pag tingin ko si Jaze. May kausap sa phone. Baka nag seselos si Austin." Sabi nito. Bumilog ang mata ko sa narinig ko at niyugyog si Tuck.

"Shit kaya pala!" Sabi ko naman.

"Kaya pala...?" Tanong ni Tuck.

"Kaya pala nagmamadaling umalis si Austin kanina sa yacht. Oh shit Tuck." Masayang sabi ko.

Baka nga nagseselos si Austin. Shempre, hindi naman aasta ng ganon iyon kung hindi siya nagseselos diba? So may pag asa pa silang dalawa?

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon