Binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina. Mortal enemy na ulit kami! Di porket nag-ceasefire kami nung nakaraan eh hahayaan ko nalang syang inisin ako 'no! Neknek nya!
Nasa kotse pa 'din kami at kasalukuyang papunta sa school.
"Alam mo Kean? Gwapo ka sana eh" sarkastiko kong sabi. Napatingin naman sya sa'kin nun saglit at tumingin agad sa daan.
"What do you mean, sana?" Pagtataka nya.
"Gwapo ka sana. Kaso 'yang ugali mo lang talaga"
"Bakit? Naiinis ka ba?" Nakangisi at sarkastiko nyang tanong
Woah! Di pa ba obvious na nakakainis ang mga ginagawa nya? Eh may tiwang sya. Pero di 'ko dapat sabihin na naiinis nga talaga ako sa kanya. Kase kapag sinabi ko 'yon, ang tendency, iinisin nya pa 'ko lalo.
"Hindi 'no. Bakit naman ako maiinis?" Nakangisi at sarkastiko ko ding tanong sa kanya. Napangiti at pailing-iling nalang sya. -_-
.
.Akala nya ha. Mag-inisan kami ngayon wahahahaha! >:D
Nakarating na kami sa parking lot pero hindi muna bumaba ni isa samin ni Kean. Anong ganap?
"Mariel" pagtawag nya sa pangalan ko. Hindi ako sanay na ganuon ang tawag nya sa'kin. I mean, hindi ako sanay na ganun sya ka-seryoso.
"Bakit?" Tinitigan nya muna ako, atsaka bigla syang nahimatay. Omygod!! Hala? Parang kanina lang nakikipag-kumpitensya pa sya kay Dayne eh. Mabuti nalang at nakasuot pa rin ang seatbelt nya. Kung hindi ay nalaglag na sya saakin
Sa gulat at kaba ko hindi ko na malaman kung anong gagawin ko. Ginigising ko si Kean. Nakapa kong sobrang init nya. Napakataas ng lagnat nya.
Tinawagan ko si Tiff para sana magpatulong kaso, cannot be reach sya. Kaya no choice ako, I call Dayne for help. Hindi ko mabubuhat si Kean papunta sa clinic mag-isa. Masyado syang mabigat.
"Hello Dayne, si Kean... napakainit nya!"
"What?! Nasan kayo?" Kabado nyang tanong.
"Nasa parking kami. Actually I called you talaga para matulungan mo 'ko sa pagbubuhat kay Kean papuntang clinic"
"Okay, I'll be there asap. Basta hinaan mo ang aircon ng kotse nya para hindi sya lamigin okay?"
"Noted. Thank you Dayne" then he hang up the call. Sinunod ko naman ang sinabi ni Dayne na hinaan ang aircon. Kumislot si Kean at parang nilalamig pa rin sya. Naghanap ako ng kahit na anong tela or damit sa kotse nya pero wala akong nahagilap. Hala paano na 'to. Kapag naman binuksan ko 'tong bintana, papasukin kami ng usok. Ang dami kasing nagdadaan eh. No choice ako ngayon.
Dahan dahan akong lumapit kay Kean atsaka sya... Niyakap. Pero nilalamig pa din talaga sya kaya hinigpitan ko ang pagkaka-yakap ko sa kanya. Nasan na ba kasi si Dayne at ang tagal nya?
Habang yakap ko si Kean, di 'ko maiwasang maamoy sya. Ang bango nya grabe. Parang hindi ordinaryong pabango ang ginagamit nya. Amoy mayaman ba.
Hanggang sa nabaling naman ang tingin ko sa mukha ni Kean. Tulog pa rin sya. Grabeng mukha ito. Parang anghel. Teka. Bakit ko ba pinupuri 'tong mokong na 'to? Tss
Maya-maya nakita ko na ang kotse ni Dayne at dali-dali syang bumaba at tumakbo papunta sa'min. Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap kay Kean. Mahirap na, baka akalain ni Dayne may gusto ako sa mokong.
"Let's go" ani Dayne atsaka nya binuhat si Kean. Ang lakas ni Dayne. Parang wala lang sa kanya ang bigat ni Kean. Kung ako siguro bumuhat kay Kean bali na tuhod ko. Lol.
Pero hindi ko pa 'rin maiwasan kabahan. Ang init ni Kean. Parang pwede na nga atang magprito ng itlog sa noo nya eh.
.
"Ano pong nangyari?" Tanong ng nurse at inihiga naman ni Dayne si Kean.
"Mataas ang lagnat nya miss" sabi ni Dayne sa nurse at agad namang inasikaso ng nurse si Kean.
Nasa labas kami ng clinic ni Dayne. Hinihintay lang namin kung ano na ang lagay ni Kean.
"Dayne, salamat ha... At sorry" pag-umpisa ko.
"Huh? Para saan 'yung sorry, Mariel?" Pagtataka nya.
"Sorry kasi, alam ko namang hindi maganda ang nangyari sa inyo ni Kean pero ikaw pa din ang tinawagan ko para hingan ng tulong." Pagpapaliwanag ko.
"And sorry din sa kanina." Pagtuloy ko.
"You don't have to say sorry, Mariel. Obligasyon ko namang tulungan si Kean kahit anong mangyari kasi tinuring ko na rin syang parang kapatid ko" nakangiti nyang sabi.
"At 'yung sa kanina. You don't have to say sorry too. Di mo naman kasalanan na sumama sa kanya eh. Pero okay lang, atleast alam kong sya ang kasama mo kaya alam kong safe ka" nakangiti pa rin sya.