Chapter 23

12 1 0
                                    

Risk's Pov

"Master. Hindi po ba kayo papasok? Salamat po talaga sa paghatid kay Elle rito. Ganyan po kasi talaga siya tuwing nawawala si Mama." saad ni Hannah.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Nawawala yung Mama niyo?" takang tanong ko.

"Opo. Bigla bigla po kasi yung lalabas ng bahay sasabihin niya na may pupuntahan daw siya pero abutin na lang ng gabi ay di pa nakakauwi. Mahahanap na lang siya minsan ni Papa na madumi na at nawalan na ng malay sa mga kalsada." malungkot nitong saad.

So does that mean na may problema sa pag-iisip yung mama nila?

"Is your mom ill?" tanong ko.

Tumango naman ito.

"Labing-apat na taon na po siyang ganyan kaya nasanay na rin po ako. Ako po yung gumagawa sa ginagawa ni Elle noon. Umaalis ako't hinahanap po siya. I mean nag-aalala pa rin naman ako kay Mama pero hindi ko na minsan pinipilit yung sarili kong hanapin siya dahil minsan umaabot yun sa malayo." sagot naman niya.

Napatango-tango naman ako.

Bigla namang lumabas yung tatay nila Elle at luminga-linga sa paligid. Kanina ko pa pansin na hindi ito komportable simula nung nagkatinginan sila ni Sky.

Kinausap ko uli si Hannah.

"Hannah, nakita niyo na ba yung Mama niyo? O nawawala pa rin siya?" tanong ko.

"Hindi pa po eh! Si Papa kagagaling lang yan sa paghahanap pero wala raw siyang nakita. Nung umuwi naman siya nalaman niyang si Elle naman yung nawawala. Kakarating ko lang rin po kasi Master. May inutos rin po kasi sakin si Mr. Fortster kaya natagalan rin ako bago makauwi." sagot niya.

Napatingin uli ako sa likod ni Hannah kung saan hindi mapakali yung tatay nila.

Lumapit naman ito sakin.

"Kaano-ano mo ba yung kasama mo kanina rito iho? " mahina nitong tanong.

Kanina? Napalingon naman ako at nakitang wala na sina Sky at Pochi.

"She's my friend. Bakit po? May problema po ba?" usisa ko. Di ko pinahalatang may nararamdaman akong mali.

"Ah eh w-wala. P-pamilyar lang siya s-sakin." nauutal pa rin nitong sambit.

Hindi na ko nagtagal pa dun at nagpaalam na ako sakanila.

Lakad takbo ko namang nilabas yung eskinitang yun at hinanap yung dalawa.

Nung nakita ko naman yung malaking aso ay agad na akong tumakbo papunta dun.

Naabutan ko namang may tinitignan na picture si Sky sa phone nito.

Family Picture ata nila.

Sa larawang yun ay may isang magandang ginang at matipunong ginoo na nakaupo sa isang mahabang upuan kung saan maay isang batang lalake na nakatayo sa kanan at meron din sa kaliwa at sa sentro naman nilang lahat ay yung batang babae na sa tingin ko ay si Sky.

Napatitig ako sakanya. Di naman nila ako napansin ni Pochi kaya tahimik lang akong nakamasid sa kanya.

Nung pumunta ako sa bahay nila kanina para ihatid yung mga papel ng SHS DEPARTMENT ay kahit nakakahiya ay tinanong ko talaga kung nasan si Sky.

Ramdam ko naman na may problema sila lalong lalo na nung narinig ko na nag-uusap sila tungkol kay Sky.

Sinagot naman ako ni Rylie at sinabi niyang pumunta nga raw dito kaya agad akong pumunta sa park ng lugar nila.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon