Chapter 13

0 0 0
                                    

Kean's POV

Umalis na 'ko sa canteen. Wala naman talaga 'kong pupuntahan. Feel ko na kasi yung awkwardness kanina.

Tinititigan ko kanina si Mariel habang kumakain sya. Nakakatawa nga eh, kung sumubo kala mo mauubusan! 😂 nagulat naman ako nung napatingin sya sakin kaya umiwas agad ako ng tingin. I found her cute and adorable. :>

"Kean!"

Tawag sa'kin ni Paul. Btw, he's Paul Anthony Rex my cousin. Sabay kami nagtransfer dito sa school. Dati kasi kaming taga Gangnam pero lumipat na kami dito sa Seoul kasi gusto din ni mama maenjoy ang buhay dito sa Seoul.

"San ka galing? Nag ditch ka ng class?" Tanong nya na may halong pang iinis.

"Wtf Paul, di ako nagdiditch ng class eversince. Gaya mo 'ko sayo" asar ko sa kanya. Oh, it's already 4pm? Ang bilis naman ng oras.

"One hour nalang pala, wag na tayo pumasok." Sabi ko kay Paul. Hindi naman sa ayaw ko. Pero tinatamad na kasi ako. Naupo nalang kami dito sa bench sa may malapit sa exit gate.

Bigla namang nag open up ng topic si Paul na ayaw ko namang pag usapan.

"Ano na kaya nangyari sa ex mo? Yung si Angel?" Natahimik ako dun. Ayoko na syang pag usapan. Ang totoo, hindi ko na talaga sya mahal. Galit na ang namumuno sa puso ko. Galit sa kanilang dalawa ni Dayne. Hindi ko sinuntok si Dayne dahil mahal ko pa si Angel. Sinuntok ko sya dahil sa galit ko sa kanya. Hindi ako ganung klaseng tao na mahilig makipag away. Pinalaki ako ng mommy ko ng hindi basagulero. Pero kapag hindi ko na matimpi, pati sarili ko hindi ko na kilala.

"I don't know. And I don't f*cking care for her anymore" inis na sagot ko.

Mariel's POV

Pagmulat ko ng mata ko, bigla akong may naimagine. Grabe. 2weeks na pala ang nakakalipas. Akalain nyo yun? Kung nung first day eh mortal enemy ko si Kean, ngayon friend ko na sya. Di naman sa friend pero close na kami. Pero di 'ko sinasabing di na 'ko naiinis sa kanya 'no! I found out lang na 'di naman pala sya mahirap pakisamahan. Sadyang mapang inis lang talaga. Yun siguro kumukumpleto ng araw nya. Yung makapang inis sya. Che!
.

Tinawag na 'ko ni mama para makapag breakfast na. Sinalubong naman ako ni Tumtum! Tong alaga ko talaga napaka lambing kahit mahilig magnakaw ng ulam! Hahahaha!

"Anak kamusta ang school mo? Nabubully ka parin ba? Sabihin mo lang sakin at malalagot sila sa'kin" ani mama.

Ngumiti ako kay mama. "Ma don't worry maayos naman po ako sa school." Saka tipid na ngumiti. Ayoko nang sabihin pa kay mama na until now binubully pa rin ako nila Mandy. Ayoko kasing madagdagan ang problema ni mama dahil namomroblema pa sya sa trabaho nya. Alam kong ma stress lang si mama

Nang matapos na 'kong kumain umakyat na 'ko sa kwarto ko para mag asikaso at malelate pa 'ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis dumiretso na ko sa baba at nagpaalam na kay mama. Maaga talaga 'kong umaalis sa bahay kasi nga nilalakad ko lang ang school namin. Paglabas ko nanlaki ang mata ko ng makita ko si Dayne at Kean. :O

Kean's POV

Maaga akong nagising. Ewan ko din kung bakit. Kaya maaga na rin akong nag ayos ng sarili. Pero napansin kong sobrang aga pa kaya naboboring ako. Pano ba naman kasi, 30 mins na simula nang makapag ayos ako't manuod ng tv sa sala habang hinihintay mag 7. Pero napakatagal ng oras. Pagtingin ko sa relos ko, 6am palang. Sumagi sa isip ko na sunduin ko nalang si Mariel. Kasi alam kong maglalakad pa yun dahil nga mas gusto nya daw ma-exercise. May tiwang ata sya. Napakalayo ng school sa bahay nila tapos nilalakad lang nya?

Dali dali kong kinuha ang susi ng kotse ko at nagdrive. I'm on my way when I saw another car and it looks familiar. Tapos bumaba na yung nasa kotse. Niluwa nito ang ahas. Si Dayne.

"Tignan mo nga naman oh. Anong ginagawa nya dito?" Tanong ko sa sarili.

Bumaba ako ng kotse. Nakita naman ako ni Dayne at nagulat sya. Siguro nagtataka sya kung bakit ako nandito. Pake ba nya.

"Bakit ka nandito Kean?" Tanong nya.

"Pake mo?" Sagot ko. Iniwasan na nya ko ng tingin pero hindi ko parin sya inaalisan ng tingin. Nakakainis. Bat ba kasi sya nandito? Tss.

Nawala naman ako sa huwisyo ng bumukas ang gate. Niluwa nito si Mariel. Ganun parin sya. Nerdy glass. Wavy hair. Walang polbo o kahit na ano sa mukha. Nang makita ko ang reaksyon nya nanlaki din ang mata nya.

"Anong ginagawa nyo dito?" Gulat nyang tanong na nakatingin samin.

"Susunduin ka" sabay naming sagot ng ahas.

Mariel's POV

Putek ano 'to?! Bakit may gantong eksena ha?

"Di 'ko na kailangan sumabay sa inyo. Kaya ko na maglakad." Mabilis kong sagot. Saka ako naglakad palayo.

Hinarangan naman nila 'kong dalawa.

"Alam nyo? Salamat nalang sa pagpunta rito. Pero wag kayo mag alala kaya ko na ang sarili ko." Naiilang kong sabi. Nakakaamoy na kasi ako ng tensyon sa pagitan ng dalawang to. Nagpapaligsahan ata sila kung sino ang sasamahan ko sa kanilang dalawa.
Pero hindi parin sila nagpatinag. Talagang pinipilit nila 'kong sumama sa isa sa kanila. Ahhhhh naguguluhan na 'ko!

"Come to me Mariel, pambayad mo sa nilibre ko sa'yo sa canteen." Sabi ni Kean. Wow ha? Di nya pa sinabi na may bayad pala yun? De sana di na'ko nagpalibre!! Di pa man ako nakakapayag pero hinila na 'ko ni Kean sa braso ko papasok sa kotse nya. Saka nya 'ko nilagyan ng seatbelt at sumakay na din sya. Nagulat ako sa nangyari. Nilingon ko naman si Dayne at kita kong nalungkot ang mukha nya habang nakatingin sa kotse ni Kean atsaka pumasok sa kotse nya.

Aishhhh bwiset na Kean 'to! Ano bang trip nya sa buhay nya? Nakakainis sya kahit kailan! Ako tuloy ang nahiya kay Dayne. Bwisit! 😡

He Who Trapped My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon