Chapter 15

4 0 0
                                    

Paano nyang nagagawang ngumiti kahit alam kong masakit 'yon sa side nya? Haysss.

"Maam, sir, okay na po ang pasyente. Pwede nyo na po syang puntahan sa loob" sabi nung nurse

"Salamat po" tugon ko.

Pinuntahan na namin si Kean. Tulog sya pero bigla naman syang nagising nung dumating kami. Naupo ako sa tabi nya. Nginisian nya 'ko. -_-

Nang magtama ang tingin nila ni Dayne nag-iba ang aura ni Kean. Base sa facial expression nya, parang anytime kaya nyang makasapak. Wag na wag akong sasapakin ni Kean 'no! Kung hindi makakatulog ulit sya. Charot.

"Si Dayne ang nagdala sa'yo dito" pag-uumpisa ko.

Pagka-sabi ko non, biglang naging blanko ang mukha ni Kean. Kung kanina mukha syang tigre na kahit anong oras pwedeng lumapa, ngayon blanko nalang ang mukha nya. Pero hindi ko inaasahan ang sasabihin ni Kean.

"Salamat" sabi ni Kean pero ni hindi nya manlang tinapunan ng tingin si Dayne at blanko pa rin ang mukha nya.

"Welcome, bro" tugon ni Dayne. Pero hindi sya pinansin ni Kean.

"Uhm Mariel, mauuna na 'ko ha? Bantayan mo si Kean ha? Bye" nakangiti nyang sabi atsaka umalis. Ibang klase talaga 'tong si Dayne. Kahit na ganun yung inasta ni Kean parang wala lang sa kanya. Nakukuha pa rin nyang ngumiti. Kung ako siguro 'yun maooffend ako :(
.
.

12:00 nn na at nandidito pa 'din kami sa clinic. Bumili na 'ko ng pagkain ni Kean sa canteen.

"Subuan mo 'ko" what?! :O

"May kamay ka naman diba? Kaya mo na 'yan" sabi ko. Ano ba nya 'ko? Di naman nya 'ko alalay para subuan ko pa sya 'no. Hindi na nga ako nakapasok sa klase dahil sa kanya eh. Tsk.

"Susubuan mo 'ko, or I will kiss you?" Nanlaki ako sa second option. Wtf? Nang blackmail pa amp!

"Bahala ka dyan!" Inirapan ko sya saka ako tumalikod.

"One" pagbibilang nya. Pero hindi ko sya pinansin.

"Two" hindi ko pa rin sya pinapansin.

"If I count 3 pero hindi mo pa rin ako sinusubuan, I promise, your first kiss will be mine" ramdam kong nakangisi sya ngayon. Che! Bahala sya dyan! Sinong tinakot nya?

"Two and a half" bwisit naman oh! Masubuan na nga ito ng magtigil! Kainis.

Pagkaharap ko, biglang nagdikit ang labi namin ni Kean.*O*

Agad namang nagbitaw ang halik namin.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nyang 'yun.

"HAHAHAHAHAHHAHAHA!!! --aray!!" ANONG NAKAKATAWA DON HA? Pinaghahampas ko nga sya sa braso nya! Grrrrrr nakakapikon ka na talaga Kean Rex!!!!

"Bakit mo ginawa 'yun?!"

"Wala. Trip ko lang. Wahahaha!" Arghhh!

Sa inis ko lumabas ako ng clinic at iniwan syang parang timang na tawa ng tawa dun. Bwisit!

Sa inis ko naiyak ako. Wala na. Wala na 'yung first kiss ko na sana sa taong mahal ko lang ibibigay T...T Gusto ko kase ang makakatanggap ng first and last kiss ko, eh yung taong mahal ko talaga! Huhuhuhuhu T...T

He Who Trapped My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon