Chapter 16

10 1 0
                                    

Sky's Pov

Malalaki yung hakbang ko papuntang Skating Rink.

Naiisip ko na kung anong sasabihin nila.

Mag-aalala lang yung mga yun.Tsk!

Pero bago pa ako makarating dun ay nadaanan ko naman yung kaibigan ni Mr.Order na nakashades at sinisilip silip yung dalang plastic bag.

Di pa ba talaga gumaling yung black eye niya?

Isang linggo na ang nakakaraan ah.

Babalewalain ko lang sana siya nung bigla naman akong kinalabit nung lalaki.

"Sky! Sayo nalang to oh! Busog na rin kasi ako. Kakakain ko lang." saad nito sabay abot nung plastic.

Kinuha ko naman ito at tiningnan kung anong laman.

May orange juice , cake roll , fries at burger sa loob.

Tss. Baka may lason pa to.

Isinoli ko naman ito sakanya.

"Then why did you buy one if you're already freaking full?" tanong ko rito.

Napa cross naman yung mga braso nito.

"I didn't buy that one. Binigay lang yan ni Risk sakin. Nakabusangot nga yung mukha nun. Tsaka di naman yun bumibili ng pagkain kaya nagulat nalang ako nung iabot niya sakin to. Eh timing kakatapos ko lang kumain." inabot niya ulit.

"Wala nga sa mood yung lalaking yun. Ewan ko ba. Wala man lang sali-salitang umalis matapos iabot sakin to." dagdag niya.

Tss.

Tinanggap ko nalang ito at iniwanan siya dun.

Bakit ba siya bumili ng pagkain?

Kanina sinabi niya lang na aalis siya.

Umalis ba yun para bumili nito? Pero para kanino?

Tss.

Iwinaksi ko nalang ito sa isip ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang Skating Rink.

Pagbukas ko sa pintuan ay sabay sabay na napalingon yung 4.

Hmm. Mukhang seryoso nga pinag-uusapan nila.

"Ysa, okay ka lang?" nag-aalalang wika ni Rex.

Ilang ulit ko na bang sinabi na okay lang ako. Tss.

"I'm fine. Di naman nila ako mapapabagsak." sagot ko.

Lumapit naman si Scar at tiningnan yung dala ko.

Inabot ko naman sakanya yun.

"Oh sayo na." saad ko habang iniabot sakanya.

Kumunot naman yung noo nito.

"Bumili ka?" nagtataka nitong saad.

"Nope. Bigay ng kaibigan ni Mr. Order." sagot ko.

"Mr.Order?" tanong naman ni Sam.

Lumapit ito samin.

"Si Risk ba?" tanong ni Scar.

Tumango naman ako. Yun ata yung pangalan? Aba ewan ko.

"Yung kaibigan niya nag-abot sakin niyan. Galing din daw yan kay ano yung kay Mr. Order. " sagot ko.

"Ah yung nakashades na siopao. " nag-iba naman yung mukha ni Scar matapos niya itong sabihin.

"Ahh bigay ni Leon yan na galing kay Risk. Ganun ba?" Pagkaklaro ni Sam.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon