Hanggang ngayon feel ko pa rin yung sad presence ni Tiff.
"Anong gusto nyo?" Tanong ni Kean
"Kahit ano nalang" sabi ko. "Ikaw Tiff?" Umiling lang si Tiff. Mukhang walang gana.
"Okay pakihintay nalang." Sabi ni Kean. Infairness sa demonyitong 'to ha may kabutihan din palang tinatago.
.
.
.
After 10 minutes bumalik na si Kean. Pero nanlaki na nagningning yung mata ko sa dala nya. Guess what? Palabok lang naman. With peanut butter sandwich and orange juice 😻"Woah thankyou Kean! Fave ko to eh 😻😻😻" maligayang sabi ko.
"Alam ko" mahinang sabi nya.
"Ano?" Pagtataka ko.
"Ah s-sabi ko alam ko namang magugustuhan mo yan" tas saka sya nag fake smile. Luh?
Sa kalagitnaan ng pagkain namin, binasag ni Kean ang katahimikan.
"What happened?" Tanong nya. Dapat ko bang ikwento sa kanya? Eh hindi naman kami close saka masyadong personal yung nangyari kanina. Pero,,, siguro naman mapagkakatiwalaan naman sya. Sige na nga. Tumingin muna ako kay Tiff. Tulog pala sya. Hys kawawa naman ang beshy q.
"Kasi kanina, nakasalubong namin si Mandy at Arabel. Nagkasagutan silang dalawa. May nangyari palang hindi maganda sa kanila ni Mandy nuon. Plinastik lang pala ni Mandy si Tiff. Inagaw ni Mandy si Dave kay Tiff." Sabi ko.
"Oh, sad to hear that. Sino ba yung Mandy na yun?" Pagtatanong nya.
"Si Mandy ang one of the bullies dito sa school." Matipid kong sagot. Ayoko ng magsalita masyado na 'kong nagiging madaldal kaya itinuloy ko nalang ang pagkain ko. Feeling ko nakatitig sa'kin si Kean habang sumusubo ako. Tinignan ko sya at parang umiwas sya ng tingin. Medyo awkward ha!
"Ah Mariel, got to go may pupuntahan pa pala ko eh. Sige na bye! Enjoy!" Dali dali na syang umalis. Ang weird ha. Gusto ko pa sanang mag thankyou ulit sa kanya eh. Hamo na nga.