Chapter 20

9 1 0
                                    

Sa sobrang pag-iisip kung saan niya nakuha yung numero ko ay di ko na namalayang nasa harap na pala ako ng bahay.

Nung pinasok ko na si Honey sa gate ay agad kong binigay yung susi kay Kuya Ernie.

Siya yung maglilinis at magdadala kay Honey sa lugar ni Rylie dun sa underground ng bahay namin.

Ang underground kasi namin ay hinati sa apat. Para itong apat na malalaking garage.

Yung lugar ni Rylie,Rex, Dad at yung lugar ko naman.

Sa mga lugar naman namin ay nandun yung mga sarili naming sasakyan at mga motorbike at si Kuya Ernie ang nag mamaintain ng kalinisan ng aming mga sasakyan.

"Maam, kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Rylie. Nandun na po sila sa loob." wika ni Kuya Ernie.

Tumango lang ako at dire-diretsong pinasok yung loob ng bahay namin.

Pero bago pa ako makapunta ng kusina ay bigla namang tumunog yung phone ko.

Crap! Yung unregistered number. Ibig sabihin si Risk to.

Hinayaan ko lang ito at di sinagot.

Nung tumigil na ito ay hinanap ko na sina Rylie kaso tumunog na naman yung phone ko.

Tunog ito ng tunog kaya sinagot ko nalang.

"O?" panimula ko.

Narinig ko namang bumuntong-hininga yung nasa kabilang linya.

"Anong o? Nag-alala ako sayo tapos sasabihin mo lang o?" tanong nito.

Tss.

Sasagutin ko pa sana siya ngunit natigil naman ako sa paglalakad nung narinig ko yung boses ng isang matanda.

"Oh! Nandito na pala yung criminal . Long time no see my dear." saad ni Lola Carmina.

Nakita ko siyang dahan dahan na bumaba sa hagdanan habang hawak ang isang kopitang may lamang wine.

Sh*t.

"Rex! Rylie! Pano nakapasok rito yung criminal!? " sigaw ni Lola.

Napako naman ako sa kinatatayuan ko. Nung napansin kong hawak hawak ko pa yung phone ko at naalalang katawagan ko si Risk ay agad ko itong pinatay. Crap! Sana wala siyang narinig.

Narinig ko naman ang malakas na pagsara ng pinto sa may likod ng bahay at iniluwa nun ang isang Rylie na puno ng pawis.

"Ysa! " gulat nitong saad lumingon naman ito sa may hagdanan at nakita si Lola Carmina.

"Tang*na" rinig kong mura nito.

Nakita ko naman sina Mom at Dad na kakalabas lang ng kwarto na gulat na gulat na nakatingin saming dalawa ni Lola.

"Ma! Magpahinga ka na muna sa kwarto mo. Ako nalang magdadala ng mga gamot mo para makatulog ka ng konti. Mahaba-haba pa naman yung byahe mo kanina." malambing na saad ni Mom kay Lola para mawala yung atensiyon nito sakin pero parang nakadikit na ata yung paningin niya sakin.

Ramdam ko yung nakamamatay nitong titig. Alam ko namang kinamumuhian niya talaga ako at di niya ako matatanggap bilang apo di gaya nina Rex at Rylie.

"Ano bang ginagawa niyan dito Fire? Wala tayong miyembro sa pamilyang to na criminal ! " tumataas na yung boses ni Lola Carmina.

Nanatili pa rin akong nakatayo sa harap nila. Nakikinig at hindi gumagalaw.

Nakita ko kung pano sila gumawa ng mga paraan para mawala yung atensyon ni Lola pero di sila nagtagumpay. Kita ko sa mukha nilang tatlo nina Mom, Dad at Rylie ang awa . Ayokong kinakaawaan ako. I don't want them to pity me.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon