Maine's POV
Nasa labas kami ng bahay nag mumuni-muni. Ang boring nakakainis huhuhu.
"Alden" tinapik ko ang balikat nya.
"Maganda ba ako?" Seryoso Kong tanong. Sa tingin ko kasi Hindi e dahil mataba na ako.
"Ano bang tanong yan love?" Tiningnan ko lang sya ng seryoso.
"Maganda ka"
"Tlaga?" Ngumiti naman sya at tumango.
"Baka may iba kana dahil pangit ako " pagmamaktol ko.
"Love Hindi kita minahal dahil maganda ka, minahal kita dahil yun ang sabi ng puso ko kaya pls wag ka na-" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Alden ng magulat kami ng biglang may dumating na maramibg kotche. Kinabahan ako bigla. Hinawaka ako ni Alden sa kamay at tumayo kami.
"Andito ka palang bata ka" bigla akong natakot ng marinig ko ang boses ng daddy ni Alden.
"Kunin nyo si Alden?!" Umiling ako. Hindi pwede.... Hindi....
"No dad, buntis si Maine"
"So?..... Iwanan mo sila at magpakasal ka Kay Fiona!" Sigaw nya.
"Dad! Sariling apo nyo yun" sabi ni Alden.
"Wala akong apo! Mag kaka apo lang ako pag magka anak kayo no Fiona" nakaramdaman ako ng lungkot. Una plang sinasabi nya na 'to paano pa kaya pag na nganak na ako?.
"Dad Hindi pwede" aalis na sana kami ng bigla kaming harangan ng malalaking tao.
Agad nilang kinuha si Alden saakin. Hinawakan nila ang kamay ni Alden ng magka bilaan.
"Anung gusto mo Alden?! Ang mapahamak ang mag INA mo o sumama ka saakin?"
Hindi sumagot si Alden.
"Teka...." Binitawan sya ng malalaking tao.
Nilapitan ako ni Alden. Nakita ko ang mag luha nya. Habang ako ito naiiyak nadin.
Ang hirap ng sitwasyon namin....ang hirap....
"Babalik ako Maine babalikan ko kayo ng anak natin pangako yan babalik ako, mahal kita Maine mahal na mahal" pagkatapos nun naramdan ko ang labi nya sa labi ko. Soon ko na binuhos ang luha ko. Ang sakit paano pag Hindi sya bumalik.
Unti unti ko na silang nakikitang umaalis hanggang sa....... Tumakbo saakin si Alden na umiiyak parin. Niyakap nya ako ng napaka higpit na para bang ayaw nya akong pakawalan.
"I love you"
"I love you more Alden please bumalik ka?" Pag mamakaawa ko. Tumango sya.
Kasabay nun ang pagbalik nya papuntang kotche.
Hihintayin kita Alden
Pero sana bumalik ka?.
Babalik ka pa nga ba?.*****
Sorry guys kung palaging bitin ah at sorry sa typo
BINABASA MO ANG
Stay with me
Fanfic"Stay with me Alden......just stay with me please" but he didn't stay he left her alone and broken 💔