CHAPTER 2

6.2K 254 110
                                    

-Mia's POV-

Umiwas ako ng tingin saka napakagat-labi. Ang poging ng ngiti, pero ang weird lang na pati rito ay makikita ko pa siya.

Tadhana na ba ito? Charot, baka nagkataon lang. Gumagana na naman ang pagiging harot ko naku po!

Ilang minuto pa ay dumating na si Raine kasama ang trabahador na nag-dala ng aming mga pag-kain.

Umismid si Raine nung tinignan niya ako, dahilan ng pag-nguso ko. "Kuya palagay na lang po d'yan sa may table." Mahinhing utos ni Raine sa trabahador. Agad naman nito sinunod ni Kuya ng may ngiti sa labi, nagandahan siguro kay Raine.

Naka-ngiti ako habang nilalapag niya sa lamesa ang mga pagkain. "Thank you po!" Parehong sambit namin ni Raine sala iyon nginitian.

'Di ko napigilan tumawa ng mahina dahil namula si Kuyang trabahador.

Kumain na kami ng tahimik pero palihim pa rin akong sumusulyap doon sa lalaking ubod ng gwapo. Mukhang napansin naman yun ni Raine kaya pabirong nasamid itong kumakain.

Pinanlakihan niya ako ng mata kaya sinenyasan ko siya na manahimik muna.

Pero dahil sa ka-daldalan niya, edi nagsimuka na siyang mag-ingay. "Bakit mo siya tinitignan? Ikaw ah- aray!" Mapanuksong sabi niya at biglang napa-aray nung palihim kong sinipa ang paa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya 'di na niya naituloy pa ang kaniyang sasabihin.

Nung medyo maayos na siya kausap pasimple kong tinuro yung lalaki "Kita mo yang lalaki na yan?" Saad ko habang sinesenyasan siyang tignan ito ng pasimple. "Nag-banggan kami kanina sa may pangalawang kanto. Yung ka-sunod ng street niyo, doon banda. Mukha nga siyang bago rito since 'di siya pamilyar sa akin. Do you even know him?" Pag-sasalaysay ko sa kaniya ng mahina.

"Uhmmm," Pag-tigil niya sa pagsasalita na para bang pinag-iisipan pa niya ang sagot. "No, but he looks familiar. Hindi ako sigurado kung nakita ko na yan kasama ni Aiden noon. Siguro isa sa mga tropa niya yan." Sabi niya habang nag-patuloy na sa pagkain niya.

"Sabagay, hindi naman yun imposible, Feeling close nga parati yang Aiden na yan eh. Pero ngayon ko lang kaya nakita yang lalaking yan. Hihi, slight humaharot." Kinikilig kong saad sa kaniya.

"Maybe he was in the states or somewhere na malayo sa subdivision natin. 'Di ko sure eh. Pero yan ang theory ko." Maarteng wika ni Raine habang ngumuya sa kaniyang pagkain.

Tinaasan ko siya ng kilay habang ngumiwi. Taas naman ng imahinasyon nito, may nalalaman pang theory niya. Biglang umabot ng States, nasa Mcdo palang naman kami.

Kung saang lupalop na dumating noh, nasa pilipinas pa nga kami eh.

"Kumain ka na lang, wag na natin alamin. Kung saan na tayo agad napupunta eh. States," Pabalang ko sabi saka mahinang tinawanan ang kaniyang naka-ngusong mukha.

May point naman talaga siya, natutuwa lang ako mang-asar. Pikon 'tong isa na 'to eh.

Natapos na namin ang pagkain namin bukod lang sa ice cream. Kakainin ko yun habang maglalakad kami. Kuripot ako mag-bayad ng pamasahe namin.

Nagpalingon-lingon ako para hanapin yung lalaki. Ngumuso ako nung 'di ko na siya nakita. Hays, mukhang naka-alis na siya.

"'Di mo kaya sure," Naka-ngiwing sabi ni Raine saka ko s'ya sinamaan ng tingin. Epal naman nito, teka? Nasabi ko ba ng malakas yun?

Gulat ko siyang tinignan muli, "Mukha kang tanga, halika na. Nababaliw ka na sa kaniya." Pang-aasar nito saka mabilis na tumakbo pa-baba ng hagdanan.

Nakaka-hiya jusmeh, pinagtitinginan na ako rito! Walang hiya talaga oh,

I Secretly Fell In Love (COMPLETED) MAJOR REVISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon