Pagdating ko sa bahay, dire-diretso ako sa kwarto ko at saka humiga. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Naiinis talaga 'ko sa kanya! 😤
"Kunwari pang concern, ang sama naman ng ugali!"
Biglang tumunog yung phone ko. Message galing kay Tiff.
Oy sissy anong nangyare sayo? Bakit napakainit ng dugo mo kay Kean? Saka bakit parang magkakilala na kayo?
From: Tiff
Received: 4:30 pmHindi ko na sya nareplyan agad dahil napagod ako today.
Sorry Tiff bukas ko nalang ikekwento sa'yo lahat.
To: Tiff
Sent: 5:00 pmHabang nagfafacebook ako, naisipan kong iistalk yung demonyitong Kean na 'yon. Wala naman sigurong mawawala kung titignan ko yung profile nya. *searching Kean Rex*.
Mabilis kong nahanap ang facebook acc nya. Tinignan ko agad. One of his posts caught my attention.
"To the only woman I love, I'm so thankful that you're my mom :) <3. Kung wala ka wala ako. Sorry for the troubles I've made, Ma. Pero kahit na gan'to ako, mahal na mahal kita Ma. Lumaban ka lang Ma. Alam kong kayang kaya mong lagpasan yang cancer mo. Don't worry ma, I'm always praying and I'll always pray to God for your fast recovery. Miss ka na namin ni Kelly, Ma. Sana gumaling ka na. I'm sorry and I love you so much!❤" 936 reactions, 1k comments. Posted 2days ago. Bigla naman akong nalungkot. Sa kabila pala ng pagiging badboy nya, may softside din pala sya... Nagulat ako nung ma-like ko yung post nya na yun. Lintekkk! Baka kung anong isipin ng mokong na 'yun!!!