Mariel's POV
Hindi maganda ang gising ko ngayon. Naalala ko kasi 'yung kiss namin ni Kean. Arggggg! -____-
Bigla naman akong napahawak sa labi ko. Ihhhhh naiinis talaga 'ko! Hindi na virgin 'yung lips ko! Huhuhu T__T
"Nak baba na! Kakain na!" Sigaw ni papa sa pinto
"Sunod po ako!"
Nga pala, dumating na si Papa, nung nakaraan lang. Ang dami nyang pasalubong na kung anu-ano. Madaming chocolates, pagkain. Meron ding mga damit. Pero hindi ko naman gusto 'yung karamihan. Paano kasi, puro dress, mini skirt, crop top, blazer, square pants ang mga uwi ni papa. Uso daw kasi 'yun at bagay sa'kin kasi daw dalaga ako. Eh hindi naman ako nagsusuot ng mga ganun >.< mas trip ko talaga 'yung t-shirt at pants lang eh. >_<
"Nak kamusta ang school mo kahapon?" Pagtatanong ni papa
Patay. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi ako pumasok kahapon. Baka pagalitan ako ni Papa T_T
"A-ahh 'yun po ba? E-ehh okay n-naman po hehe" utal kong sagot. Mabuti nalang at hindi nahalata ni Papa.
"Ate, totoo ba na first week of July ang acquaintance party ng SIC?" tanong ni Marlon. Nanlaki ang mata ko dun. Paano nya nalaman? O_O
"H-ha? Di ko alam" tanging sagot ko.
Kilala ko 'yang si Marlon. May crush na crush kasi 'yan sa school. Si Merdea. Di ko nga lang alam ang fullname. Kilala ko lang sya sa mukha pero hindi sa buong pangalan. Baka mamaya bigla nyang ayain si Merdea. Eh ubod pa naman ng arte 'yung batang 'yun. Baka kapag nalaman nya agad ipagkalat na nya sa campus. Mas okay nang manahimik nalang ako.
Nabo-boring ako ngayon. Mabuti pa magpatugtog nalang ako.
*Now playing - Time Will Reveal by DeBarge*
Favorite ko 'tong kanta na 'to. Sa t'wing papakinggan ko kasi 'to, feeling ko may gusto 'tong ipahiwatig sa'kin.
*I know just how you feel but this time love's for real, in time it will reveal that special love that's deep inside of us, will all reveal in time🎶*
Sa pakikinig ko, biglang pumasok sa isip ko si Kean. Bigla kong naalala 'yung mga pang-aasar nya sa'kin, 'yung mga panahong magkasama kaming dalawa. Hindi kaya...
Aish! Eraseeeee! -_- kaaway ko sya 'no! Hindi pwede!