Chapter 9

28 1 0
                                    

"Tss. Sa paraang yan ka lang pala mapapatahimik." wika naman ni Lito? Lapu? Lapu lapu?Lebron ata. Ah basta yung nakasagutan ni Scar.

Hindi pa nga kami nakakabawi sa pangyayari nang bigla na lamang namin nakita yung lalaki na bumagsak sa sahig.

Sh*t ahaha paniguradong nagka black eye na yan. Ipupusta ko pa yung bahay namin ahaha.

Malakas sumuntok si Scar. At di yan papayag na wala man lang remembrance sa mukha ng lalaki.

Bigla naman nagtagpo ang mga mata namin ni Mr.Order.

I saw him smirk.

Ano na namang problema niya sakin?

"Wag na kayong gumawa ng gulo. Asuncion, ipagpaumanhin mo ang nagawa nitong kaibigan ko. Ipagpatuloy niyo nalang ang pagpaplano. Sasamahan ko nalang muna to papunta sa Clinic." saad naman ni Mr. Order habang nasa likod ni Lebron. Ah basta yung L na lalaki.

At tsaka na lang nila napansin na pinagtitinginan na pala sila nung iba pa nilang kaklase.

Lumapit naman si Mr. Order sa gurong nagbabantay sa kanila para magpaalam.

Pero bago pa sila makalabas sa pintuan ay lumingon yung Lebron. Ngumisi lang ito kay Scar sabay kindat.

Kaya itong kaibigan namin ay nagpupuyos na sa galit.

"WALANGYA TALAGA YUNG LALAKING YON!! AHHHHH!!" nangagalaiti nitong sigaw.

Pinapakalma naman siya ni Sam at pagkaraan ng ilang minuto ay naging okay na rin sya.

Langya. First Kiss ata ni Scar yung lalaking yun.

"Kung pwede ko lang lagyan ng alcohol tong mga labi ko, kanina ko pa sana ginawa eh." saad naman ni Scar habang hawak hawak ang mga labing nahalikan ni Lebron.

"Okay lang yan Scar. Ahahaha bagay naman kayo nun." ngising saad nung madaldal na lalaki.

"Anong bagay!? Hindi bagay ang anghel sa demonyo!" sigaw naman nito.

Napaisip naman yung madaldal at napa tango tango.

"Ay, oo nga noh! Hindi nga naman pala bagay dahil demonyita ka at anghel si Leon" patango tango nitong saad.

At isang lumilipad na sapatos ang tumama sa mukha nung lalaki.

Nagtawanan ang lahat at gulat naman napatingin ang lalaking madaldal.

"Oh? Anong kasalanan ko? " inosenteng tanong nito.

"WALA!! UMALIS KA NA SA GRUPO NAMIN..DI KA NAMAN DITO DI BA?!LEAVE!!" sigaw nito.

Halatang nabigla ito. Umiinit na nga ang ulo ni Scar dahil di na niya nakokontrol ang mga sinasabi niya.

Napatingin naman yung lalaki sakin.Tss..Magsisimula na naman siya.

"BABE OH! INAAWAY AKO NG KAIBIGAN MO!!" parang batang maktol nito.

Inirapan ko lang siya.

Parang andami naman atang nangyari sa unang araw namin. At lahat ng yun ay puro masasama.

Kung ngayon ay nag-aaway away na kami,

Ano pa kayang mangyayari sa project namin?

Kami kami pa naman yung magkakasama at malaki pa naman ang points nun.

Wala naman akong pake kung magpatayan sila pero yung points lang ang habol ko.

Nah, just kidding.

*Leon's Pov*

"A-arayyy!! T-tekaaa dahan dahan l-lang p-po! A-arayy! Hoooo!"

Sh*t ang sakit talaga.

Nandito kami ngayon sa Clinic.

Kasalukuyan na nilang nilalapatan ng gamot yung namamaga kong kaliwang mata. Langyaaang babae. Ang sakit pala nun manapak.

"Dude, shut the fuck up. Ang ingay mo. Para kang bakla. " poker face na saad ni Risk habang may kung ano anong tinitipa sa phone nito.

Nakita ko namang napangisi yung mga nurse na umaasikaso sakin.

Bakit ba? Masakit naman talaga ah!

"Dude naman. Magkakablack eye ata ako nito. Paano na yung mga chickababes koooo"

"Who the heck did kiss a girl huh? Di ba ikaw? Kaya ayan. Tss. Ang hilig hilig mo talagang pumasok sa gulo. Kanina ka pa ah. " wika ni Risk.

Kasalanan ko ba yun? Dapat nga matuwa siya dahil hinalikan siya ng nag-iisang Pantaleone Gomez.

Ughhh!! Pano na itong gwapo kong pagmumukhaaaa...uwaaaaaaaaa!! Di pwedeee tooo.

Di ko napigilang matanong yung mga nurse.

"Pangit na ba ako mga Ms? Di na ba ako gwapo?" tanong ko rito.

Ngumiti lang yung isa habang yung mukhang bagong nurse ay sumagot naman sakin.

"Pogi pa naman po kayo. Pero kung nagdududa po kayo..Siguraduhin niyong mag shades nalang bukas." payo niya.

Shades? Bakit? Lalala ba talaga to? Nooooooooo.

Napatingin naman ako kay Risk na kanina pa may tinitipa sa phone niya. Ano ba ginagawa nito. Parang seryoso ito at di napansin ang presensya ko kaya dahan dahan akong pumunta sa likod niya para tingnan ang ginagawa nito.

Sky Cervantes

Nakita kong nagfifacebook ito at iniistalk si Sky. Yung kaklase namin na poker face at tahimik na sinipa siya kanina. Ahaha.

"Uyyyy, Ikaw ha. Kaya pala ang tahimik mo diyan Ahahahaha. Iniistalk mo si Sky..Yiee dude may gusto ka pala dun. Well, bagay naman kayo..Parehong masungit ahahaha" natatawa kong saad habang sinusundot sundot ang tagiliran nito

"Fuck! Stop it! I don't like her! May hinahanap lang ako. Tigilan mo yan Pantaleon." seryoso siya.

Pero dahil nga sa pinanganak akong magulo..Di ko parin siya tinigilan. AHAHA. Tawa pa rin ako ng tawa. Hanggang sa makalabas kami sa Clinic ay tinutukso ko parin siya kay Sky.

"Fuck dude. Stop. Baka may makarinig sayo, mag-isip pa ng masama."  seryoso pa rin nitong tugon.

"Uwuuuu..Talaga ba? Uyyy I ship RiSky! RiSky! RiSky! " tukso ko pa rin sakanya habang tumatawa.

Mabilis siyang naglakad at iniwanan ako.

Ahahahhaa. Pikon talaga to eh.. di na maloko.

"Hoy Dela Croix! Hintayin mo ko! " sigaw ko rito pero parang wala itong naririnig.

"Dela Croix .. Si Sky oh! " tukso ko rito.

Lumingon ito sakin at mukhang pikon na pikon na talaga to sakin.

"Shut up Black Eyed Man!!" sigaw nito na naging dahilan para pagtinginan ako ng mga studyante at pagtawanan.

Shet. Agad ko naman tinakpan yung kaliwang mata ko. At dahil mabilis kong natakpan ito ay tumama ang kamay ko sa namamagang parte kaya di mapaliwanag ang sakit na naramdaman ko..

"Arayyyyyy..Tang*naaaaa!! Walangya ka Dela Croix halika ritoo!!" tumakbo ako papalayo dun at kitang kita ng kanan kong mata na tinatawanan ako ni Risk.

Baliw ka dude! Di talaga kita titigilan kay Sky! Ahaha.

Insert *evil laugh* .

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon