CHAPTER 3

40 9 0
                                    

✿✿✿

Pagkagaling ko ng condo ko dahil dinala ko ang mga gamit ko don ay napag desisyonan kong pumunta sa address na hindi naman kalayuan sa condo ko kung saan nandon ang coffee shop ko na binigay ni Dad para sa'kin.

Bumaba ako ng kotse at tinignan ang nasa harapan ko. Ito na nga siguro yong coffee shop.

Yuri's Café

Napangiti naman ako sa pangalan ng coffee shop ko. Yuri talaga? Dalawang tao lang ang tumatawag ng Yuri sa'kin. Ang Mom ko at si Austin pero parehas na silang wala ngayon sa buhay ko. Alam talaga ni Dad kung paano ako pasayahin. Napailing nalang ako at pumasok sa loob ng coffee shop.

Tinignan ko ang buong paligid habang manghang manghang tumitingin sa dami ng customers. Madami palang bumibili sa coffee shop na 'to. Lalo akong natuwa.

Agad na may lumapit sa'kin na babae at ngumiti sa'kin pagkatapos ay bahangyang yumuko.

"Konnichiwa, I'm Mia. One of the crews here. It's nice to meet you Ms. Zaccaria." Sabi ng babae na ipinag taka ko.

"You know me?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Of course, Ms. Zaccaria, you're the soon to be owner of this coffee shop. Nakapangalan pa sa Dad niyo ang coffee shop na ito at kailangan niyo lang ay ang kontrata para maging sainyo na talaga." Sabi ni Mia at ngumiti sa'kin.

Na excite naman ako sa sinabi niya. Magiging akin na nga 'tong coffee shop. Eto na ata ang best gift mula sa Dad ko. Ang swerte ko na may Dad ako na tinutupad mga wish ko. Kung nandito lang siguro si Mom tiyak mas masaya siya sa'kin dahil pangarap niya rin magpatayo ng sariling coffee shop.

"Let's go to the second floor Ms. Zaccaria." Gulat akong napatitig kay Mia sa sinabi niya.

"You mean, may second floor 'tong coffee shop na 'to?" Nanlalaking matang tanong ko at agad naman tumango sa'kin si Mia. "Wow." Nakakaproud. Nakakaproud maging pagmamay ari itong shop na 'to dahil bukod sa madaming customers ay malaki rin ang lupa na kinatatayuan. This is too much. I have to thank my Dad for fulfilling my wish.

Agad ko naman sinundan si Mia na umakyat ng second floor at pagka akyat namin ay may mga customers din. Kaya naman napangiti ako, iba pala talaga ang feeling pag nakikita mong madami kang customers sa mismong pagmamay ari mo. Hindi ko alam kung iiyak ako sa sobrang saya o magwawala ako dito na parang nanalo ako sa loto.

"Kung gusto niyo po Ms. Zaccaria ay bukas bisitahin niyo ulit itong magiging shop ninyo para po masanay na kayo. Pero hindi naman po araw araw kailangan niyong pumunta dito, besides. Kayo na ang soon to be na mamahala nito kaya hindi niyo na kailangan araw araw pumunta dito. Pero pag weekends mas madaming tao kaya madami kami ng mga co-crew ko na nag aasikaso dito. Don't worry Ms. Zaccaria, everything is under controlled. Ang kailangan niyo lang ay kung may idadagdag kayong cafe sabihin niyo lamang at kami na ang bahala doon." Napangiti naman ako sa sinabi ni Mia.

"Thank you for taking care of my soon to be coffee shop. At saka pwede bang wag ka ng maging pormal? Jaze nalang ang itawag mo sa'kin. Hindi ako sanay ng Ms. Zaccaria ang tawag sa'kin. Feeling ko nga magkasing tanda lang tayo." Natatawang sabi ko at tumawa rin naman si Mia.

"Okay po, Ms. Jaze." Napasimangot naman ako.

"Jaze na lang. Wag mo ng lagyan ng 'ms.' Nakakatanda. Feeling ko tuloy ang tanda tanda ko na." Sabi ko at tumawa kami pareho.

Pagkatapos iexplain lahat ni Mia sa'kin ay napag desisyonan kong pumunta sa office. May maliit na office sa loob para sa owner kaya mas lalo akong natuwa.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon