Chapter 28

42 1 0
                                    

"Okay ka lang ba? Ano ba kasing nangyari?"tanong ni Scarlet kay Smith.

Hawak hawak pa rin niya yung kaliwang paa nito.

Tinulungan naman namin siya ni Leon na makatayo ng maayos dahil nahihirapan talaga siya.

"Nabunggo kasi 'to kanina dun sa pinto ng bahay namin kaya mukhang na injured ata." mahinang saad ni Smith.

"Sorry Sky, sinabi ko sana sayo 'to para malaman mo na may problema ayun natumba ka pa tuloy. Sorry. Okay ka lang ba?" tanong nito.

Tumango lang si Sky.

Lumapit naman sakin si Leon at may binulong.

"Dude, tingnan mo yung bandang kaliwang paa niya. Grabe yung pasa, mukhang ilang araw na yan dude. Hindi kapanipaniwala yung rason nito na nabunggo niya yung pinto. Kasi sa lagay na yan sigurado akong isang matigas na bagay ang tumama talaga diyan dahil sa sobrang pamamaga ng paa nito at idagdag mo pa yung mga pasa." mahinang bulong nito sakin.

Napatingin naman ako sa paa ni Smith.

Totoo nga!

May mga pasa ito na halatang hindi galing sa pagkabunggo lang sa pinto.

Hindi kaya? Sumasali siya sa mga gangfights? O baka naman sinasaktan siya ng mga magulang niya.

"Ano namang pakialam mo dun Leon?" tanong ko rin sakanya.

He just shrugged.

"Samahan na kita sa clinic, Smith." alok ko.

Napatingin naman silang lahat sakin.

"Kailangan na matignan yang paa mo. Grabe yung pamamaga niyan." dagdag ko.

Sumang-ayon naman yung mga babae kaya pumayag na rin siya.

Inalalayan ko siya kasi halatang masakit talaga ang paa niya. Tumulong naman si Leon kaya naiwan na yung mga babae sa loob ng Skating Rink.

Nung malapit na kami sa clinic ay di na napigilan ni Leon ang magtanong.

"Vyll. Umamin ka nga. Sumasali ka ba sa gang fights ng CMU?" tanong nito.

Napatigil naman kami sa paglalakad.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Smith. Halatang kabado ito at parang hindi ito komportableng pag-usapan yung mga paa nito.

"Nope. Gaya nung sabi ko kanina, nabunggo lang ito." sagot niya. Mukhang pinaglalaban niya talagang nabunggo nga lang daw ito.

Tumama naman yung tingin ni Leon sa kin. Kibit-balikat lang ako at tinuloy ang paglalakad habang akay-akay si Smith papuntang clinic.

Nung nakarating na kami ay sinalubong agad kami ni Nurse Guille.

"Vyll! Anong nangyari? " halata ang pag-aalala sa mukha nito.

Magkakilala sila?

"Nurse Guille, kilala mo si Smith?" tanong ni Leon.

Tumango naman ito.

"Magpinsan kami." sagot naman nito.

Inalalayan na namin siya para umupo at ma check na ni Nurse Guille si Smith.

"Ok na siya. Ako nang bahala sakanya. Baka may gagawin pa kayo Risk. Pwede niyo na siya iwan rito." saad ni Guille.

"Salamat sa pag-alalay sakin mga 'tol" wika ni Vyll.

Ngumiti naman ito samin.

Lumingon naman ako at hinanap si Leon at ayun may kausap na namang babae.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon