CHAPTER 6

48 6 0
                                    

Austin POV

WHAT THE FVCK. Gulat na napaisip ako sa sinabi nitong babaeng nasa harapan ko.

"I miss you."

Anong karapatan niya sabihin ang walong letra na kahit kailan ay hindi naging totoo? Alam ko ang lahat. Alam ko na ginamit niya lang ako simula una palang. Kaya wag niya akong ma-I-miss-you diyan dahil hindi niya alam kung anong naramdaman ko ng nalaman kong ginago niya lang ako. Sino siya para magsabi sa'kin ng ganiyan.

Di porket dalawang taon na ang nakalilipas ay nakalimutan ko na ang mga pang gagago niya sa'kin noon. No, baka akala niya mapapatawad ko siya sa isang I miss you niya lang.

Tinignan ko ng malamig ang mukha niya at napa smirk. "You're nonsense." Mariing sabi ko at medyo nagulat siya sa sinabi ko.

Tama lang na di ako magpa apekto sa sinabi niya dahil kahit kailan hindi siya nag seryoso sa'kin.

Sa halip na malungkot ang mukha niya ay ngumiti pa siya sa'kin na ipinag taka ko. Di ko na lamang siya pinansin at pumunta na kay Vince at ibinigay ang kailangan niya pero bago pa 'ko makapunta ay narinig ko pa ang huling katagang sinabi ni Yuri.

"I'm serious, Baby."

What the fck is wrong with her? BABY? Wag niya ako matawag tawag ng ganiyan.

Una, hindi nakakatuwa. Pangalawa, hindi rin nakakatuwa at pangatlo, HINDI TALAGA NAKAKATUWA.

Sinong tangang matutuwa ng sabihan ka ng ex girlfriend mo ng salitang BABY at I MISS YOU? na niloko at ginago ka lang? Diba wala? Kasi hindi na 'ko ulit magpapakatanga sa mga sinasabi niya. Puro lang siya salita.

At hindi ko gusto ang pagsasabi niya ng mga bagay bagay dahil nahahalungkat ang nakaraan na noon pa man ay kinalimutan ko na. Walang kwenta ang nakaraan ko. Para lamang ako nag aksaya ng four to five years na naging parte siya ng buhay ko.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga pang gagago niya sa'kin kaya wag siyang aasa na maloloko niya ulit ako sa mga walang katuturang salita niya. Hindi na ulit mangyayari yon.

Napakunot ang noo ko ng nakangiti sa'kin si Tuck pagkaupo ko rito sa tabi niya at kinuha ang gitara ko.

"Anong nginingiti mo diyan?" Curious na tanong ko sa kanya dahil naiinis ako sa pagka ngiti niya sa'kin dahil nararamdaman kong mang aasar 'to. Kaya naman inagaw ko sa kanya ang gitara ko.

"I saw you earlier, nakikipag usap ka kay Jaze. Damn man, muling ibalik na ba?" Panunukso niya. I glared at him.

"Don't talk to me. Dun ka na sa Courtney mo." Pagkasabi ko non ay napakamot naman siya ng ulo at umalis na sa tabi ko. Alam kong guguluhin niya ulit si Courtney.

Napabuntong hininga ako at palihim na tinignan si Yuri na ngayo'y busy sa phone niya. Mukhang may text.

Narinig ko pa ang pagtawa niya na naka agaw ng atensyon ko. Naiinis ako dahil tumatawa siya. Siguro si Harris na naman ang ka text niya. Tsk. As if may pake pa ako. Kung dati oo, selos na selos ako kay Harris pero ngayon? Kahit maghalikan sila sa harapan ko ay wala akong pakielam. They are just a piece of shit.

Hindi ko na siya tinignan pa dahil naramdaman kong tumigil siya sa pagtytype. Baka mamaya mahuli pa niya ako nakatingin sa kanya at mag assume siya. Kaya nag strum nalang ako ng gitara ko at handa na sana tumugtog ulit ng makarinig ako ng ingay.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon