-Mia's POV-
Puro practice na lang kame. Tinatanong niyo ba kung pinapansin ko si Gerald habang nagpapractice? Hindi, dahil nandun GF niya. Hindi ko rin pinapahalata kay Beshie na malungkot ako. Dapat masaya lang.Habang nagpapractice kame. Wala lang sa akin. Pekeng ngiti at hindi na ako nagiimagine sa kung anong balak gawin ni Gerald.
Ngayon na ang performance. Nanlalamig kamay ko sa kaba. Sana manalo kami. Nasa backstage na KAMI. Oo, kame ni...Gerald. Alam kong kinakabahan rin siya.
Sheyt. Mukhang kame na susunod. Huhuhuhu. Pwedeng mag-back out? Back out na ako please. Ayaw ko naaa.
Hinawakan niya ang kamay ko para kumalma. Gumaan naman kunti loob ko at bumuntong hininga na lamang ako. Kaya mo toh Mia. Kaya mo toh.
"Let us welcome, the Muse and Escort of Green Village Ms. Mia Jeannine Nathalie deGuzman and Sir. Gerald Luiz Eric Salazar." sabe nang Emcee at nagpalakpakan na sila.
Naririnig ko pa nga ang sigaw ni Raine e. Hay nako. Buti na lang at may supportive bestfriend ako.
Lumabas na kameng dalawa ni Gerald. Si Gerald may hawak na bola nang basketball habang ako naman ay ang bola ng volleyball.
Rumampa na kame at nagsigawan sila. Sheyt. Dame ko nang fans. Wahahahah. Sikat na sikat na ako. Charrot. Wahahahah. Feeling ko masyado.
Nagmodel model na kame ni Gerald na para bang sanay na sanay na kame.
Pagtapos nang rumampa pumunta ulit kame sa likod nang stage. Nag ayos na kameng dalawa para sumayaw.
Mixed ang kanta nang sayaw. Hip hop kase dun ako magaling. Buti na lang at marunong maghip hop tong si Gerald at di na ako nahirapan pa.
Pagkatapos naming mag-ayos e nag-practice lang kame saglit. Sabay sabay kame sa pag sayaw kaya alam kong mataas ang makukuha namin dito.
"Please Welcome Ms, Mia and Mr, Gerald for the dance competition." sabe nang emcee.
Napatigil kame magpractice at napa tingin kame. Face to face.
Pumasok na kame sa stage at nagsigawan sila nang napaka lakas. Natutuwa ako at maraming sumosuporta sa amin!!
Nagstart na ang music at nagsimula na kame sumayaw
****
"Thank you for the wonderful performance Ms, Mia and Mr. Gerald. Wow. Andami daming fans na ah. Okay next up..." puri sa amin nang Emcee pagkapasok namin sa back stage. Di ko naiwasang ngumiti sa kanya at nag-apir.Eto na yung pinaka-ayaw ko. Singing. Huhuh. Baka magkamali ako.. bumalik kaba ko buti na lang.. dumating si Raine. Kasama ang... babaitang mukhang hipon na si... Sandy.
Nawala ngiti ko nang pagkapasok ni Sandy at hinug si Gerald. Umiwas na lang ako para di mapansin ni Raine. Nakita ko pa ngang umirap tong Sandy na toh sa akin e. Psh.
BINABASA MO ANG
I Secretly Fell In Love (COMPLETED) MAJOR REVISING
Fiksi RemajaAng Librong ito ay dedicated para sa mga babaeng nagpaka-tanga at umasa na katulad ni Mia Jeannine Nathalie deGuzman. Paano kung nagka-gusto ito sa isang taong 'di niya kilala na nangangalang Gerald Luiz Eric Salazar? Magkakatuluyan ba sina Mia at...