(EDITED)
-Mia's POV-
Nagaayos na ako para pumunta sa bahay ni Raine. Magpapractice na kame para sa dance competition.
Kanina pa siya tawag ng tawag. OA kase e. Ang aga aga pa naman.
Dapat mamaya pa ako darating dahil MAINIT SA PILIPINAS. Seriously? 1pm pa lang. Kakatapos ko lang maghugas at sabing magpapractice na.
Takte. Nagtampo siya kaya eto. Nagaayos na. Huhuhu. No choice! Mas love ko ang bestfriend ko kaysa sa life ko.
Oh baka sabihin niyo di ako mabait na anak ah. Well nagkakamali kayo... Kahit lagi ako umaalis o gumagala... hindi ko kinakalimutang gawin ang mga kailangang gawin. Ako pa nga lagi bumubili nang ice cream dahil naglilihi si mama dun e. Tapos dinadalhan ko nang foods. Kaya wag judgemental masakit sobra.
Back to reality na nga tayo. Lumabas na ako nang kwarto at tingnan muna si mama sa kwarto niya. Nagpaalam naman ako sa kanya pero tango lang ang sagot niya. Sanay na ako kaya okay na sakin yun.
Nasa sala si ateh Angela kasama mga kaklase niya. Nag-hi naman sa akin si Ateh Lieanne at nag-hello naman ako.
Dumiretso na ako sa paglakad sa labas. Nag bike na lang ako para makauwi ako agad.
•~•~•~•~•~•~•~•
Nasa harap na ako nang bahay ni Raine. Sinalubong naman niya ako kasama si Dreyven at si Kuya Lloyd. Binabantayan niya si Dreyven at baka makipag chansing kay Raine.
Wahahahaha. Buti naman. Hindi sila magiging PDA. Well bitter ako kaya walang papalag. Wahahaha.
Inakbayan ako ni Raine at naguna kami maglakad sa dalawang lalaking kasama namin.
"Mukhang may magbabantay sa inyo a." mapang asar kong sabi. Nakasimangot siya at nagsalita.
"Kaya nga e." sabi niya at suminghal.
"Di ko tuloy mahawakan sa kamay si Drey." dagdag pa nito. Sumingkit naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Hoy Hoy Hoy! Bakit di ko alam yan a? Sasagutin mo talaga siya? Buti na lang talaga andyan si kuya Lloyd para bawas ang pagiging PDA. Naku may pahawak-hawak kayo sa kamay ah. Di mo pa nga sinasagot naku... kuya oh!" sabi ko at naka dugtong ang aking kilay.
"Uhmm... Besh. Sasagutin ko si Dreyven kaso... si Aiden kase umamin din sa akin." sabi niya at napalaki ang singkit kong mata kanina.
"What?! Ang daming manliligaw a. Ako nga busted agad e. Friendzone agad para hindi na umasa pa." pabiro kong sabi at tumatawa nang mahina.
"Kailan siya umamin?" dagdag ko pa.
"Kanina lang habang pinapabili ako ni mama nang softdrink. Tinulungan niya ako. Habang naglalakad kami ay umamin siya. Kaya nailang akong kausapin siya." sabi niya na may pagka dismayado ang kanyang tono.
Aaminin ko, may nagtangkang manligaw sa amin at umamin. Pero ni isa hindi pa namin sinasagot. Yung iba tinry namin magustuhan ulit sila kaso wala na yung pagkagusto namin sa taong gusto namin noon. We are still NBSB noh.
Dismayado si Raine kase... magkakaibigan ang naglalaban para sa pagmamahal niya. Pero ang alam ko naman na si Dreyven ang pipiliin niya. Hindi si Aiden. Kaya dapat hanggang maaga lumayo layo na si Raine kay Aiden para hindi ito lalong mahulog sa kanya.
Naglakad na lang kame at pumasok na sa loob.
-Raine's POV-
Si Aiden... umamin sa akin. Sinabihan ko siyang tumigil kase may iba na ako mahal. At yun ang kanyang kaibigan na si Dreyven.
Ewan ko nga kung paano ko nagustuhan si Drey e. Di ko alam kung paano nawala ang nararamdaman ko kay Silver. Kuya Silver.
Nawala na nga ba? Pero la na ata akong nararamdaman dun e. Matagal-tagal na rjn kase.
Alam kong magaaway sina Drey at Aiden. Pero mas gusto ko si Dreyven kaya lalayo na lang ako kay Aiden.
Sinabi niya pa't na hindi siya susuko. Gusto niyang iparamdam sa akin ang pagmamahal niya. Hindi ako sumagot nun bagama't lumisan na ako at kinuha na ang softdrink.
-FLASH BACK-
"Nak, bili ka nang dalawang softdrinks." sabi ni mama.
"Okay po." sabi ko at nagayos ako nang aking sarili at baka makita ko si Dreyven. Baka tumigil siya sa panliligaw. NO. Ayaw ko mangyari yun dahil sasagutin ko siya. Pero bago yun... kelangan niya muna makuha ang loob nang mama, papa at kuya ko. Hanggang call lang nagagawa ni papa dahil pa minsan minsan lang siya nauwi dahil sa bussiness namin.
Isa kasi sa mga sikat na negosyo ang amin. Kaya todo trabaho siya at minsan na lang umuuwi.
Back to reality, nasa labas na ako at papunta na sa tindahan. Nahirapan ako mag bitbit nang dalawang softdrinks at muntik ko na ito mahulog. May sumalo lang... si Aiden.
Nginitian ko toh at nagpasalamat sa kanya.
"Gusto mo ng tulong?" maamong tanong ni Aiden.
"Nah... kahit hindi na. Kaya pa naman.* sabi ko at tinatry ayusin ang paghahawak ko rito. Malamig ito kaya di nagtatagal sa kamay ko.
Bigla niya kinuha ang isang softdrink at nagpatuloy maglakad.
Tsk tsk tsk. Sabi ko ngang kaya ko e. Pero sige na lang. Para iwas sa malamig at mabigat. Wahahahah.
Nagpabebe pa akos papayag naman pala. Sa pilitan nga lang kase kinuha niya.
"Raine..." tawag ni Aiden sa akin.
"Bakit?" tanong ko
"Gusto kita." mahina at hindi klaro sa aking pandinig.
*Huh? Pakiulit nga?* sabi ko dahil di ko talaga narinig sa sobrang hina.
"Tsk. Sabi ko gusto kita!" pasigaw niyang sabi at tumigil kame sa paglalakad.
"Gusto kita, matagal na Raine." Dagdag pa nito.
Hindi ko alam ang aking magiging reaksyon. Nakakunot na gulat na gulat ako.
I mean. Seriously?!? Agad agad niya ba naman akong sabihan. Sino makaka react rin agad?!
"Hahahahah. Nagbibiro ka ba? Ang corny nang joke." pilit kong tawa.
"Tsk. Hindi ako nagbibiro! Gusto talaga kita. Kaso wala akong loob sabihin sayo." sabi niya na may pagkamalungkot ang boses.
"Aiden, S-sorry. May iba na akong gusto." sabi ko na napapautal pa ako.
"Si Dreyven ba?" tanong niya.
Hindi ako sumagot bagama't nakatingin lang ako sa mata niya na punong puno nang emosyon.
"Kahit na. Ipaglalaban ko tong nararamdaman ko sayo. Liligawan rin kita. Hindi ako susuko." sabi niya sa akin na puno nang determinasyon.
Kinuha ko na lang ang softdrink na nasa kamay niya at naglakad na nang mabilis.
Tinatawag niya pangalan ko ngunit hindi ko toh pinapansin. Hindi ko hahayaang masira ang pagkakaibigan nila dahil lang... sa akin.
-END OF FLASH BACK-
Nandito na kami ni Mia. Nagpapractice na kame. Mix ang song at may pagka hip hop.
Kenekeleg ake nung pinunasan ako nang panyo ni Drey dahil pawis na pawis na ako.
May side pala siya nang pagka gentleman. Hihi. Ang landi ko. Wahahaha.
Ewan ko ba pero feeling kong... magkakagusto si Mia kay Gerald. I mean... sa mga kilos niya. May nagbabago e.
Pero imposible rin kase lalaking lalaki magsalita at magkilos tong si Mia. Nagpapabebe lang siya sa akin. Wahahaha.
*****
Chapter 15 is updated! Follow me and vote for this story. Sana magustuhan niyo ang aking istorya at subaybayan ito. Maraming salamat sa mga supporters at readers ko. Love you all!!!😘
BINABASA MO ANG
I Secretly Fell In Love (COMPLETED) MAJOR REVISING
Teen FictionAng Librong ito ay dedicated para sa mga babaeng nagpaka-tanga at umasa na katulad ni Mia Jeannine Nathalie deGuzman. Paano kung nagka-gusto ito sa isang taong 'di niya kilala na nangangalang Gerald Luiz Eric Salazar? Magkakatuluyan ba sina Mia at...