Part 17

7.5K 239 4
                                    


"BERRY, WAIT!"

Diretso lang sa si Berry paglalakad kahit siya sigurado sa direksyon niya. Bahala na basta makaalis lang siya sa lintik na lugar na iyon. At gusto na rin niyang makaligo dahil nanlalagkit na siya sa amoy niya, mabuti sana kung puwede niyang kainin ang amoy kalderatang damit na iyon.

Isa pa...

Hindi na niya kayang magpanggap na matapang sa harap ng hinayupak na mga taong iyon. Oo, kulang pa ang ginawa niyang pagmumura sa mga ito sa harap ng presidente ng bansa. Kulang pa iyon, dahil para lang sa mga kapatid niya ang ginawa niyang iyon. 'Yung para sa hinanakit na nararamdaman niyang walang kinalaman sa pamilya Banal, iyon ang gusto niyang mailabas pero hindi sa harap ng mga taong iyon. Ayaw niyang ipakita ang parteng iyon ng pagkatao niya sa mga punyetang iyon.

Lalo na sa harap ng taong dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng ganito ngayon.

"Berry!" Hawak na ni Matthew ngayon ang braso ng dalaga. "What the hell was that for?"

"Huwag mo akong Inglisin! Mainit ang ulo ko!" Nagpumiglas siya pero hindi siya pinakawalan ng binata. "Bitiwan mo nga ako!"

"Ano ba ang problema mo?"

"Problema ko? Heto o!" Pinahid niya ang kamay sa damit niyang puro sauce ng ulam saka iyon iwinisik sa mukha ni Matthew. "Hayan! Naligo ako ng ulam! Sino ang hindi magkakaproblema niyan, ha?"

"Alam kong hindi lang iyan ang dahilan—"

"Oo! Hindi nga lang iyon ang dahilan ko!" Malakas niyang ipinalo sa itim na coat ni Matthew ang madumi niyang kamay. "Ikaw! Totoo ba na ginamit mo lang ako para masiguro mong makukuha mo ang posisyon na iyon sa lawfirm ninyo?"

Halatang nagulat ito sa narinig dahil hindi ito nakasagot at nakatitig na lang sa kanya. Lumuwag din ang pagkakahawak nito sa braso niya. Pakiramdam ni Berry, mas lalong sumakit ang puso niya sa nakikitang reaksyon ngayon ni Matthew kasya sa pangbubuwisit sa kanya ng grupo nina Hazel kanina.

"Sumagot ka, Matthew. Totoo ba?" Nanatiling walang imik ang lalaki. Pagkatapos ay umalingawngaw ang malutong niyang mura sa kadiliman ng gabi. "Alam mo, ayos lang naman gamitin mo ako at ang impluwensiya ng lolo ko, eh. Pero hindi mo na sana iyon ipinagkalat sa iba, nagmumukha akong tanga, eh! Lalo na sa punyetang Hazel na iyon!"

"Watch your words, Berry."

"Pucha! Huwag mo akong maturo-turuan kung ano ang mga sasabihin ko! Tapos na ang kalokohang ito! At wala na akong utang na loob sa iyo! Dahil ang mga ginawa mong tulong sa akin para maging ganito ako..." Basta na lang niya hinablot ang buhok niyang metikulosong inayos ng dalawang parlorista kanina. "Paksyet na iyan! Dapat talaga hindi na ako nagtitiwala sa mga mababait na tao, eh! Wala naman na talagang mabait na tao ngayon sa mundo. Lahat na lang ay may kanya-kanyang motibo!"

"Don't talk like you're the only who's clean here, Berry. Hindi ba't nanggamit ka lang din naman? 'Yung pamilya mo, hindi ba't ginagamit mo lang din naman sila para makuha ang gusto mo sa kanila?"

"Huwag mong idadamay ang pamilya ko rito!"

"Then what are they to you, Berry?! Ikaw na rin ang nagsabi noong una pa lang na wala kang balak na kilalanin ang pamilya mo at pera lang nila ang habol mo kaya mo sila pinagtitiyagaan, hindi ba? Oo, ginamit lang kita. Ginamit ko lang ang impluwensiyang ibinigay sa akin ng lolo mo kapalit ng pagtulong ko sa apo niya na maging maayos sa harap ng ibang tao. Makikinabang ka rin naman, hindi ba? Nakapasa ka ngayong gabi, kaya makukuha mo na ang perang pinakaaasam mo at babalik ka sa dati mong buhay dala ang kayamanang galing sa pamilya mong kinilala mo lang dahil sa kaya nilang ibigay sa iyo!"

Daig pa ni Berry ang sinampal sa sinabing iyon ni Matthew. Mas masakit iyon kaysa ang malaman na pag-aari na pala ito ng iba. Ang luha na napigilan niya kanina sa harap nina Hazel, hayun at tuluyang nang pumatak. Na mabilis din naman niyang pinalis.

"Totoo iyan. Pero hindi doon natapos ang kuwento ko sa pamilya ko, Matthew. Alam mo iyan. Alam mong minahal ko ang mga kapatid ko sa maiksing panahon na nagkasama kami, alam mong nagkaroon ako ng puso para sa lolo ko bago siya nawala, alam mo...na tinanggap ko ang tatay ko kahit hindi pa niya ako nakikita hanggang ngayon..." Paulit-ulit niyang pinalis ang mga luha niyang tuluyan ng nakawala sa kanyang mga mata. "Kaya anong karapatan mong sabihin iyan sa akin? Hindi tayo pareho, Matthew. Nagkaroon ako ng puso. Alam mo iyan...alam mo iyan..."

Halata ang biglang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng binata. Pero nanatili lang itong nakatitig sa kay Berry at hindi na nagsalita pa.

"Nakuha mo na ang gusto mo. Nakuha ko na ang gusto ko. Kaya hindi na ako magpapasalamat sa mga ibinigay mong tulong. Patas na lang tayo." Isang beses pang pinalis ni Berry ang luha sa mga pisngi bago humugot ng malalim na buntunghininga para kontrolin ang kanyang emosyon. "Mauuna na akong umuwi. Inaantok na ako, eh. At nanlalagkit na rin ako."

Kumilos si Matthew para hubarin ang suot nitong coat. Pero tinalikuran na ito ni Berry bago pa man ito makatapos. Isang unipormadong personel ng hotel ang nakasalubong niya at doon na lang siya nagtanong kung saan ang labasan.

Tapos na ang buhay prinsesa niya ngayong gabi. Sayang, ni hindi man lang siya umabot ng alas dose ng gabi.

Barely Heiresses Series: BERRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon