-Mia's POV-
Nandito ako sa kwarto ko, naka-higa habang nagpapa-tugtog ng musika at nagbabasa ng libro.
Ayaw ko bumaba o umalis rito sa higaan, nando'n si ate sa may sala na may dalang tropeyo.
Once again, they are praising her for being their greatest daughter. That she took over the best they had when they were young.
Hays, nanalo na naman siya sa paligsahan ng volleyball sa school.
Kanina pa ako pinapababa ni mama ngunit 'di ako nakikinig. Nagbibingi-bingihan ako kasi alam ko na ang susunod na mangyayari pag-umalis ako sa kwarto ko.
They'll compare me again,
Ayoko na marinig ang mga salita na puro kapatid ko na lamang ang magaling!
May biglang kumakatok sa pinto, paniguradong si Mama na ito.
"Nak, Buksan mo 'to! Puntahan mo ang kapatid mo at i-congratulate mo siya. Wag ka ngang puro higa r'yan sa kama mo. Tumulad ka nga sa ate mo, magaling na nga sa athleta magaling pa sa pag-aaral. Napag-sasabay niya ang madaming gawain kaya tularan mo nga siya! Bumangon ka na riyan!" Sabi ni mama habang katok ng katok pa rin sa pinto.
See? She wants me to become my sister. She wants me to become the best as my sister's next shadow! The best in everything she does, perfect in the eye of different people around us. Tch, kainis!
I have a lot of flaws, and I can't always be perfect. I got a lot of imperfections, but doing what you want is what we needed to love ourselves.
Bakit ba gusto niyo ako maging si ate!
May iba akong buhay at meron din siya. Bakit kailangan niyo pa akong ipagkumpara!"Mamaya na ma, may ginagawa po ako." dahilan ko para 'di na ako lumabas pa.
"Isa! Lalabas ka o kakaladkarin kita riyan paalis sa kwarto mo?! Maging masaya ka nga sa ate mong madami na nakamtan sa buhay!" Pa-galit na sabi ni mama na ikina-halukipkip ko.
Masaya? Kayo nga 'di nagiging masaya sa mga achievements ko.
Puro achievements na lang ni ate nakikita niyo kaya 'di niyo makita lahat ng na-gagawa ko. Tapos sasabihin niyong maging masaya ako kay ate? Talaga lang ah?
"Shit," Bulong ko at binuksan na ang pinto. Nakita ko si mama na naka-kunot ang kilay. Kulang na lang magmukha itong X-Factor ang datingan.
'Di ko napigilan mag-mura ng mahina. Naging gan'to ako dahil lagi rin naman nila ako minumura.
Minumura ako tuwing mali ako sa tingin nila, kahit nung naka-kagawa ako ng simpleng pag-kakamali. Humingi ako ng patawad at nag-papaliwanag ngunit hindi nila ako pinakinggan.
Padabog kong sinara yung pintuan at bumaba na ako. Naiinis na ako, ayaw kong makinig sa kanila. Bahala silang mag-bunganga.
"Ikaw bata ka," Sigaw ni Mama habang dinuduro ako at sinundan. "Lagi ka na lang ba gan'yan, ha?! Wala ka na bang gagawing matino dito sa bahay? Bulyaw ni Mama habang naka-kunot ang noo at halatang nag-titimpi na lamang sa galit.
Hindi ako sumagot o tumingin 'man lang sa kaniya dahil alam ko sa sarili ko na ako ang gumawa ng lahat ng ipag-uutos niya kaya may ginagawa akong matino. May ginagawa ako sa bahay at hanggang sa maaari ay tumahimik na lamang ako bilang respeto.
Dumiretso na lamang ako kila ate at papa. Grabe lang talaga na ako pa ngayon ang hindi matino, Tsk!
Kahit nagiging sarkastiko ako sa pananalita ng isip ko ngayon, nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan na isipin na walang kwenta ako rito sa bahay na ito.
BINABASA MO ANG
I Secretly Fell In Love (COMPLETED) MAJOR REVISING
Teen FictionAng Librong ito ay dedicated para sa mga babaeng nagpaka-tanga at umasa na katulad ni Mia Jeannine Nathalie deGuzman. Paano kung nagka-gusto ito sa isang taong 'di niya kilala na nangangalang Gerald Luiz Eric Salazar? Magkakatuluyan ba sina Mia at...