Mariel's POV
"Halika dalhin natin sya sa clinic!" Pagaaya ko kay Tiff.
.
.Nandito na kami sa clinic ngayon. Nagamot na din ng nurse si Dayne. Grabe ang iniwang bakas ng mga kamao ni Kean sa mukha ni Dayne. Di na sya naawa! Yung Kean talaga na 'yon!
"Bakit ba kasi kayo nag away ha?" Pagtatanong ko kay Dayne.
Nung una hindi sya agad nakasagot. Kaya tinanong ko ulit sya.
"Anong dahilan bakit kayo nag away?"
"M-may nangyari kasi sa'ming hindi m-maganda nuon ni Kean" malumanay pero nauutal nyang sagot na parang may lungkot sa boses nya. Nakakapagtaka lang dahil kahit grabe ang ginawa ni Kean, ni hindi ko man lang sya makitaan ng galit.
"Ano 'yon? Handa akong makinig."
"Ako din!" Pagsingit ni Tiff.
Napahinga muna ng malalim si Dayne bago nagsalita. "Bestfriend ko kasi dati si Kean. Literal na bestfriend. Para ko na nga syang kapatid eh." Napapangiti si Dayne habang kinekwento nya ang samahan nila ni Kean. Ako naman ay nagulat dahil magkakilala pala sila. Nakinig lang ako sa kanya.
"Business partners ang parents namin. Mula pagkabata palang magkasama na kami ni Kean." Tuloy tuloy lang sya sa pagkekwento't pinapakinggan namin ni Tiff.
"Hanggang sa may nakilala si Kean na nagpabago sa kanya. Yung dating badboy na Kean, tumino. Yung dating Kean na kaliwa't kanan ang babae, biglang naging loyal. Sya si Angel Forbs. Anak sya ng may-ari ng isa sa malalaking kumpanya na pinagtatrabahuhan nila mom and dad. Pinakilala sa'kin ni Kean si Angel personally since bestfriend naman ako ni Kean at may TIWALA sya sa akin. Hanggang sa lagi na kaming magkakasamang tatlo. At sa pagsasama naming 'yun, may namumuo na 'kong feelings para kay Angel" This time malungkot na ang tono ng pananalita ni Dayne. "Alam ko sa sarili ko na mali pero hindi ko mapigilan. Umamin din sakin si Angel about sa feelings nya sakin. Ayokong magtaksil sa bestfriend ko, pero I can't. There's something on my mind na nagsasabing, huwag ko nang pakawalan si Angel kahit na anong mangyari pa." This time may mga luha nang namumuo sa mga mata nya.
"At dahil din sa feelings kong 'yun, nasira ang friendship namin ni Kean. Alam kong wala akong karapatang magalit sa kanya sa paulit ulit nyang pagsapak sa'kin dahil kasalanan ko naman talaga. Ako naman talaga ang may gawa ng lahat. And I feel sorry about that. Until now I'm still disappointed to myself. Wala 'kong kwentang kaibigan. Yung ako dapat ang sumusuporta sa kanilang dalawa, ako pa ang sumira sa relasyon nila. Tangina ko! Ang gago ko! Ang tanga tanga ko!" Humahagulgol na si Dayne ngayon. Pati ako naiiyak na din dahil hindi ko expected ang mga sinabing 'yon ni Dayne. Nakakaawa sya dahil wala naman talaga syang kasalanan. Nagmahal lang sya.
"Shhh tahan na Dayne. Alam ko wala ako sa posisyon para icomfort ka pero gusto kong gawin kasi kaibigan na din naman kita." Ani ko.
"Diba nga sabi nila, time will heal. Oo nasasaktan pa rin si Kean. Pero dadating din yung araw na maiintindihan nya ang side mo at mapapatawad ka rin niya." Pagpapakalma ni Tiff.
"No, I don't de-s-serve his forgiveness, Tiff" utal na pagsasalita ni Dayne.
"No, Dayne. You deserve it. No one's perfect. Nagkakamali tayo lahat. At sa kaso mo, alam kong nagmahal ka lang naman." Sabi ni Tiff
Tina-tap ko ang shoulders nya para pakalmahin sya. Ganun din si Tiffany.
"Salamat Mariel, Tiff. You really guys help" ngumiti si Kean pero bakas pa din sa mga mata nya ang lungkot. Hindi ako sanay na ganto si Dayne, kasi nakilala ko sya bilang alaskador, masiyahin at palatawa.
"Wala 'yun hehehe" kunwaring pagngiti ni Tiff.
.Pauwi kami ni Tiff ngayon and as usual, nadaanan namin ang gym at naglalaro duon si Kean. Pansin kong ni isa wala syang ma-ishoot dahil binabato nya lang ang bola. Luh. Napapano to?