(EDITED)
-Mia's POV-
Mali ang pag-sang ayon ko kay Tito Jhun!!! Hindi pwede toh!!! Iniiwasan ko na nga siya kase nga....
niloloko ko siya e... Gashhh nooo!!! Ayaw ko naaa.
Sabi ni tito Jhun na kailangan ko muna dumaan sa pag-sasanay. Ay mali... namin ni... Errr G-g-erald pala.As in bukas na! Bukas agad!!! Sobra akong nagulat na agad-agad ang nangyayari. Tanjennaaa. Ang hirap ng ganito.
Alam na rin ni mama. Pumayag na siya kay tito Jhun.
Binigay na sa akin ni tito Jhun ang mga damit para sa pagrarampa.
Nakita ko na rin sa may papel kung paano gaganapin ang pag-rarampa namin. Nakita ko na sa bawat barangay ay kakanta ng ibat-ibang lenggwahe at sasayaw ng mga pilipinong kanta. Ma-papa jeje or rap man raw basta tagalog!
Sobra ako napahalakhak dahil sa nabasa ko sa papel. WAHAHAHA. Iba't ibang lenggwahe? Seriously?! Whahahahaha. Anong klaseng rampa toh at naisipang may paiba-iba pa nang lenggwahe.
Buti na lang at nagChchinese, Korean at Japanese ako Kundi... baka matalo agad kame. Ang dami naman knows ng gumawa ng liga na ito.
I wonder kung marunong din si Gerald ng ibang lenggwahe. Sana may alam siya sa mga alam ko.
Naisipan kong i-chat si Gerald sa may poser acc. Wala... bored ako eh. Kaya kakausapin ko na lang siya.
Sa Chat-
Me: Hi!
Gerald: Hello
Me: Magiging escort ka raw nang liga???
Gerald: Huh? Paano mo nalaman yun?
Me: Alam mo ba kung sino ang kapartner mong muse?
Gerald: Hindi pa nga e. Ayaw sabihin sa akin ni tito Jhun, Surprise raw kase.Ohhh. Di pa pala niya alam. Haysstt. Baka magulat siya pag ako yun...
Me: Sa tingin mo... sino gusto mo kapartner?
Gerald: Kahit sino naman. Basta madaling pakisamahan
Me: Ohhh. OkayWhat is this feeling? Hindi pwede toh. Bat ba kasi Mia napaka assumera mo! Argh!! Tapos sa huli ako lang masasaktan!
Me: Oh siya!! Bye na muna. May gagawin pa kase ako bukas. Kailangan maagang magising.
Gerald: Oh sige, ako din Marami rin akong gagawin bukas, Byee.Haysst. Ewan ko itong feeling na toh. Feeling na ayaw at hindi ko pa nararamdaman sa kahit kanino.
Natulog na ako para makahanda na sa pagsasanay bukas.
*****
Ugh!!! Masama ang araw! Charr.Magandang araw para lamang sa araw!!! Masama ang araw para sa akin. Hmpph.
Ngayon na ang practice. And I do not like it. Like ba ako? Wala! Wala kong pakee.
Nag-ready na ako. Nag-luto muna ako nang pag-kain namin nila mama. Si ateh na maglilinis.
Hmmphh. Buti nga sa kanya. Now she knows what I feel lalo na pagwala siya. May maganda naman palang naidudulot tong practice na toh. Nakakatakas ako sa gawaing bahay. BWAHAHAHAHAHA.
Sasama raw sa akin si Raine mag-practice. Pinayagan naman siya e.
Pwedeng manuod ang kaibigan at mga tropa sabi ni tito Jhun.Haisshhh... baka mapahiya ko sarili ko kapag nagkamali ako. Lalo't pa... baka nandun mga tropa ni Gerald!!! Tanjena yun!
Nandito na kame. Sa bahay nila tito Jhun. Mukhang andyan na sila Gerald dahil kita ko na ang mga tropa niya!!
Oh no oh no oh no!!! Hindi pwede toh!!! Bat ang dami nila masyado. Tinignan ko sarili ko sa may bintana nang kotse. Maayos naman ang suot ko... Sana..
Bigla bigla na lang lumapit sa akin si Raine.
"Besh!!! Nandyan ang mga tropa ni Gerald!!! Paktay tayo." sabi ni Raine na mukhang natataranta.
"Hayst. Ano bang dapat ipataranta. Ang ganda naman natin e. Selfie nga tayo" dag dag ni Raine at kinuha ang kanyang camera.
Haishh. Adik talaga toh sa pagseselfie.
"Ayan, ipopost natin toh sa FB. Ang ganda ganda talaga natin bessy!!" sabi ni Raine habang nakangiti.
****
Pumasok na kame na naka-akbay sa isat-isa ni Raine."Sa tingin mo, ano kaya magiging reaksyon nila? Haystt. Kinakabahan kase ako sa magiging reaksyon nila eh." sabi ko kay Raine.
"Di ko rin alam... kinakabaan din ako noh! Alam mo naman na nandun si ano e. Diba! Alam mo na." sabi ni Raine na halata talaga ang kaba niya.
Pumasok na kame dun. Naka-talikod sila at mukhang kinakausap ni tito.
"Oh, andyan na pala ang kapartner mo, Gerald." nakangiting sabi ni tito Jhun.
Lumingon naman si Gerald, ay mali... silang lahat sa amin. Yung iba, lumaki mata, yung iba naman napapanganga.What's with there reaksyon? Naka-kita ba sila ng multo? Hayst. Mag-hi na nga lang ako.
"Uhmmm... H-h-hi." nauutal ko pagbati sa kanila.
Napa-hawak na lang ako ng leeg nang tumingin ako kay Raine na nagpapahayag na whats-their-problem-look. Mukhang na gets naman agad ni Raine at nag-kibit balikat lang siya.
"Oh siya oh siya, siya ang magiging muse mo. Mia, this is Gerald. Gerald, this is Mia." nakangiting sabi ni tito Jhun.
Tinignan lang namin ang isat-isa kaya lang. Hingi niya ang kamay ko para makipagshake hands.
"Nice meeting you" masiglang at naka-ngiting sabi ni Gerald.
Shemss... Yung ngiti naka-kalaglag panty!!
Relax Mia, Relax. Just be cool.
"Nice meeting you too." nakangiti kong sabi at ibinigay ang aking kamay sa kanyang kamay.
"Oh sige na, Mia, pumunta ka na dun sa may bakla. Mag-makeup at magayos ka na ng sarili. Kahit wag mo muna suotin ang jersey na binigay ko." sabi sa akin ni tito Jhun.
"O-opo." sabi ko at agad-agad pumunta sa baklang tinutukoy ni tito.
******
Haba talaga nang hair nang magkakaybigan na yan. Andame naiinlove sa kanilang kagandahan at kagalingan sa mga bagay bagay😂 Chapt 7 will be uploded today!! Vote and Comment. Thanks for the readers and some silent readers kooo.Again... HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!😂😆
(May 1, 2018)
BINABASA MO ANG
I Secretly Fell In Love (COMPLETED) MAJOR REVISING
Teen FictionAng Librong ito ay dedicated para sa mga babaeng nagpaka-tanga at umasa na katulad ni Mia Jeannine Nathalie deGuzman. Paano kung nagka-gusto ito sa isang taong 'di niya kilala na nangangalang Gerald Luiz Eric Salazar? Magkakatuluyan ba sina Mia at...