Chapter 11

12 2 0
                                    

Scar's Pov

"Scar, nandito na kami ni Sky sa skating rink. Asan ka na ba?" tanong ni Sam gamit yung matinis niyang boses.

"Papunta na ko diyan Sam. Just wait okay?" sagot ko naman sakanya.

Pumayag kasi si Sky na magpapractice kami ng skating kahit wala yung mga mokong kaya namin napagdesisyonan na pumunta sa skating rink.

Minsan lang sapian ng good vibes yung si Sky kaya di na namin pinalagpas.

Half day lang din kasi yung pasok ngayon dahil may meeting yung Student Council at yung mga guro.

Malakas ang buhos nung ulan at ang lamig pa ng hangin.

At kasalukuyan akong nakatayo sa ilalim ng puno, nakikisilong. Nakalimutan ko kasing dalhin yung payong ko kaya eto..basang sisiw ang inabot ko.

Hihintayin ko pa sanang humupa bago ako umalis pero napag-isip isip kong mukhang wala itong planong tumigil.

Okay lang sana kung mapapahinto ko yung ulan.

Pero hindi naman ako si Quiboloy na pag sinabing 'STOP' eh titigil na ito. Ahaha charot lang.

Kaya dahil basang sisiw na naman ako eh nilakad ko nalang papuntang university ng wala man lang payong o kahit anong pamprotekta sa ulan.

Ramdam kong tinitingnan ako ng mga nakakasalubong kong mga studyante na mukhang may tatapusin rin dahil may dala dala ang mga ito na mga cartolina at chipboards habang pinapayungan ng mga kasama nila.

Pero binalewala ko lang yung mga tingin nila.

Ano namang mapapala nila sa pagtitig sakin? Duh!

Dirediretso yung lakad ko pero nagulat nalang ako nung wala na akong maramdamang tubig-ulan na tumutulo galing sa buhok ko.

Kaya napatigil ako sa paglalakad at nagulat nung biglang may bumunggo sa likod ko at sa bilis ng pangyayari ay nakita ko nalang ang sarili ko na nasa ibabaw nitong lalaking naka shades kahit umuulan.

Gulat ang bumalandra sa mukha ko.

Di ko naman makita ang reaksyon nitong lalaking to dahil natatakpan ng shades ang mga mata nito.

Nagkablack eye ba talaga tong si Leon? Dahil ba to sa sapak ko?

Pero di pa rin siya umiimik habang nakatitig sakin.

Di ko alam pero nailang ako sa paraan ng pagtitig niya. Kahit di ko man kita yung mata niya eh alam ko na nakatingin siya sakin.

Nasa ganung pwesto pa rin kami habang nababasa na nung ulan yung mukha nito.

Napansin ko yung kulay asul na payong na nasa kaliwa namin. Kaya pala di ko naramdaman yung ulan kanina. Pero bakit niya ako pinayungan? Di ba dapat magalit siya't pabayaan ako? O di kaya'y isumpa niya akong magkasakit?

Pero bakit niya ako pinayungan?

"Shit" rinig ko yung mahina pero malutong niyang mura kaya agad akong napatayo sa pagkapatong ko sakanya. Agad akong nag-iwas ng tingin at patakbong umalis dun.

Nung nasa malayo layo na ako ay tumigil na ako sa pagtakbo at napahawak sa kanina pang mabilis na tibok ng puso ko.

Ang bilis nito na para bang may nagkakarera sa loob. Siguro dahil sa kakatakbo lang to.

Oo,dahil nga lang dun at wala ng iba.

Napatingin-tingin ako sa paligid at nung makitang wala na masyadong studyante ay agad na akong pumasok sa university at dirediretso ang lakad ko papuntang locker para sana kumuha ng extra na damit at syempre undergarments.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon