Part 18

8.4K 243 2
                                    


"O, BERRY. DUMATING KA NA PALA."

Si Aklay ang nabungaran ni Berry pagtingala niya mula sa kinuupuan niya sa harap ng nakabukas na pridyider. "Oo. Kadarating ko lang. Nakialam na ako dito sa pridyider mo, ha? Nagugutom na kasi ako, eh."

"Bakit, hindi ka ba pinakain ni Matthew? Magtatanghalian na, ah." Inilapag ni Aklay ang isang basket ng mga gulay sa ibabaw ng lamesa. Sa kabila ng pagiging isang sikat na chef ni Aklay sa Sagada at sa Baguio, hindi maintindihan ni Berry kung bakit nasa mansion nila ito at ipinagluluto ang dispalinghagong pamilya ng mga Banal.

"Natulog lang ako sa biyahe, eh." Ipinagpatuloy lang ni Berry ang paglantak sa cake sa kanyang plato.

"May LQ kayo ni Matthew, ano?"

"LQ?"

"Lover's quarrel. Away ng magsing-irog." Nakangiti pa siyang kinindatan ng kusinero habang inihahanda na ang mga lulutuin.

"Sayang lang iyang panunukso mo, Tsef. Wala kaming pyutyur ng manok mo. Ginamit nga lang niya ako para makuha niya ang isa sa pinakamataas na posisyon sa kumpanya nila. Ang saya, di ba?"

"Hmm."

"Alam mo rin ang tungkol doon?"

"Konti lang. Nagkausap lang kami minsan ni Matthew nang magkasabay kaming mag-inuman sa Pinikpikan House. At nabanggit nga niya ang tungkol sa kagustuhan niyang maging senior partner sa lawfirm nila. Hindi ko nga lang inaasahan na gagawin niya talaga ang plano niya tungkol sa iyo. Mukha kasing nagdadalawang isip din siya nang mga panahong iyon kung itutuloy niya o hindi. Parang may gumugulo sa isip niya."

"Grabe. Baka mga patay na lang ba ang hindi nakakaalam sa plano ng abogadong iyon."

Nilingon siya ni Aklay. "Kung nalaman mo ba, hahayaan mo pa rin si Matthew na tulungan ka?" Hindi sumagot si Berry. "Hindi ko alam ang dahilan ni Matthew kung bakit niya itinuloy niya ang pakiusap ni Atty. Ferrer sa kanya. Knowing that guy, he was a very proud man. Egoistic. Stubborn. Hindi basta-basta gagawa ng ganong klase ng kalokohan si Matthew ng walang mabigat na dahilan."

"Wala na akong paki dyan."

"He likes you, Berry. You know that, right? He wouldn't hurt you on purpose."

Napahinto si Berry sa kinakain. May kung anong sumundot sa pagmumuni-muni niya dahil sa sinabing iyon ni Aklay. Pero agad ding nawala iyon nang maalala ang mga sinabi ni Hazel.

'Hindi ka bagay kay Matthew... You will never be his kind of woman... Hindi ka na niya kailangan kaya bumalik ka na kung saan ka mang basurahan nanggaling...'

"Huwag na natin siyang pag-usapan. Nawawalan ng lasa ang pagkain ko."

"Sige, titigil na ako. Baka madamay pa ang mga pinaghirapan ng mga kapatid mo."

Napatingin si Berry sa kusinero na abala na sa harap ng lababo sa paglilinis ng mga gulay at karne. "Pinaghirapan ng mga kapatid ko?"

"Nakita ko si Eira minsan na naglalagay ng pagkain diyan sa ref. Tinanong ko siya kung bakit may pangalan mo ang mga piraso ng cakes at ibang pastries na nakikita ko araw-araw diyan. Baka daw kasi mahiya kang dumampot ng pagkain kapag walang tao rito sa kusina, kaya nilagyan nila ng pangalan mo. Akala ko siya lang ang naglalagay pagkain diyan, pero pati pala iba mong kapatid. Nakita ko sa mga pictures sa cellphone ni Eira. Mukhang nahuli na niya lahat ng 'Secret Santa' mo."

Ang mga kapatid niya ang nag-iiwan ng pagkain para sa kanya sa pridyider? Parang unti-unting nabawasan ang mga nararamdaman niyang kadramahan mula pa kagabi.

"Sabi ni Lolo doon sa sulat niya sa akin, wala daw sa mga materyal na bagay makikita ang totoong kaligayahan. 'Yung kaligayahang hindi matutumbasan ng kahit anong halaga. Tama siya." Lihim na napangiti si Berry habang pinagmamasdan ang tatlong plato sa harapan niya. Malinis na ang dalawang plato habang ang isa ay uumpisahan uli niyang lantakan ang laman. "Napagtiyagaan nila ang ugali ko at kinunsinti ang katakawan ko. Hindi rin nila ako pinipilit na magbago, kahit minsan alam ko na naaasar na sila pagkabalahura ko. Nagkaroon ako ng mga mamahaling gamit sa unang pagkakataon sa buhay ko dahil hindi sila naging madamot sa isang taong gaya ko. Kaya...ayos lang kung hindi ko na makuha ang pipti milyon peysos na ni Lolo. Masaya na ako na nakilala ko ang mga kapatid ko."

Barely Heiresses Series: BERRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon