"Excuse me? Snake? Wow!" Pumalakpak pa si Tiff. Teka anong snake snake? Di 'ko maintindihan 'tong mga 'to eh.
"Yeah. You're a snake. Inagaw mo sa'kin si Dave. Ahas ka." Panggagalaiti ni Mandy.
"Yun na ba yung snake para sa'yo? Kung tutuusin, ako ang una nyang ginusto. Tulay ka lang." Malumanay na sabi ni Tiff. Sanay din sya sa away. Di lang halata kase mukha syang mabait.
"Fuck u btch. Ikaw ang una pero mas minahal ako." Sigaw ni Mandy.
"Yeah. And that's what we called, AHAS. Dahil sa pagiging tulay mo samin ni Dave, inagaw mo sya sakin"
"Akala mo ba nakalimutan ko na ang panggagago mo sakin Mandy ha? Tinuring kitang kaibigan. Tinakpan ko lahat ng baho mo. Pati na ikaw." Duro nya kay Arabel. Dahilan para mapaatras sya."Wala kang utang na loob Mandy. You such a jerk. Selfish ka. Mang aagaw. Malandi. Lahat na!" This time pasigaw na ang boses ni Tiff. Hala ka. Nakakatakot to magalit eh!
"Hahahaha! Slow hands ka kasi. Pabebe ka pa kay Dave. Bakit maganda ka ba? Diyosa ka ba ha? Mas magan---*pak*!" Sinampal ni Tiff si Mandy. Pati si Mandy nagulat.
"Watch your words."
Nag walk out na si Tiff at naiwan ako. Tiningnan ako ng masama ni Mandy at lumapit sa'kin.
"At ikaw. Kung akala mo maaagaw mo si Dayne sa'kin. Hell no."
What da heck? Nagagalit sya about kay Dave daw, pero ngayon about kay Dayne naman? Ibang level na kalandian mo ate girl.
"Ano bang sinasabi mo Mandy? Kaibigan ko lang si Dayne. Nothing more. Nothing less."
"Wag ka na ngang mag maang maangan. Hindi porket may gusto sa'yo si Dayne eh magiging sa'yo na sya. Tandaan mo, PANGET KA, MAGANDA AKO, wala kang laban sakin Mariel" saka sila umalis ni Arabel. Ano bang iniisip nya?! Nahihibang naba sya? Wala namang namamagitan samin ni Dayne ah! Ako pa ang mapapahamak jusko!!!