Chapter 14

14 1 0
                                    


Napahawak ako sa pisngi kong nasampal nitong nurse na plastic.

Pero imbis na magalit ay nginisian ko lang siya.

Trip ko lang siya inisin at sinasabayan ko lang yung kabaliwan niya.

Pero bago pa ako makapagsalita ay may humila sakin papunta sa likod nito.

Isang lalaki.

Teka? Yung madaldal to ah.

"Anong ginagawa mo sakanya? Wala kang karapatan na saktan siya!" sigaw niya.

Halata namang nagulat yung nurse nung napagtanto niyang may nakakita sa nagawa niya.

"Sorry Vyll." saad naman nito.

Magkakilala sila?

"Bakit ka sakin humihingi ng tawad? Dun ka humingi ng tawad kay Sky , Guille." turo nito sakin.

"Ipagpaumanhin mo yung nagawa ko Sky." saad nito sabay irap.

Tss.

"Kung sino pa yung mga mapuputi, sila pa yung maiitim yung budhi." parinig ko habang napailing-iling.

Tumaas naman yung kilay nito.

Sige ilabas mo lang yung demonyo sa loob ahaha wag kang magdilang-anghel.

"ANONG SABI MOOO!?" sigaw nito.

Pero bago pa niya ulit ako masaktan ay hinila na naman ako nung madaldal palabas.

Ba't ba andaming humihila sakin.

Binawi ko yung kamay ko na hila hila niya. Nagulat naman siya pero nung nakabawi ay kibit balikat lang na nagpatuloy sa paglalakad.

"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko.

Napatigil naman siya sa may pasilyo.

"Nag-alala lang ako nung nabalitaan kong tinambangan ka ng mga lalaki at natamaan daw sa bandang tiyan. Kaya nung nalaman kong nandito ka sa clinic ay pinuntahan agad kita pero nakita ko namang sinasaktan ka ni Guille kaya pumagitna na ako sainyo kanina." paliwanag niya.

"You don't have to worry. I'm fine." seryoso kong tugon.

"Pero pano kung yun yung puting van na nangunguha ng bata tapos ibebenta yung mga lamang loob ha. Pano kung nakuha ka. Hindi talaga ako mapapalagay nun. " parang bata niyang maktol.

"Una, hindi iyon puti kundi itim na van. Pangalawa, hindi na ako bata. Pangatlo, hinding hindi nila ako makukuha tsaka alagang-alaga ko yung mga lamang loob ko kaya I don't need someone to worry about me. " paliwanag ko.

Hindi ko naman talaga kailangan na mag-alala sila sakin. Kaya ko yung sarili ko. And we're not even close. Makulit ko lang talaga siyang kaklase.

"Yan na ata yung pinakamahaba mong sinabi sakin ah. Wow! Yan ba yung epekto pag sinikmuraan?" gulat nitong tanong.

Binatukan ko siya habang tawang tawa pa rin ito.

"Wanna try? Baka gusto mo lang maramdaman yung feeling ng masikmuraan? Sabihan mo lang ako." tawa pa rin siya ng tawa.

Nung nakabawi na siya sa kakatawa ay inabot niya sakin ang isang plastic.

"Oh! Kunin mo." wika nito sabay abot.

Kinuha ko naman ito at tiningnan kung anong nasa loob.

Isang mineral water at isang cake roll na nakalagay sa transparent na lalagyan.

"Para sayo talaga yan. Bago ako pumunta dito ay dumaan muna ako sa cafeteria para bilhan ka kasi baka nagutom ka sa nangyari at para ma check rin natin kung okay pa yung digestive system mo babe." wika naman niya. Yan na naman yung babe eh. Naiinis talaga ako diyan.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon