PERO BAGO PA MAN makarating ng poblacion ay namataan na ni Berry ang kulay mais na buhok na iyon na umaangat sa luntiang kulay ng paligid. Matingkad ang kulay ng mga dahon ng halaman at puno sa Sagada dahil panaka-naka ang ulan tuwing hapon, at mukhang kaninang umaga ay bumuhos na naman ang ulan dahil maputik ang bahagi ng kalsada na hindi pa sementado.
"Eira, siya ba ang nagtapon sa cellphone mo?" tanong ni Berry sa kapatid.
"Oo."
Hindi na pinakinggan ni Berry ang mga sumunod na sinabi ng ibang kapatid. Basta na lang niya sinalubong ang pekeng blondita at tatlong kasama nitong diring-diri sa mga nakikita sa paligid. Narinig pa niya ang pinagsasabi ng mga ito habang papalapit siya.
"I don't even know why we're here, Hazel. This place is so yucky! Look at my Manolo Blahnik shoes, it has smudges na!"
"Nasaan na ba kasi iyang fiance mo, Hazel? Tawagan mo na at nang hindi na tayo magpaikot-ikot dito. I can't stand this place anymore. There's not even a signal of cellphone here!"
"Naku, Hazel, ha? Kapag nagpakasal kayo ni Matthew mo, huwag na huwag kayong titira dito or else, hindi mo na makikita ang mga pagmumukha namin forever."
"Huwag kayong mag-alala, girls. I don't think babalik pa kami uli ni Matthew sa lugar na ito pagbalik namin ngayon ng Manila..." Nakita na ni Hazel si Berry, at halata na pinalakas nito ang mga sinabi para marinig ng huli. "May mga tao kasi rito na hindi na niya gustong makita pa."
"Bakit mo itinapon ang cellphone ng kapatid ko?" tanong ni Berry paglapit. "Nasagi ka lang naman ni Eira. Hindi mo kailangang manira ng bagay na hindi sa iyo."
"What are you talking about? Wala akong natatandang may sinira akong cellphone." Binalingan ni Hazel ang mga kasama. "Girls, nakita nyo bang may sinira akong cellphone kanina?" Umiling lang ang mga ito. "See that, Berry? Wala akong kasalanan. Kaya mag-sorry ka sa ginawa mong pagbibintang sa akin. At gusto kong nakaluhod ka habang humihingi ng paumanhin sa akin—aaaah!"
Hinila na ni Berry ang mahabang kulay mais na buhok ni Blondita bago pa man nito matapos ang sasabihin. Ubos na ang pasensiya niya rito kagabi pa lang. Pero hinila din ng mga kasama nito ang buhok niya dahilan para makawala sa mga kamay niya si Hazel at mapa-upo siya sa putikang bahagi ng kalsada.
"Hoy! Bakit nyo pinagtutulungan ang kapatid namin, ha?!"
Iyon na ang hudyat para tuluyang magkagulo. Sumugod na kasi sina Sky, Amira at Ate Vera. Mabilis na tumayo si Berry nang makitang pinagtulungan ng dalawang demonyita si Sky na napasubsob na rin sa gilid ng kalsada na may tubig baha.
"Hala! Pinagtutulungan nila si Ate Sky, Ate Berry!"
"Maryosep! Maghanap tayo ng saklolo, Ailene!"
"Hayaan mo sila, Ate Yumi. May nurse tayo. Kaya na ni Mabel gamutin ang mga iyan pagkatapos."
Hinila niya ang buhok ni Hazel palayo kay Sky. "Huwag na huwag mong sasaktan kahit ang cellphone ng mga kapatid ko, blondita ka!"
Nakakaganti si Hazel, kaya nagpagulong-gulong na sila pareho sa putikan. Nang makubabawan niya si Hazel, nakita niyang dehado si Sky sa kaaway nito kaya dinamba niya ang babaeng iyon. Pero bago pa siya makabuwelta ay may humila sa buhok niya kaya muli siyang napahiga sa putikan.
Si Hazel iyon. "Ako ang kaaway mong malandi ka!"
"Hindi malandi ang kapatid ko!" Si Amira na uli ang kalaban ni Hazel. "Ikaw ang malandi! Pakulay ka pa ng blond hindi naman bagay sa iyo—aray!" Tinamaan si Amira sa leeg nang lumaban si Hazel.
Nagdilim ang tingin ni Berry nang makita ang pagguhit ng kulay pula sa leeg ng kapatid. Dugo iyon. Umigkas ang kamay ni Berry patungo sa mukha ni Hazel, nang may sumalo sa suntok niya.
Si Matthew. "Tama na iyan!"
Hinila siya ni Matthew palayo kay Hazel. Nagpumiglas siya. "Bitiwan mo ako!"
"Tama na sabi!"
"Huwag kang makialam!"
Pero nanatiling hawak siya ni Matthew, nakakulong siya sa mga braso nito kaya hindi siya makagalaw. Doon lang din siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ang kabuuan ng nangyari. Pinagtutulungan na ng ibang kalalakihan na maalalayan sa pagtayo ang mga nakaaway nila. Si Aklay na marahil ay sumunod sa kanila ay pigil ang nagpupumiglas pa ring si Amira, habang si Ate Vera ay hila na ni Brian palayo sa eksenang iyon. Si Sky naman ay nailayo na rin ni Pierce sa kaaway nito at inaasikaso na ni Mabel ang pumutok na labi ng kapatid. Si Ate Yumi ay panay ang sermon kay Amira na ayaw pa rin talagang tumigil sa pag-abot sa kaaway nitong umiiyak na sa putikan.
"Ang mabuti pa doon na natin sila dalhin sa Doctors Hospital," suhestiyon ni Ate Yumi. "Malapit lang naman iyon dito."
Unti-unti ng kumalma si Berry nang makita ang kinahinatnan ng mga kapatid nang dahil sa init ng ulo niya. Nagiging malinaw na rin sa kanya ang pakiramdam ng mga bisig ni Matthew sa katawan niya.
"Matthew, help me naman, o..." daing ni Hazel. "I'm hurt..."
"Huwag kang maarte, sipain kita diyan, eh," banta rito ni Berry. "Tumayo kang mag-isa diyan. Hindi ka pa patay."
"Berry, ano ba?" saway ni Matthew.
Sa wakas ay pinakawalan na siya ni Matthew upang daluhan si Hazel na nakalupasay pa rin sa maputik na daan. Tinalikuran na niya ang mga ito at nilapitan ang mga kapatid.
"Sorry, Ate Yumi. Nadamay pa tuloy kayo sa init ng ulo ko."
"Hay naku. Saka na tayo magsisihan. May mga sugat ka. Magpunta na tayo ng ospital bago pa iyan maimpeksyon. Mabel, puwede mo bang bigyan muna ng first si Berry?"
"Hey. I'm hurt too," reklamo ng kasamahan ni Hazel na nasa harapan lang nila.
"Magtigil ka! Hindi ka namin kapatid!"
Lahat sila ay napatingin lang kay Ate Yumi dahil ngayon lang nila ito narinig na nagtaas ng bose.
"Let's go, ladies," yaya ni Pierce na bitbit na si Sky.
"Sa bahay na lang ako," wika ni Berry. "Wala naman akong sugat."
"Kailangan mo ring ma-checkup," sagot ni Matthew. Nakayakap na sa katawan nito ang dugyot na si Hazel.
"Ayos lang ako."
"Ayos lang daw siya, Matthew. Hayaan na natin siya. My body's aching all over na so can we go now? Baka nabalian na ako ng buto somewhere..." Humikbi-hikbi pa ang lukresya. "I'm going to tell this to my father. I'm going to make sure na mabubulok ka sa kulungang babae ka!"
"A ganon? O sige. Tutuluyan na kita para masulit naman ang pagkakakulong ko—"
"Enough, Berry," saway ni Matthew.
Ni hindi na ito tinapunan ng tingin ni Berry nang muling magpaalam sa mga kapatid. Hindi na rin niya hinintay na makasagot ang mga ito at dumiretso na siya patungo sa kanilang mansyon.
Oras na para lumayo bago pa magkagulo na naman.
Bago pa magpakita na naman ang estado ng puso niya sa harap ng lalaking dahilan ng mga nararamdaman niyang hinanakit ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/143536248-288-k410245.jpg)
BINABASA MO ANG
Barely Heiresses Series: BERRY (COMPLETED)
RomanceTahimik ang buhay ni Berry sa isang squatter's area sa Tondo, nang dumating ang isang hindi niya inaasahang suwerte. Isa raw siya sa tagapagmana ng isang mayamang don mula sa Sagada, sabi ng guwapong abogado na naghanap sa kanya. Pero may mga kundis...