Chapter 21

0 0 0
                                    

Mariel's POV

*tenenenenenenen* malakas na tumunog 'yung alarm clock ko. Bakit ba kasi naka set ito ng 4pm?! Grrr.

Hala. Hindi na ako nakakain ng lunch. Hamo na nga >_<

Bigla namang pumasok si mama sa kwarto ko.

"Anak, mag-ayos ka na. Isasama kita sa party. Gusto ka daw makita ng mga amiga ko" haaaa?! Nababaliw na ba si mama?! Birthday party nga ng bata hindi ako umaattend, celebration pa kaya? Tss -_-

"Ehh mama tinatamad po ako!" Pa-hikab hikab ko pang sabi.

"Ay nako anak. Sumama ka na! Para naman maka-experience ka ng party! Jusko anak ka-dalagang tao mo na wala ka pa ring hilig sa ganyan? Pano na lang kung may biglaang party kayo ng kaibigan mo edi hindi ka handa? Kasi wala ka pang ex---"

"Oo na po, ma. Sasama na." Tinatamad kong sagot. Ang ingay ni mama hahaha

"Sasama naman pala eh ang dami pang sinasabi" luh? Eh sya ang mas maraming sinabi eh!

Kaya dumiretso na 'ko sa banyo at naligo. Pagka-labas ko galing sa banyo, nagulat ako ng may naka-latag sa kama kong... Wait. Dress?!

"Mama ano 'yan?!"

"Iyan ang isusuot mo anak. Ni request ko 'yan sa papa mo nung nasa ibang bansa pa sya na bilhin 'yan. Para magamit mo sa mga okasyon"

"Eh mama... Hindi po ako sanay magsuot ng ganyan! Kita nyo ma oh, offshoulder pa? Eh parang kita na ang kaluluwa ko dyan eh! Mag papantalon at tshirt nalang ako ma!" Naiirita kong sabi. Maganda naman 'yung dress, kulay black na may kaunting glitters. Pero di 'ko talaga trip magsuot ng mga ganto eh! >____< "Saka, hindi bagay sa'kin 'yan ma!" Sabi ko habang naglalabas ng pantalon at tshirt.

"Ay nako anak. Hibang ka na ba? San ka naman nakakita ng party na naka pantalon at tshirt ha? Isuot mo nalang 'yan. Ako ang magba-bagay sa'yo nyan!"

Wala naman akong nagawa. Isinuot ko nalang 'yung dress. Ang kulit kasi ni mama. Hindi pa 'ko komportable 'nung naisuot ko na. Feeling ko malalaglag kahit may garter sa tela. Tsssss

"Wow anak! Bagay na bagay sayo! Wala ka pang ayos nyan ah? Paano pa kung ayusan kita?" Tuwang tuwang sabi ni mama. "Halika umupo ka dito"

Naupo nalang ako. Inuna nyang galawin ang buhok ko. Sinuklay nya 'to.

"A-aaray m-maaa!" Sigaw ko

"Ano ba naman itong buhok mo anak? Parang di nasuklay ng isang taon"

Sinuklay nya lang ng sinuklay ang buhok ko hanggang sa sumang-ayon na 'to sa suklay. Nasusuklay na ni mama ng maayos.

Ipinusod nya ang buhok ko ng pa-bun style. Tapos nilagyan nya pa ng kaunting lawit na buhok sa may bandang noo ko. Parang bangs ba. Ewan ko ba kung anu-anong trip ni mama -_-

Hinayaan ko nalang sya. Mukhang nag-eenjoy naman sya.

Sunod nyang ginalaw ang mukha ko.

"Ma wag mo masyadong kapalan ah, baka kabugin ko pa ang nagpa-party nyan?"

"Hahaha! Oo naman sanay ako magmake-up 'no!"

At pagkatapos nya akong ayusan, hindi muna ako tumingin sa salamin. Kinuha ko ang glasses ko at saka ito isinuot. At tumingin sa salamin.

O__O

Ako ba talaga 'to?

"Oh anak? Tanggalin mo 'yang glasses mo! Hindi bagay!"

"Eh mama, malabo ho ang paningin ko kapag walang glasses!"

"Edi mag-contact lense ka!"

"Wala po ako 'nun" napahilamos naman ng mukha si mama.

"Osige sige okay na 'yan. Bagay pa rin naman eh. Magsapatos ka na at mag-aayos na 'ko, hintayin mo 'ko ha."

"Okay, ma"

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Mariel? Ikaw ba 'yan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Who Trapped My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon