Mariel's POV
1 new message. From Kean Rex. Napataas ang isang kilay ko dun sis!
Kean: Hi miss lampa! ;)
Mariel: Hoy anong lampa! Wag mo'kong matawag tawag na lampa 'di tayo close!
Kean: HAHAHA! stalking my profile huh? 😏
.Seen ko nalang sya. Aish nakakagigil! Sabi na eh aakalain nyang iniistalk ko sya! Feeling nya naman! Nacucurious lang naman ako sa kanya eh! Duh
.
.
."Ma alis na po ako. Pakibantayan nalang po si tumtum. Love you Ma :*"
Btw wag nyo na isipin si Tumtum, pusa ko lang yun hehe
Umalis na ako ng bahay at inumpisahan maglakad. Malapit lapit lang naman ang school namin dito kaya keri lang. Mga limang kanto lang. Osige oo na malayo na! Eh mas gusto ko kasi maglakad para exercise na rin hehehe
Mga tatlong kanto na din yung nalalakad ko nang may humintong kotse sa gilid ko. Binaba ang windshield, at iniluwa nito ang isang napakagwapong anghel. Ay take 2! Iniluwa nito ang isang napakapanget na nilalang na walang galang sa kapwa na hindi marunong mag sorry! Oo si Kean Rex lang naman sis.
"Hi miss ;)" aba'y tignan mo'tong kumag na to kumikindat kindat pa. Dukutin ko mata mo eh.
"Tse" inirapan ko sya at naglakad na ulit. Pero di pa rin sya nagpatinag. Sinusundan nya pa rin ako. Baka mamaya mabangga 'tong lalaki na 'to eh! Sana nga... Pero wag naman. Hindi kakayanin ng konsensiya ko 'yun 'no!
"Ano ba? Kung aalis ka umalis ka nalang hindi yung mambwibwisit ka pa!" Sigaw ko sa kanya
"Aalis lang ako kung sasakay ka sa kotse ko. Para sabay na tayo ;)" kumindat nanaman ang mokong. Bakit ba kasi ang gwapo mo kahit ganyan ugali mo? Kainis!
"Eh bakit naman ako sasakay dyan? Di naman tayo close atsaka may atraso ka pa saken no!" Sigaw ko ulit
"Kaya nga isasabay na kita para makabawi ako sayo. Late na oh. Dalawang kanto pa lalakarin mo. Baka 8 ka na makadating sa school" nakangiti nyang sabi na parang nang iinis na ewan. Basta!
"Eh ayoko nga!" Pabebe na kung pabebe. Eh sa ayaw ko syang kasabay eh. Naglakad ulit ako ng mabilis. Sa pagkakataong ito bumaba na sya ng kotse nya. Na sya namang ikinagulat ko. Hinawakan nya ko sa kamay at may naramdaman akong parang kuryente na dumadaloy sa braso ko. Shit ano ba 'to.
Pinaupo nya 'ko sa shotgun seat at nagumpisa nang mag drive. Sa byahe namin, tahimik lang kami. Hanggang sa binasag ko ang katahimikan.
"Bakit mo ba ginagawa to?" Pag-umpisa ko.
"Kasi nga gusto kong makabawi sa'yo. Sa pagkakabunggo ko sayo kahapon"
"Yun lang? Kahit sorry lang naman matatanggap ko na eh. Kelangan may suhol?" Humagikhik sya dun. Ano kayang nakakatawa. -_-
Hininto na nya ang kotse nya. Ah nasa parking na pala kami. Pagbaba nya sinara nya yung pinto. At iniwan pa 'ko sa kotse nya! Kinginang 'yan dumiretso na sa campus!! Di man lang ako hinintay. Pero bat naman nya ko hihintayin? Hay nako Mariel ang assuming mong nilalang!
.
.
.Nasa room na 'ko. And as usual, late nanaman si Maam Mariano. Kaya nag aral na lang ako ng notes ko.
"Hi miss hehe" pabulong na sabi ni Dayne atsaka umupo sa tabi ko.
By the way, He's Dayne Rios.
He's a varsity player dito sa school namin. Chinito, gwapo, maputi, matangkad, malakas ang dating. Sa madaling salita, he's PERFECT...
Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong patay na patay sya sa'kin? Syempre hindi. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala, pero 'yun ang totoo. Ewan ko ba. Di 'ko alam kung trip lang ba 'ko nito o ano eh.
"Pwede bang tumabi? :)"
"Nandyan ka na nga nagpapaalam ka pa" napatawa naman sya nun.
"Sunget naman. Mukhang badtrip ka ngayon ah" Bakit ba kasi di nalang sya manahimik sa kinauupuan nya? Beastmode nga ako eh. BEASTMODE!!!
Sakto namang dumating na si Maam Mariano at agad na nagpalecture. Hays Maam, kahit always late ka minsan right timing ka din.
.Nagdismiss na si Maam. Dumiretso ako sa canteen at bumili lang ako ng palabok. Fave ko to eh! Pantanggal init ng ulo. With matching orange juice at peanut butter sandwich! Yum 😍
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko, tinabihan ako ni Tiff. Oo nga pala. Hindi ko na sya nahintay dahil sa init ng ulo ko kanina.
"Yel bakit di mo 'ko hinintay? Huhu kakainis ka naman eh! :'(" Pag iyak nya sa'kin na parang bata.
"Sorry tiff beastmode lang ako kanina"
"At bakit naman?!" Talak nya
"Eh kasi itong si Kean. Ang init ng dugo ko sa kanya! Kahapon kasi nagkabungguan kami sa daan. Tapos ni hindi manlang sya nagsorry. Tapos tinitignan ko yung wall nya. Eh nalike ko lang naman yung post nya 2days ago. Tapos chinat nya 'ko at sinabing iniistalk ko daw sya. Aish!!!"
Sandali akong tinitigan ni Tiff saka sya tumawa ng tumawa. Hayp na babaitang 'to! Tumatawa tawa pa. Bigwasan ko kaya to. -_-
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Tinatawa tawa mo dyan?!"
"O to the M to the G! Si Mariel Reyes stalker ni Kean Daks Rex wahhhh!" Sigaw nya kaya tinakpan ko ng mabilis ang bibig nya. Buti nalang at malayo ang napili kong table sa mga estudyante kaya walang nakarinig. Anak ng teteng. At ano daw? Kean daks? Eeewww. >,<
"Hoyy Tiffany Roxas manahimik ka nga!" Tas tumawa nanaman sya kaya ako nahawa na rin hahahaha baliw kasi neto.
"Gaga di ko sya iniistalk. Nacurious lang ako sa kanya kasi nga diba, transferee sya dito kaya di ko pa sya masyado kilala" pagtatanggol ko.
"Huuuuuu" nakakapang asar syang tumingin sa'kin. Kaines ha. -_-
"Mabuti pa bumalik na tayo sa room natin" pag aya ko.