Tiffany's POV
Papunta ako ngayon sa clinic. Malapit-lapit lang naman ang clinic dito sa school kaya keri lang maglakad.
Sa di kalayuan, natanaw ko si Mariel sa may pinto. Parang umiiyak sya. Hala >O<
"Oy Mariel!" Pagsigaw ko kaya napatingin sya sa'kin. Confirmed! Umiiyak sya!
"Aah Tiff, andyan ka pala" saka nya pinunasan 'yung luha nya.
"Hindi, wala ako dito. Drawing lang 'tong nakikita mo." Sarkastiko kong sabi.
"Haha baliw" tanging sagot nya saka nag-ikot ng mata.
"Anong ineemote mo dyan? Parehas kayo ni Dayne! Ke aga aga eh!" Tanong ko
"Mariel!" Rinig kong sigaw ni Kean sa loob.
"Uy tara puntahan natin si Kean!" Pag-aya ko sa kanya. Ayaw pa nga nya eh pero napilit ko pa rin.
Mariel's POV
Kainis! Ayokong ngang pumasok sa loob eh! Kung di lang talaga ako pinilit ni Tiff eh aalis na 'ko sa clinic na 'to! Leche!
At ano daw? Umiiyak din si Dayne?
Pagpasok ko, ramdam ko 'yung awkwardness samin ni Kean. Di 'ko sya pinapansin. Galit ako sa kanya 'no! Magnanakaw sya! Grrrrrr -___-
"Kamusta na ang lagay mo Kean?" Pangunguna ni Tiff
"Maayos naman na 'ko Tiff" sagot naman nitong si Kean. Nakikinig lang ako sa usapan nila pero nasa malayo ang tingin ko.
"Oh Yel, bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Tiff
"A-ahh w-wala naman hehe"
"Ahh. By the way may gusto sana akong sabihin sa inyong dalawa."
"Ano?" Sabay naming sabi ni Kean kaya napaikot ako ng mata.
"Nagkaroon kasi ng biglaang meeting kanina ang SA. Pinag-uusapan na rin namin ang acquaintance party ng SIC" ah. Kaya pala cannot be reach sya kanina. At nga pala, member si Tiff ng Student Affairs. Magaling kasi sya sa mga planmaking, kaya inihalal sya non at nanalo sya. Akalain mo 'yon? May iseseryoso pa pala 'tong si Tiff! Hahaha. Pero seriously, di naman ako na excite. Di naman kasi ako umaattend sa ganyan. Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa dun.
"Pero kayong dalawa palang ang sinasabihan ko, kung maari sana wag nyo muna ipagsasabi sa iba ha. Next week pa kasi namin balak iannounce sa lahat. Baka lang kasi ma-excite masyado ang mga estudyante at hindi na makapagfocus sa study kakaisip sa mga kadate at isusuot nila hahaha" natawa naman ako dun. May point sya.
"Hahahahaha!" Pagtawa ko. Napalakas ata kaya pati 'yung nurse napatingin sa'kin.
Dahilan para mapatingin din si Tiff at Kean. "Ss-sorry" napapahiya kong pagsabi. >.<