Chapter 3

30 1 0
                                    

Samantha's POV

Hey there!! I'm Sam. The Oh-so-gorgeous Samantha Dreaz DelaCruz hihi

Well, kasalukuyan kaming nakikinig kay Ma'am nang biglang may dumating na nilalang at nagulat talaga ako nung kindatan niya si Sky sabay flying kiss.

Eww, kaderder talaga siya. Baka bigyan din siya ng FLYING KICK ni Sky pag di siya umayos.

Pero gwapo din naman siya eh. That Blonde hair guy. Kaya keri lang!

Well, di na bago samin na maraming nagkakagusto kay Sky kasi syempre kahit di niya aminin maganda naman kasi siya eh. Tapos makinis like me and matangkad like Scar.

Nung elementary nga kami eh sabog yung mesa niya ng love letters.

"Hello Miss, pwede ba akong umupo dito?" nakangiting tanong nito kay Sky sabay turo sa katabing upuan na walang umookupa.

Asa naman siyang sasagutin siya ni Sky ahahaha.

Minsan lang yan magsalita noh at pag kinausap ka niyan baka barahin ka lang.

"Bakit,akin ba yan?"

O di ba? Sabi ko naman sainyo eh ahaha.

"Huh?" Nalilitong tanong ni blonde hair guy.

"Di ko yan pagmamay-ari kaya wag mo kong tanungin" sambit ni Sky.

Nagpipigil talaga ako sa tawa ko at paglingon ko kay Scar eh lihim din itong natatawa dahil sa reaksyon nung lalaki na Vyll ata yung pangalan? Si blonde hair.

"Ba't ang init ng ulo mo babe?" natatawang tanong ni Vyll kay Sky.

Babe!? Maka-babe to! Kaderder talaga siya.

Halata namang nababagot na si Sky at makakasapak na to kaya ako na ang sumagot.

"Hoi, umupo ka na diyan at wag ka nang mag-ingay." sinabihan ko si Vyll para manahimik dahil ayaw pa naman ni Sky na ginugulo siya. Tsaka kami lang ang pwedeng gumulo kay Sky mwehehe.

Kahit gaano pa kainit yung ulo niyan eh kami kami pa rin naman ang nagtutulungan at nagdadamayan kaya nga kami nandito sa CMU.

In short, one for all and all for one ang peg namin.

Nung mabalitaan ko kasi na ililipat sa CMU si Sky (na nakwento sakin ni Rex) eh pinuntahan ko sa bahay nila si Scarlet at pina alam sa kanya ito.

Napagdesisyonan namin na sumunod sa kanya ngunit nauna ata kami ng dating.

Kakuntsaba namin ni Scar yung hot at oh-so-gwapo na kuya ni Sky na si Rex. Wag na natin isama si Rylie dahil panira lang yung pandak na yun. Pangit siya,PANGIT! Kaderder!

Ahihi joke lang.

Panira kasi yang si Rylie eh. Palaging sumusulpot tuwing nagmomoment kami ni Rex my loves.

At kung di nakwento ni Sky na kambal sila. Pwes,alam niyo na ngayon na kambal tuko si Rylie at Rex.

Sinabihan namin sila na susunod kami kay Sky at natuwa naman ang mga ito.

Yung tungkol naman sa mga mata namin, binigyan kami ng tig-isang itim na contact lenses upang matakpan ang mga ito lalong lalo na sakin na kulay gold.

Yung kanan ko lang yung kulay gold habang yung kaliwa naman ay normal.

Baliktad kami ni Scar dahil yung kaliwa naman niya yung kulay silver habang normal naman ang kanyang kanang mata.

Kay Sky naman eh yung dalawa.

Nag-aalala ako minsan kay Sky dahil pabago-bago ang kulay ng kanya eh. Yeah, ang astig tingnan promise pero masakit raw minsan. Kasalanan talaga to nung baliw at halimaw na yun.

Para di kayo malito, mag story telling muna tayo.

Nung mga bata pa kami nina Scar at Sky ay kami kami na talaga ang magkasama.

Apat na taong gulang pa kaming tatlo nun nung nangyari ang experimento.

May naganap na isang party nun kung saan kasama ako,Sky,Scar at ang pamilya namin.

Syempre, maraming tao ang nagsidatingan sa party at mga bigating tao na naka formal attire at mga alahas nilang nagsusumigaw ng karangyaan.

Busy yung mga magulang namin nun kaya naisipan naming umalis muna sa mesa at maglaro sa isang tabi.

Ngunit may isang lalaki na lumapit samin na may dalang lollipop.

Dahil nga sa bata pa kami ay natukso kami sa inoffer na lollipop ng walangyang si Calend.

At di namin alam na may pampatulog pala dun kaya sabay-sabay kaming bumagsak.

*Flashback*

"Pst,Sam dun muna tayo oh..Laro muna tayo dun.." sabay turo ni Sky sa may labasan..

"Cgeee skyyy,kaso tawagin muna natin si Scarlet" bulong ko kay Sky.

At dahan dahan kaming umalis sa mesa at nilapitan si Scar na nakabusangot ang mukha.

Nung nakalapit na kami ay lumiwanag ang mukha niya't niyakap kami.

"San kayo pupunta?" Tanong nito samin.

"Dun sana kami sa labas maglalaro eh. Sama ka?" Tanong ni Sky sakanya.

Tumango lang ito at sumabay samin palabas.

Nung nakalabas na kami ay sinalubong naman kami ng isang di-katandaang lalaki at binigyan kami ng tig-isang lollipop.

Nagtaka kami nung una pero tinanggap parin naman namin ito't nagpasalamat.

Pero bago namin ito nakain ay nagsalita pa ang baliw na si Calend.

"Ang gaganda ninyo. Manang-mana nga kayo kina Charlice, Sandra at ikaw naman ay nagmana sa mama mo Sky, yung mga ngiti nang mama mo ay ganyan din noon." ngiti-ngiti niyang sambit.

"Pero sadyang..."

Di na namin narinig ang mga sumunod niyang sinabi dahil nahihilo na kami't sabay bumagsak sa lupa.

At hanggang diyan muna tayo at kailangan pa naming kumain ni Scar at Sky dahil Recess Time na pala. Masyado akong nadala sa story telling eh.

Back to Reality

"Sky,tara kain na tayo" yaya ko sakanya ngunit tumango lamang siya't tumayo.

Yayayain ko na rin sana si Scar ngunit paglingon ko eh wala na yung babaeng yun.

"Hinahanap mo ba yung babaeng masungit? Nakita ko siyang lumabas. Papunta atang canteen. Kanina ka pa kasi niya tinatawag pero parang wala kang naririnig." pa cool na sabi ni Vyll.

Eh kasi nga nag story telling pa ako. Edi pupuntahan ko nalang siya sa canteen. Nakita ko namang palabas na si Sky kaya susundan ko na sana siya kaso hinila naman ako ng isang nilalang na pinangalanang Vyll.

"Sama ako ha." nakangiti niyang tugon.

Bahala siya sa buhay niya.

Tinakbo ko ang pagitan namin ni Sky at nagulat naman ito nung nakita niya kung sino ang katabi ko.

"Sasama daw siya satin eh. Hayaan mo na."

Papunta na sana kami sa Canteen nang biglang nagkagulo ang lahat. Narinig kong nag-uusap ang mga babae't nagbubulungan.

Ewan ko nalang kung bulong pa ang tawag diyan eh rinig na rinig naman.

"Mahilig nga talaga sila sa away noh. Kasi yung kasama nila, ayun nakikipag-away sa canteen."

"Weehh?? Talaga..?"

"Oo,at alam mo kung kanino? Kay Leon bes. Sa lahat talaga nang inaway niya yung bespren pa ni Baby Risk."

"Maka baby ka naman. Anak mo yun?ahahaha"

Dahil dun ay hinila ko si Sky at nagmadali sa pagtakbo papuntang canteen.

Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon