CHAPTER 17

23 4 0
                                    

Vincent's POV.

Pabalik balik akong naglalakad habang inaalala kung ano ang nangyari kay Jazey. Fudge! Sana hindi ko siya iniwan kagabi. Hindi ko siya matawagan at wala rin siya sa bahay at unit niya.

Tinawagan ko na rin si Harris kanina at hindi pa daw umuuwi si Jazey. Nagaalala na ako. Feeling ko, ako may kasalanan kasi iniwan ko siya kagabi mag isa. Sana talaga hindi ako pumayag sa sinabi niya at dinala ko nalang siya sa VIP room namin.

"Brother! Ikaw nalang inaasahan ko, wala ka bang alam kung saan pwedeng makita si Jazey? Kayo ang madalas magkasama noon," sabi ko rito at niyugyog ang balikat nito. Tumabi ako sa kama niya.

Nung tumawag kasi ako kay Harris kanina, hindi pa daw umuuwi si Jazey at wala din daw sa bahay ng Dad nito si Jazey. Wala naman akong ibang alam na pagtatanungan kundi ang kapatid ko lang dahil siya ang mas nakakaalam kung saan madalas magpunta si Jazey.

"I don't know anything. Get out of my room," hindi ko siya pinakinggan at nanatili sa tabi niya.

Alas syete palang ng umaga at antok na antok pa ang kapatid ko kaya ganyan ugali niya. Well, ganyan na talaga ang ugali niya simula ng nagbreak sila ni Jazey.

"Kainis ka naman eh. Nag aalala na ako dito oh, baka may alam ka? Hindi pa siya umuuwi simula kagabi," ngunguso-ngusong bigkas ko.

Nagtakip naman ng unan ang kapatid ko. "Tss. Kagabi lang pala nawawala, uuwi rin iyon," hinampas ko si brother pagkasabi niya nun.

"Paano nga kung may nangyaring masama? Iniwan ko siya kagabi sa bar ko at lasing na lasing na siya, tinignan ko yung cctv footage at nakita kong may kausap siyang lalaki sa bar ko, hindi ko yun kilala brother," pinagdiinan ko talaga yung word na lalaki at baka magselos siya at hanapin niya si Jazey ko pero wala! Wala talaga siyang pakielam sa ex niya! Letse!

"Ikaw, di mo kilala pero siya, kilala niya. Huwag kang praning, di makikipag usap iyon sa iba kung di niya kilala. Okay ka na? Umalis ka na dito at matutulog pa ako, wala akong panahon hanapin ulit ang babaeng iyon so get out of my room now," he said.

I rolled my eyes at sinipa siya ng bahagya. Pusong bato! Kaimbyerna. Paano ko ba naging kapatid ito?!

"Ewan ko sa'yo. Parang wala kayong pinagsamahan. Hinalikan mo pa nga nung nakaraan!" Nagmartsa na ako paalis ng kwarto niya. Mukhang wala akong mapapala sa kapatid ko.

-
Jaze Yuri's POV.

Nagpapadyak padyak akong naglakad papunta kay Caleb.

"Eh kung sapakin kaya kita?" He laugh on what I've said.

"Ouch. Walang utang na loob, dinala na nga kita dito tapos sasapakin mo ako? Wag ganun Jaze. Matuto kang maging patas," I rolled my eyes at pinanood siyang maghain ng para sa dalawa.

In fairness marunong siya magluto ng agahan ah? Bihira lang sa lalaki ang nakikita kong marunong mag luto.

"Ano naman ang patas sa'yo?" I asked. I know mas hindi siya patas kesa sa akin.

"Well, magiging patas lang kung makikipag date ka sa akin," he winked at me.

I rolled my eyes in annoyance. "Sorry, I don't do that shit," kahit na oo. Shempre, nakakatakot itong doktor na ito mamaya iba palang date ang sinasabi niya.

"Okay fine. If you'll not gonna date me, then hindi ka makakaalis sa bahay ko, I have your key remember? Masaya akong tumira sa bahay kasama ka," For the second time. I rolled my eyes. Lintik na doktor ito. Ngayon lang ako nakakita ng doktor na ganito, palagi akong nakakakita ng mga nerds na doktor pero ito? Kulang nalang magpaka teenager sa kalandian.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon