Chapter 15

12 1 0
                                    

Scar's Pov

"Ano ba kasing nangyari Dreaz?" tanong ni Rylie kay Sam.

Nandito kaming apat ngayon sa Skating Rink at siniguro talaga naming kami lang yung tao dito dahil seryosong bagay yung pag-uusapan namin.

Tinawagan kasi namin agad sina Rylie at Rex upang ipaalam sakanila yung nangyari.

At mabilis pa sa alas kwatrong dumating si Rex. Ewan ko lang kay Rylie na huling dumating. Ang sabi niya lang eh nag commute raw siya kaya natagalan.

"Bakit ba ako tinatanong mo ha Alexei  Igor!? " nakapamewang namang tanong ni Sam.

"Kasi ikaw yung gusto ko--"

Nagsalubong naman yung kilay ni Sam.

"Kadiri ka--" pinutol naman ni Rylie yung sasabihin sana ni Sam.

"Ikaw yung gusto kong tanungin. Ikaw  yung kadiri. Kung ano-anong iniisip mo. Patapusin mo kasi ako. Psh. Inisip mo talagang magkakagusto ako sayo? Yuckk."  umarte pa itong nasusuka.

Sinipa naman ito ni Sam na naging dahilan para matumba si Rylie.

Nasa may bleachers kami ng Skating Rink at wala mismo sa loob kaya di niyo kailangang mag-alala na masugatan siya sa blade ng boots dahil hindi pa naman ito sinuot ni Sam.

Bago pa sila magtulakan dito ay sumabat na ako.

"Ako na ang magsasalita okay? Baka abutin pa tayo nito ng gabi pag si Sam yung sasagot dahil mag-aasaran lang kayo" saad ko.

Tumango lang naman yung tatlo.

"Napag-usupan kasi namin na mag practice para sa nalalapit na Ice Skating Competition Rylie. Tapos nauna kami dito sa school kaya dumiretso na kami dito sa skating rink.Naghintay kami sakanya pero di talaga siya dumating kaya naisipan naming lumabas. Paglabas naman namin ay nagkagulo na yung mga studyante. Narinig namin na may mga lalaking naka van sa may parking lot na pinagtutulungan si Sky kaya nagmadali kami papunta dun. Alam namin na kagagawan na naman ito ni Calend at di talaga titigil yung hayop na yun hangga't di niya nakukuha yung kapatid niyo. Nadaanan naman namin sina Risk at Leon kaya sumabay na rin sila samin. Paglabas namin ay nakita nalang namin yung van na mabilis na humarorot paalis at si Sky na nakahawak na sa bandang tiyan niya. Buti nalang talaga at mukhang walang dalang mga armas yung mga lalaki." paliwanag ko sakanila ni Rex.

Napahilot naman si Rex sa kanyang sintido habang nakapanglumbaba naman si Rylie.

"Hindi ko na talaga alam anong gagawin ko. Anong sasabihin ko kay Dad. Anong magagawa namin ni Rylie maprotektahan lang si Sky dahil sigurado ako na napatay nila yung mga ninja na pinabantay ni Dad. Dahil hindi sana yun mangyayari at mapoprotektahan sana nila yung kapatid namin kung buhay pa sila. Pero mukhang alam ni Calend ang tungkol dun at yun ang inuna nilang pabagsakin bago si Sky." problemado nitong tugon.

Oo nga. May mga nakabantay na ninja  kay Sky. Hindi lang namin ito nakikita pero nasabihan na rin kasi kami ni Rex tungkol dito. Sinabihan pa nila kami na wag ipaalam kay Sky dahil baka magalit raw ito. Ang alam lang ni Sky ay yung tungkol sa mga spy pero wala itong alam tungkol sa mga ninjas. Ayaw kasi niyang maramdaman na mahina siya kaya ayaw niyang may nagbabantay sakanya.

"Bakit ka nga pala late Rylie?" natanong ko naman sakanya.

Imposible naman kasing mag commute ang isang Alexei Igor Rylie Cervantes noh!

"Tss. Sabi ko naman na kasi sainyo na nag commute ako." wika nito habang nakabusangot yung mukha.

Ngumisi naman si Rex at nagsalita.

"Ninakaw kasi ni Sky si Honey." saad nito.

Ohhhh..

Kaya pala nasa parking lot si Sky at kaya nag commute 'tong lalaking to.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon