CHAPTER 12

32 5 3
                                    

"Sabi naman ni Courtney diba? Huwag kang pumunta sa malayo lalo na sa may parteng lagoon. Ayan tignan mo, naligaw ka tuloy! Sinabihan na kita, paano nalang kung hindi ka nahanap ni brother? Paano na? May kasama ka pang lalaki. Hindi mo naman kilala pero kinakausap mo, ano ba don't talk to strangers diba??" Mariin akong napapikit dahil kanina pa paulit ulit si Vincy sa mga sinasabi niya.

Okay I get his point naman pero ako ba unang kumausap kay Caleb? Ako ba? Kinakausap ko lang naman sarili ko pero sumabat si Caleb sa kung saan, dapat hindi ako yung pinapagalitan dito eh.

"Ugh! Jazey!! Are you freaking listening?!" Sumigaw na si Vincy.

"Geez of course, at kabisado ko na mga sinasabi mo. Stop that. You look like my father." Natatawang bigkas ko. Napahilamos naman ng mukha si Vincy sa sinabi ko. Nako, siguro kung babae lang 'to at buntis pa, baka na kunan na 'to.

"Ghad, you're unbelievable Jazey." Vincy said so I wink at him. Bigla naman pumasok sa kwarto si Courtney at nagaalalang tumingin sa akin.

"How are you? Sino yun? Bakit mo kasama? May masama bang nangyari sayo? Kamusta na puso mo? Marupok pa ba?" Napasimangot ako sa sinabi ni Courtney. Goodness naalala ko broken hearted nga pala ako, pero nasaan na kaya si Austin? Pagkatapos niya kaming mahanap bigla nalang siya nawala.

"Where's Austin?" Pag iiba ko ng usapan.

"Hay, friend kong marupok. Pagkatapos niyong mag bangayan, ngayon hahanapin mo siya sa amin." Vincy said as he raised his eyebrow.

Sa totoo lang kasi kaya ko siya hinahanap kasi gusto kong mag thankyou sa kanya kasi nahanap niya ako sama mo na din si Caleb kaya nakabalik na kami dito. Habang pabalik kasi kami kanina, hindi ko makausap si Austin dahil pinangungunahan ako ng kaba na baka magkasagutan na naman kami at maulit na nanaman ang di dapat mangyari. Kaya tanging si Caleb lang ang nakakausap ko habang pabalik kami dito. Si Caleb naman ay pumunta na sa lugar niya at nagpasalamat din siya kay Austin.

Nagulat pa si Caleb ng malaman niyang si Austin ang lalaking nakahanap sa amin kaya kinabahan ako, akala ko sasabihin niya yung mga kabaliwan ko pero mabuti nalang at tahimik lang ang isang iyon.

"Gusto ko lang naman magpasalamat sa kanya, di na kasi ako makabalik kanina dahil hindi ko kabisado ang lugar na ito." Napakamot pa ako ng ulo. Nakakahiya man aminin pero totoo iyon, hays. Napaka walang kwenta ko talaga, baka iniisip ni Austin na lumayo ako para hanapin niya ako. Nagkataon lang naman na naligaw ako eh.

"Sino ba kasing tanga pupunta sa alam mong wala ng katao tao." Ayan na pinapagalitan nanaman ako ni boss Vincy. Ayan nanaman ang mala M16 niyang boses.

"Oo na, tanga na ko. Lalo na sa pag-ibig tanga din ako."

Binatukan naman ako ni Courtney kaya napasimangot ako. "Heh, ang drama mo, sige na magpasalamat ka na. Make sure lang na di kayo magkakasagutan nanaman kung hindi naku!!! Baka ma pektusan ko siya." Courtney said pertaining to Austin. Napailing na lamang sko at lumabas na ng kwarto ni Vincy. Dumeretso naman agad ako sa kwarto ni Austin at huminga ng malalim bago kumatok.

Ready na akong masabihan ulit ng tanga.

Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan kong nag uusap si Tuck at Austin kaya napalingon sila sa'kin. Tinignan ko pa si Tuck at mukhang nagets naman niya ang tinginan ko sakanya.

"Sige man, bukas nalang ulit. Bigla akong inantok." Sabi naman ni Tuck at nag aalanganin pa ang tingin ni Austin sakanya.

Pagkaalis ni Tuck ay pumasok naman ako sa kwarto ni Austin. Eto na. This is it.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon