CHAPTER 5

42 5 0
                                    

Austin POV

"Ang usapan 1pm, my gosh. Mag aalas dos na, wala pa rin si Jazey. Napaka talaga nung babaeng 'yon." Reklamo ni Vince habang kanina pa tinatawagan si Yuri.

Bakit ba kasi kasama pa si Yuri? Naiinis ako sa sarili ko na sumama pa ako dito na alam ko namang kasama si Yuri. Bakit? Dahil wala akong choice at si Vincent ang may kasalanan. Akalain mong binlackmail ako kay Mom. Alam niyang lahat gagawin ko para di ako mapagalitan ni Mom. Tsk.

Nandito kami ngayon sa bar ni Vince at kami lang ang tao dahil sarado pa ito at mamaya pa magbubukas. Tanging si Yuri na lang ang iniintay.

"Oh, God. Nasaan na ba daw siya? Ilang oras pa naman tayo sa yacht kasi medyo malayo ang island namin na 'yon." Paliwanag ni Courtney na ngayong iwas ng iwas kay Tuck kasi inaasar siya nito.

"Pwede bang wag ka ng makulit Sucker? Nahihilo ako sainyong dalawa goodness!" Sabi ni Vincy at hinilot ang sentido niya. Kanina pa kasi paikot ikot si Courtney dahil naiinis siya kay Tuck habang si Tuck naman ay panay lapit kay Courtney.

Buti nalang ay napakiusapan ko si Stacey na hindi siya makakasama sa birthday ni Vincent dahil outing namin ng pamilya namin ang alam niya. Hindi niya alam na kasama si Yuri. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya dahil alam kong hindi siya papayag pag si Yuri ang kasama ko.

"Shit. Sorry, I'm late."

Napa angat naman ako ng tingin ng makarinig ako ng pamilyar na boses. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko pero ipinag sawalang bahala ko iyon at nanatiling tahimik.

Hindi ako pwede makaramdam ng ganon dahil in the first place, ex ko lang siya. Hindi na siya parte ng buhay ko.

Nang tumingin ako sa gaai niya ay nakita ko rin siyang nakatingin sa'kin ng malungkot. Hindi ko alam kung bakit ganun siya makatingin sa'kin? Nagsisisi na ba siya sa ginawa niya sa'kin noon? Asa naman akong mag sisisi yan. Napasmirk ako sa naisip ko.

"Finally! Come on people, para maka punta na tayo sa island as soon as possible!" Ani Vince at nagmamadaling kinuha ang mga bagahe niya at nauna na samin lumabas.

Agad ko naman kinuha ang mga gamit ko at dumeretso na sa kotse. Pinili kong sa unahan pumwesto at baka pagtripan ako ng kapatid o kaibigan ko at makatabi ko pa ang ex ko. Alam ko ang takbo ng utak ng mga kupal na yan.

So, this week is going to be fucking boring lalo na't hindi ko kasama ang girlfriend ko. Sana naman ay matuwa ako kahit papano at wag siyang lumapit sa'kin para maayos ang buong week ko.

✿✿✿

Jaze Yuri POV

Pagkarating namin sa yacht ay tinulungan ako ni Vincy mag buhat ng gamit ko papunta sa yacht dahil medyo may karamihan ang mga dala ko. Isa din 'yon sa rason kung bakit ako laging late dahil masyado akong madami magdala ng mga kailangan. Para kung sakaling wala sila, edi meron ako. Agad naman akong nagtungo sa upper deck para magpa hangin at gusto ko rin munang mapag isa.

Naalala ko na naman yung nangyari kanina. Ang lamig ng tingin sa'kin ni Austin. Kahit pinipigilan kong hindi masaktan ay wala naman akong magawa kasi puso ko 'to. Walang magagawa ang isip ko dito.

Pagkapasok ko palang ng Bar kanina ni Vincy ay siya agad ang hinanap ng mata ko pero nagsisi ako na tumingin ako sa kanya. Hindi na iyon tulad ng pagtingin niya sakin noon. Hindi na ba niya ko talaga mahal? Wala na ba akong pag asa?

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon