Nagdismiss si Maam at agad na kaming lumabas ng room. Hinintay ko na rin si Tiff baka magtampo nanaman 'to eh.
Sa 'di kalayuan may naaninag akong mga estudyanteng nagkukumpulan sa field. Nagkakagulo sila. Hala ano 'yon?! :O
.
"Hala Tiff ano 'yon?" Kinakabahan kong tanong."Diko din alam! Tara tignan natin!" Di pa man ako nakakapagsalita, hinila na 'ko ni Tiffany.
Sobrang daming estudyante ang nakiki-usyoso. Kaya sa sobrang curious ko kung anong meron e hinawi ko ang mga tao. Bumungad sa'kin ang nagsusuntukang si Dayne at Kean! Omfg! Hala bakit?! Sobrang grabe na ang dugo sa labi ni Dayne at may black eye na din sya. Si Kean naman nagdudugo na ang kilay. Nakapaibabaw si Kean kay Dayne at binubugbog ng tuluyan si Dayne! Diko na maatim ang mga pangyayari kaya inawat ko na sila.
"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ha? Bakit kayo nagsasapakan!" Galit na sigaw ko. Halata ang pagkagulat ng mga tao sa ginawa ko pero wala akong pakialam.
Tinulungan kong tumayo si Dayne dahil nahihirapan sya. Si Tiff din tinulungan ako. Natigilan ako ng biglang magsalita si Kean.
"Di pa tayo tapos pre" saka naglakad palayo. Hutaines wah! Ayoko ng mga gan'tong happenings eh! Nakaka-high blood >.<
.
.Kean's POV
Naglalakad ako sa hallway, nadaanan ko yung paboritong naming tambayan dati, bumalik lahat ng sakit. Kumirot ng sobra yung puso ko, at nangibabaw nanaman ang galit ko, sa kanya, sa kanilang dalawa.
Pupuntahan ko sana si Paul sa room nya, pero may nakita akong demonyo. Agad na nag init yung ulo ko, sa sobrang galit ko hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko sya at agad na sinapak."Omg! Huyyyy girls humingi kayo tulong!!"
"Hala Kean!! Stopppp!!"Wala akong pakealam sa mga pagpigil nila! Nanggigigil ako ngayon!
Habang patuloy parin ako sa pagsapak sa mukha nya, nagflashback sakin lahat.
.
.
."Hon, hindi ako makakapunta sa date natin, I'm busy. Sorry."
"Hon naman, nung last tuesday inaya kita mag date. Busy ka kamo. Inaya naman kita nung Saturday busy ka ulit. Bakit ba?" Paguusisa ko sa kanya.
"Basta Hon, sorry talaga." She ended up the call. Tf! Bakit parang yung Angel na kilala ko, bigla nalang nagbago. This past few days lagi na syang busy. Kahit nakikita ko sa fb posts nya yung mga picture nila ng family nya na nagbobonding. Pero kami? Madalang na.
.
.May biglang pumasok sa isip ko. Ano kaya kung puntahan ko sya sa kanila? Ayos! ^__^
.Bumili ako ng lahat ng favorite food nya. Otw na 'ko sa house nila. Pero bago pa man ako makalapit, may natanaw akong pamilyar na kotse. Teka? Parang kilala ko 'tong kotse na 'to? Nawala ang tingin ko sa kotse nang lumabas si Angel sa gate na naka dress. Huh? Ang sabi nya busy sya tapos aalis sya? Bigla nalang nanlaki ang mata ko nung may lumabas na lalaki sa kotse. He hugged my Angel so tight. Then she kiss her on her cheeks. And I saw his face. It's Dayne. My BESTFRIEND. Para akong sinasaksak ng paulit ulit. Nangingilid ang luha ko. Hindi 'ko maatim na tignan sila. Na masaya sila sa isa't-isa habang ako parang dahan-dahang pinapatay.
Parang gumuho nalang bigla ang mundo ko sa nakita ko. Sinundan ko sila. Nagdate sila sa expensive resto, at never namin yun napuntahan. Minatyagan ko sila, and tama ang naiisip ko. May secret relationship si Angel at ang BESTFRIEND KO.
*End of flashback*
"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ha? Bakit kayo nagsasapakan!" Sigaw ni lampa.
Tumayo na ko at nagpagpag ng damit.
.
"Di pa tayo tapos pre" huli kong sinabi bago ako tuluyang umalis.