Chapter 25

15 1 0
                                    

Sky's Pov

Matapos kong sagutin yung tanong niya sakin ay nakita ko siyang malalim yung iniisip.

Di ko maintindihan kung bakit siya naging interesado sa buhay ko. Pero siguro naging kyuryos lang ito.

Nung nalaman kong narinig niya pala yung tungkol sa bagay na yun ay nagulat ako dahil di niya agad ako hinusgahan. Di siya nag-isip ng masama tungkol sakin. Wala na rin naman akong magagawa dahil narinig na niya yun mula sakin kaya sinagot ko nalang yung mga tanong nito.

"Eh sino yung Calend? Bakit mo sinasabi na siya yung dahilan ng lahat?" tanong nito.

Siguro yung bagay na to ay di ko muna sasabihin.

Nagkibitbalikat lang ako. Mukhang naintindihan niya rin naman na hindi pa ako handang pag-usapan yun at yung tungkol lang sa narinig niya ang kaya kong sagutin kaya tumigil na rin siya sa pagtatanong.

Pumasok ako at kinuha yung phone ko na naiwan ko kanina sa kama.

Napatingala naman ako at napatingin sa pitong painting na pinili kong ipalagay diyan. Yung mga naging kulay na ng aking mata. Tumulong pa si Mommy sa pag-ayos ng mga paintings dahil remembrance nga raw yan sa mga kulay ng mata na nadaanan ko.

Yung Lolo ko yung nag paint nito. Si Lolo Sofronio na siyang asawa ni Lola Carmina. Isa si Lolo sa mga taong sumuporta at nagmamahal sakin. Isa siya sa mga nagiging excited tuwing nag-iiba na yung kulay ng mga mata ko. Kaya pagkatapos ng kaarawan ko ay pupuntahan niya talaga kami sa bahay para ma-paint nito yung bagong kulay ng mga mata ko. Pero di na siya umabot, wala na si Lolo Sofronio kaya wala na ring poprotekta sakin kay Lola Carmina. Namatay si Lolo dahil sa heart attack last year.

"Ito lang nagbibigay buhay sa kwarto mo." rinig kong saad ni Risk. Di ko napansin na sumunod pala siya sakin.

Nagbibigay buhay? Kung alam niya lang na ito ang nagbibigay ng problema.

"Tss."

Nagulat ako at natakot nung makita ko siya kanina na nakatitig rito. Natakot ako na baka sa pagtitig niya ay malaman niyang akin yung mga matang yun. Na ako yun.

Buti na nga lang at hindi yun halata.

You already know that my eye color is not permanent, right?

Napatitig ako sa unang painting.

Back when I was four years old.My eye color was red. Inakala talaga nila Mommy na may sore eyes ako pero nagtagal ito hanggang nag limang taon ako.

Napatingin naman ako sa pangalawa.

When I turned six, my eye color was orange and it also lasted til' I was seven yrs. old.

When I turned eight and nine,my eye color was yellow.Since then I know I'm not normal anymore. At dun ko nakompirma na kakaiba na talaga ako sa lahat.

When I turned ten and eleven, my eye color was green.An ophthalmologist said that is a result of a mild amount of pigmentation in my eye.

When I turned twelve and thirteen, it turned blue.I like blue that's why I'm cool with it but when I turned fourteen and fifteen it became darker and resulted to the color Indigo.It looked mysterious.My eyes were more like a deep ocean carrying deep secrets.

Napatitig naman ako ulit sa Indigo na mata sa painting.

But when I turned sixteen and seventeen. It changed to Violet. I was enchanted by this color. Maganda rin kasi siyang tingnan.

Looking back I have noticed that there is a pattern in my eye color and that is the color of the rainbow.

Red,Orange,Yellow,Green,Blue Indigo and Violet.

Panghuling taon ko na nga ito sa kulay violet at pagsapit ng Enero 4 ay mag-iiba na naman yung kulay nito at di na namin alam kung anong kulay kasi sa rainbow ay yung violet yung huli kaya umaasa ako na sana balik normal na yung mga mata ko.

Sana maging itim na siya para mabuhay na ako ng normal. Yung tipong di ko na kailangang magsuot ng contact lenses.

"Bakit ganito yung mga paintings mo? Its kinda wierd." tanong niya.

"Nagustuhan ko lang kaya yan yung napili ko bakit ka ba nangingialam?" tanong ko naman sakanya.

"Ewan ko ba, nung tinitigan ko yan kanina ay parang pamilyar talaga." saad naman niya.

Kinabahan ako dahil dun. Di niya pwedeng malaman na kakaiba ako. Na may mahika yung mga mata namin. Tingin ko'y sapat na na yung tungkol muna kay Rock yung malaman niya.

"Tss. It's just a painting. Imposible namang nakita mo na yang mga matang yan." saad ko.

"Yeah but the eyes look familiar." saad nito habang nakatitig sa mga paintings.

Bago pa niya mapansin ay agad ko na siyang tinulak papuntang balkonahe at pinaupo sa upuang inupuan niya kanina.

"Eat. Alam kong nagutom ka rin kakalakad kanina." alok ko sakanya sa isang sandwich at yung isang orange juice.

Tinanggap naman niya ito at nakita ko pang kinagatan niya ito.

Kumuha naman ako ng isa at nilantakan ko. Masarap rin kasi gumawa si Mom ng ganito.

Ininom ko na yung dala nitong orange juice habang nakatingin sa magandang tanawin na makikita mula rito sa balkonahe ko.

Kita kasi rito yung bundok at mga kahoy na napakasarap tingnan isama niyo pa yung malinis na hangin na malalanghap niyo dito.

Kaya gusto ko talagang tumambay dito. Ito yung paborito kong lugar sa kwarto ko.

Napansin ko naman yung gitara na nasa tabi ko. Kinuha ko ito at nagsimulang kaskasin ito. Naramdaman kong napatitig siya sakin pero nagpatuloy pa rin ako sa pagkaskas.

Ito yung kantang paborito ko at ito yung kantang tinatanong sa kin ni Risk.

As I strum the strings of the guitar sinabayan ko na ito ng kanta.

//Do you ever feel like breaking down?//

//Do you ever feel out of place//

//Like somehow you just don't belong//

//And no one understands you?//

Napatingin naman ako sa magandang tanawin na nasa harap ko.

//Do you ever wanna run away?//

//Do you lock yourself in your room//

//With the radio on turned up so loud//

//That no one hears you're screaming?//

Pinikit ko yung mga mata ko at dinama yung kanta.

//No, you don't know what it's like//

//When nothing feels alright//

//You don't know what it's like//

//To be like me//

Wala naman talagang nakakaalam pano maging ako.

//To be hurt, to feel lost//

//To be left out in the dark//

//To be kicked when you're down//

//To feel like you've been pushed around//

//To be on the edge of breaking down//

//And no one's there to save you//

//No, you don't know what it's like//

At ngayon na pinipilit mo kong kilalanin Risk.

//Welcome to my life//


A/N:

By the way payxxies, mas feel niyo yung chap na to pag sinabayan niyo talaga nung Welcome to my Life ng Simple Plan. I'm a fan of Simple Plan kasi ahha I love their songs kaya watch out goyss more simple plan songs are coming your way ahaha.

Uwuu♡

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon