CHAPTER 18

17 3 0
                                    

"Ms. Jaze, si Lisa na po ang bahala diyan, nakakahiya naman po kung pati iyan ay gagawin niyo pa po," ani Mia. Isa sa mga crew ng coffee shop na ito. Napailing lamang ako sa kanya.

"I insist. Madaming customers, gusto ko din tumulong. Besides, busy na rin si Mia sa iba pang customers. Don't worry okay?" Napabuntong hininga nalang si Mia sa akin at bumalik na sa tapat ng cashier.

Pinagpatuloy ko ang pag gawa ng kape habang paparami ng paparami ang dumadating sa coffee shop. Minabuti kong intindihin ang ginagawa ko rito kaysa puro lovelife lang ang inaatupag ko, wala naman akong napapala. Kaya hangga't maaari gusto kong makatulong dito. Gift na nga lang 'to ng dad ko sa akin tapos hindi ko pa pagtutuunan ng pansin.

Maraming tao talaga ngayon lalo na't weekends at tapat lang ng isang company o kilala sa tawag na S&T Hotels ang coffee shop namin kaya dito lagi sila pumupunta.

Patuloy lang ako sa ginagawa ko habang may iba pang orders na dumarating. Sineserve naman agad ni Lisa ang mga nagagawa ko kaya naging mabilis ang kilos namin.

Naging abala kami sa ilang oras ng mga kasama ko at 9pm na ng kumaunti ang tao kaya nakapag pahinga kami kahit sandali.

"Kapagod!" Singhal ni Lisa.

Kakatapos lang kasi namin magsara dahil late na at malayo pa ang tirahan ng mga kasama kl. Hindi naman 24/7 ang coffee shop na ito dahil kakaunti pa lamang ang nakuha ni dad na crews. Siguro pag nakaangat ako ng kaunti hahanap ako ng iba pang crew para hindi kami ganoong mahirapan.

Nagsiuwian na rin ang iba pang kasama namin at tanging kami nalang nina Lisa at Mia ang natira.

"Do you have any plans tonight?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang nag aabang sila ng taxi.

Umiling si Mia. "Matutulog lang ako pag-uwi ko. Wala din akong gagawin bukas,"

"Ako rin ms. Jaze. Bakit mo po naitanong?" Lisa asked.

"Pwede ba akong humingi ng favor sainyo?" Tanong ko sa kanila.

"Oo naman po, kahit ano,"

"Samahan niyo naman ako this night sa unit ko. Ang lungkot kasi eh, doon na din kayo matulog, okay lang ba?"

Ayokong mapag isa ngayong gabi. Mababaliw na ata ako kung wala akong makakausap ngayon. Si harris kasi nasa pinsan niya nakitulog buong week kaya wala akong kasama.

"Ganun po ba? Sige po, kuha lang po ako ng spare clothes ko sa shop," ani Mia pero agad kong pinigilan.

"Huwag na, nakasara na yung shop, mahihirapan ka lang," I said.

"Hala, wala akong pamalit na damit." sambit naman ni Lisa.

"Don't you guys worry, madami naman akong damit sa unit ko, pahiramin ko muna kayo." Agad na nagpasalamat ang dalawa kaya nagtungo na kami sa unit ko.

"Just feel at home okay?" Sabi ko sa kanila ng makapasok kami. Nginitian naman ako ng dalawa.

Pumasok ako sa kwarto ko para kumuha ng damit na ipapahiram sa kanila pagkatapos ay ibinigay ko agad at naghalf bath naman ang dalawa.

Nagtungo ako sa fridge para kumuha ng ilang beers at bumalik sa sofa kung saan nandoon sila.

"Nag iinom ba kayo?" I asked. Baka mamaya hindi pala eh, gatas ipapainom ko sa kanila.

"Oo naman po, ms. Jaze ito ngang si Lisa lasinggera eh." Turo ni Mia kay Lisa. Agad namang binatukan ni Lisa si Mia.

"Hala, ako pa daw. Sino kaya yung kada linggo e nasa bar? Tignan mo nga iyang bilbil mo naglalakihan, inom pa!" Natatawa na napailing nalang ako sa usapan nila.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon