Tiffany's POV
Nagpunta ako sa comfort place ko. Sa likod ng campus kung saan wala masyadong tumatambay na estudyante. Gusto ko munang mapag-isa kasi hindi ko kinaya ang sinabi sa'kin ni Mandy kanina. Ako? Pabebe kay Dave? Kaya ko lang naman sya hindi sinasagot ay dahil, hindi pa ako pinapayagang mag boyfriend ng parents ko. Pero kahit na ganon mahal na mahal ko si Dave. Mahal na mahal. Kaso hinihintay ko pa ang tamang panahon kung saan pwede na ang lahat. Pero di 'ko inaasahan na aahasin pala 'ko ng sarili ko pang bestfriend. Tangina. Napakaplastik ng Mandy na yon. Until now hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ko sya kinaibigan. Kung bakit ako sumusunod sa mga gusto nya dati. Siguro dahil kinocomfort nya ako dati pag may problema ako. Pero I can't just imagine na pamlamlastik lang pala lahat nang 'yun. Na matagal na pala nyang gusto si Dave at dahil alam nyang gusto ako ni Dave, kinaibigan nya 'ko. Ha. Look how desperate. Ginawa nya lahat para maagaw nya sakin si Dave sa paunti unting paraan na hindi ko namamalayan. Alam kong wala akong karapatang magalit dahil wala namang KAMI ni Dave. Pero masakit kasi eh. Sobrang sakit bitawan yung mahal mo para sa bestfriend mo.
Mariel's POV
Kanina ko pa hinahanap si Tiffany pero hindi ko pa rin sya makita. Nag aalala na ko. Lecheng Mandy na yan. Ngayon alam ko na at napatunayan ko na talagang bitch sya. Napakasama nya para paikutin si Tiffany. 😤
.
.
Hanggang ngayon, naglalakad at paikot ikot pa din ako sa campus pero hindi ko pa rin sya mahagilap. Dinial ko ang number ni Tiff pero cannot be reach sya.>______<
.Nagkabungguan lang naman kami ni Kean, ulit.
Pero mahina lang naman. Hindi ko nalang pinairal ang inis ko sa kanya kasi nag aalala na 'ko kung nasaan si Tiff."Oh Mariel. Bakit nasa labas ka pa? Start ng ng class ah?" Sabi ni Kean
"S-si Tiff kk-kasi nawawala. Hindi ko sya makita kanina pa. Naikot ko na yung buong campus pero w-wala pa din" pautal utal kong sabi. Kita ko namang nagulat si Kean sa sinabi ko.
"Sigurado ka bang naikot mo na yung buong campus? Halika tignan ulit natin" tapos naglakad na sya ng mabilis. Sumunod naman ako sa kanya. Diko alam kung bakit papunta kami sa isa pang gate ng campus.
Binuksan 'yon ni Kean. Woah. Mas matagal ako sa school na 'to pero mas alam pa 'to ni Kean kesa sa'kin. Hindi ko pa ito napupuntahan eversince.
Pagpasok namin inikot ko ang mata ko at nakita ko si Tiff na nakadukdok sa mga tuhod nya. Tumakbo ako papalapit sa kanya.
"Tiff bakit naman 'di ka nagsasabi kung san ka pupunta? Ano ba naman yung bago ka mag walk out sabihin mo munang, 'uy sissy punta lang ako sa likod ng campus mag eemote lang ako ha' tss". This time yakap yakap ko sya. Nakuha ko pang magbiro para patawanin sya ng konti. Nakita ko naman syang nangiti pero bakas parin sa mga mata nya yung lungkot
"Ano ka ba Mariel. Start na ng klase oh. Sana hinayaan mo nalang ako" sabi nya.
"Tiff, 'di naman kita pwedeng basta nalang pabayaan. Kaibigan mo 'ko. Dadamayan kita sa mga drama mo diba"
.Tumayo na si Tiff sa pagkakaupo nya.
"Tara muna sa canteen. Libre ko." singit ni Kean.Nagulat naman ako don. Pero sumama nalang kami.