Chapter 1

65 1 0
                                    

Sky's POV

"YSANDRAAA!!YOHOO!GISING NAAA !" rinig kong sigaw ni Rylie,kung maka sigaw kala mo taga bundok.Tsk!

"Wag mo masyado guluhin Rylie baka tamaan ka nyan" tatamaan talaga to pag di to tumigil,bwisit.Ayoko pa naman yung ginigising ako kaya nagkunwari pa rin akong tulog.

"Wag kang duwag Rex tsaka kailangan na niyang bumangon di ba ngayon siya papasok sa bagong paaralan niya." Ayokong pumasok sa bagong paaralang yon.Okay naman na ako dun sa Reignalde Academy kahit na malayo yun.

"Naku,pag ikaw nagka black eye wag mo kong sisisihin" Hindi ba talaga aalis tong mga nambubwiset na nilalang na to?Tss.

"AT BAKIT NAMAN KITA SISISIHIN?!IKAW BA ANG SASAPAK SAKIN HA?" sigaw na naman ni Rylie.

"HINDI! KAYA NGA WAG MO KONG SISISIHIN DI BA!?" ganting sigaw ni Rex.

Kung sila na lang kayang dalawa ang sapakin ko noh! Para naman matahimik sila.

At ang iingay nila..ugh!

Bangayan pa rin sila ng bangayan kaya napagdesisyonan kong bumangon nalang dahil busy pa yung dalawa sa kakasigaw.

Kinuha ko yung lalagyan ng contact lenses ko at bumangon.

Minabuti kong bumangon ng walang ingay para di nila mapansin.Malapit na ko sa pintuan at konti nalang makakalabas na ako sa maingay na kwarto ko.

At napagtagumpayan ko naman.

Pumasok muna ako sa C.R at tinitigan ko sandali yung mga mata kong kulay Violet.

This pair of Violet eyes.

Nilagay ko na yung kulay itim na contact lense at tinitigan kung paano nito natatakpan ang kulay Violet kong mata.

Minsan naiisip kong kakaiba ako sa lahat dahil normal naman sina Mom at Dad habang ako,eto pabago bago ang kulay ng mata.

Pababa na ako sa hagdanan ng marinig ko na naman ang sigawan nila.

"NASAN SI YSA?!" boses ni Rylie.

"ANG INGAY MO KASI YUN TULOY NAG WALK OUT!" boses naman ni Rex.

"Oh! Sky,anak kumain ka na.Teka,Nasan na yung dalawang unggoy mong kuya na inutusan kong gisingin ka?" nagtatakang tanong ni Mommy Fire.

Sina Rylie at Rex ang taga gising sakin pag umaga dahil na rin sa halos lahat ng kasambahay namin ay walang alam tungkol sa mata kong pabago-bago ang kulay.

Tinatanggal ko kasi ang contact lense ko pag gabi kaya nag-iingat lang sina mom na may ibang makakita.

"MAAAAAAAAAAAAAAA! NAWAWALA PO SI YS--" di niya natapos ang pangalan ko nang sumingit agad si mom.

"Nandito na siya sa baba anak.Halina kayo't magsikain.Ano bang ginagawa niyo dyan sa taas?"

Nakita ko naman na pababa na si Rylie at Rex na nagtutulakan sa may hagdanan.

"Ano ba kayo mga anak,baka mahulog kayo dyan." nag-aalalang sabi ni mom.

Nang tuluyan na silang makababa ay nag-unahan naman sila palapit sa akin.

"Ysaaaaa! ba't ba bigla bigla ka nalang nawawala ha?" Tsk!

"O bat di ka sumasagot?"

"Dahil ayoko?" Patanong kong sagot sa kanila.

"Umaga pa Ysa. Wag kang badtrip" Rex.

"Bakit? Dapat ba may oras pag badtrip? Pag umaga di pwede? So pag gabi pwede na?" Takang tanong ko kay Rex.Natigilan naman siya at siya naman ang nabadtrip.Hindi dahil sakin kundi dahil kay Rylie na kanina pa tawa ng tawa.

"LANGYAAA!AHAHAHA.MUKHA MO REX!!EPICCCC AHAHAHAHA" tawa niya habang hawak hawak ang sumasakit na sa kakatawa na tiyan.

Natigil lang siya kakatawa nung bumaba na si Dad.

"Mga anak,may pasok pa kayo diba? Bat di pa kayo kumakain? Nasan ba si Fire?" tanong ni Daddy Walter.

Bigla namang pumasok si mom at tinawag kaming lahat para sabay-sabay na kumain.

Nasa lamesa na kami at katabi ko yung 2 unggoy kong kuya.

To clear things up, ipapakilala ko sila ng pormal para di kayo maguluhan at sisimulan ko muna ang pagpapakilala sa sarili ko..

I am Skyla Ysandra Lewis Cervantes o kilala bilang Ysa o Sky..

Pero Sky lang talaga ang lagi kong ginagamit.

Ayokong tinatawag na Skyla o Ysandra..

Masyadong girly..tsk!

Yung dalawang maingay kanina ay sina Alexei Igor Rylie Lewis Cervantes at Alexie Ilfon Rex Lewis Cervantes na kilala rin bilang Rylie at Rex.

Felicity Irish Rose Elighn Lewis Cervantes naman ang pangalan ni Mom o Fire
habang Si Dad naman ay Wilston Alexei Troy Elle Rai Rews Cervantes o kilala bilang Walter..

Weird noh? Nagtaka nga rin ako kung bakit ganyan pangalan nila.

Pero buti na nga at di masyado mahaba yung sakin.

Kina Rex at Rylie lang yung mahaba eh..

Uy! Kayo ha! Kung ano-ano iniisip niyo.

Pag nasa labas kami sinasanay namin na tawagin ang isa't isa sa mga palayaw namin kasi ang haba naman kasi nung sakanila.

"Sky anak, magiging okay ka naman siguro sa CMU di ba? Nag-aalala na kasi kami ni Fire pag pinagpatuloy mo pa yung pag-aaral mo sa Reignalde Academy dahil na rin sa binalita ng mga spy samin na may mga lalaking naka itim na nagbabantay tuwing umaalis ka sa iyong klase"

Napatingin ako kay dad at marahang tumango. Wala namang problema sakin yun. Ang akin lang, pano na sina Scarlet at Samantha?

Tsaka sanay na rin naman ako na paiba-iba ang pinapasukan ko dahil ayaw lang nila Dad na mapunta na naman ako sa panganib.

Sa tingin ko nga eh pang 15 ko na tong lipat eh.

Buti nga't nagtagal pa ako ng 2 buwan sa Academy.

Eh kadalasan nga di na ako umaabot ng isang buwan.

"Dad,hindi naman yan ang problema ni Ysa eh." tugon ni Rex habang hinihiwa ang karne na nasa kanyang plato.

"Oo nga dad,tingin ko sina scar at sam ang iniisip nyan ahaha-ughh"
At ayun nabulunan ang unggoy. Ano ba kasing nakakatawa sa sinabi ni Rex?!

Nagtaka ako nung sinenyasan niya ang isang katulong at may binulong siya dito. Syempre di ko alam. Binulong nga eh, pano ko maririnig. tsk!

Agad namang kumilos ang mga katulong namin.

Tas biglang dumating yung katulong na binulongan ni Rex at may dalang isang baldeng tubig.

Nanlaki naman ang mata ni Rylie sa nakita at binatukan si Rex na katabi ko lang.

"ANO TO?!NABULUNAN AKO HINDI KO SINABING MALILIGO AKOOOO"gigil na sigaw ni Rylie.

Araw-araw naman silang ganito eh. Mga siraulong unggoy. Di na tumanda.

Hinahayaan lang din naman sila nina mom at dad. Tumatawa lang sila tuwing nagbabangayan sila.

Sabi kasi ni mom "buti na yung nagbabangayan kaysa sa nagsusuntukan at nagsasapakan"

At alam ko naman na pinaparinggan niya lang ako sa tuwing sinasabi niya yan.

Dahil pag nabadtrip ako kay Rylie o Rex ay nasusuntok ko sila at minsan ay tinatapunan ng shurikens (na ninanakaw ko sa mga ninja na nagbabantay dito sa bahay).

Yeah,ganyan kami magkulitan at mag-bonding.

Binalik ko ulit yung tingin ko sa dalawa at tahimik lang na nakinig sa kanila.Minsan lang akong magsalita kaya pag nag-usap tayo maghanda ka na.

Dahil pag nakausap kita siguradong ang pakay ko ay mahalaga.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon