Part 15

8K 241 3
                                    


HALOS HINDI NA humihinga si Berry habang papasok ng grand ballroom ng engrandeng hotel kung saan gaganapin ang birthday celebration daw ng chief justice ng supreme court ng bansa. Lahat ng makita niya ay tila mga gintong baryang kumikinang, lalo na ang napakalaking chandelier sa pinaka-gitna ng venue ng party na dinaluhan nila ni Matthew nang gabing iyon.

"Grabe, Matthew. Akala ko 'yung mansyon na ni Lolo ang pinakamaganda at pinakamalaking bahay na makikita ko. Meron pa palang gaganda dun!" pabulong niyang wika. "Nakakalula dito. Pero ayokong malula. Ang daming kumikislap na bagay kapag tinamaan ng ilaw. Ay, tingin mo magkano ang isang piraso ng mga palawit ng ilaw na iyon?"

"Walang value ang mga iyan kung hindi nakakapit sa iisang chandelier."

"Ay, ganon? Kahit sa dyank shap?"

"Junkshop? Sorry. Wala ka talagang mahihita sa mga 'yan."

Magtatanong pa sana si Berry nang mapansin ang matamang pagmamasid sa kanya ni Matthew. Bigla tuloy niyang naalala na dalagang Pilipina nga pala siya dapat ngayon kaya agad siyang umayos.

Tumikhim siya saka inayos ang pananalita. "Pasensiya ka na sa katabilan ko, senyor. Hindi na mauulit."

Napakunot-noo lang si Matthew. Pero hindi na ito nagkomento pa tungkol doon at inayos na lang ang ilang hibla ng buhok ni Berry na nawala sa pagkakaayos. Hindi inaasahan ni Berry ang ginawa ni Matthew, kaya naman hindi siya agad naka-tutol at napatitig na lang sa binata. Bahagya ring dumampi ang daliri nito sa kanyang pisngi. Pero imbes na lumayo ay tila iyon pa ang naging dahilan para manatili sa masuyong paghaplos ang mga daliri ni Matthew. Nang magtama ang kanilang mga mata, narinig na naman ni Berry ang mahinang pagkalabog na iyon sa kanyang dibdib.

Sa pagkakataong iyon, hindi na siya nagulat sa naging reaksyon niya kay Matthew. Gusto niya ang binata, at natural lang na umarte ng ganon ang puso niya. At tanggap na niya iyon ngayon.

Napangiti siya sa binata. "Pasado na ba ang itsura ko, Atorni?"

"Matagal na."

"Matagal na?"

"I always thought you're beautiful, Berry. Anyway, handa ka ng makihalubilo sa mga nagniningning na tao rito?"

Gusto pa sana ni Berry na isipin ang unang sinabi nito na matagal na itong nagagandahan sa kanya. Pero kailangan na muna niyang kumayod para sa kinabukasan ng bulsa niya. Ayaw niyang masayang ang pinaghirapan sa kanya ni Matthew. Saka na lang niya hahayaan ang sarili na lunurin sa ideya na matagal ng nagagandahan sa kanya ang binata kapag natapos na ang drama nitong ito ngayong gabi.

"Para sa pipti milyon peysos, Atorni, handang-handa na ako."

"Right. It's still all about the money."

"Ha?"

"Nothing."

Napansin ni Berry na walang buhaya ng ngiting iyon ni Matthew. May mali ba sa sinabi niya? Lumiit na ba ang pera na mamanahin niya? Ayos lang naman sa kanya kung forty million na lang iyon... Hindi na lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makabawi dahil hinawakan na siya sa braso ng binata at iginaya ng tuluyan papasok sa engrandeng venue.

"Atty. Guzman." Si Atty. Ferrer ang nakita ni Berry na papalapit na sa kanila ngayon, kasam ang isang may katandaan na ring babae. "Nakita rin kita sa wakas. Akala ko babakuran ka na naman ng mga taga-hanga mo, eh."

"Good evening, Atty. Ferrer. Good evening, Tita Lisa."

"Good evening, dear. So, sino itong napakagandang dalagang naka-solo sa iyo ngayon, ha?"

"Ah. Yes. This is Mulberry Banal, isa sa mga tagapagmana ng kayamanan ng mga Banal. Berry, this is Tita Lisa, Atty. Ferrer's wife."

Tiningnan lang ni Berry si Matthew. May parang kakaiba pa rin sa tono ng boses nito.

Barely Heiresses Series: BERRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon